< اَلْمَزَامِيرُ 116 >
أَحْبَبْتُ لِأَنَّ ٱلرَّبَّ يَسْمَعُ صَوْتِي، تَضَرُّعَاتِي. | ١ 1 |
Mahal ko si Yahweh dahil naririnig niya ang aking tinig at mga pakiusap para sa awa.
لِأَنَّهُ أَمَالَ أُذْنَهُ إِلَيَّ فَأَدْعُوهُ مُدَّةَ حَيَاتِي. | ٢ 2 |
Dahil siya ay nakinig sa akin, ako ay tatawag sa kaniya habang ako ay nabubuhay.
ٱكْتَنَفَتْنِي حِبَالُ ٱلْمَوْتِ. أَصَابَتْنِي شَدَائِدُ ٱلْهَاوِيَةِ. كَابَدْتُ ضِيقًا وَحُزْنًا. (Sheol ) | ٣ 3 |
Ang mga tali ng kamatayan ay pinaligiran ako, at ang mga patibong ng Sheol ay nasa harapan ko; aking nadama ang hapis at kalungkutan. (Sheol )
وَبِٱسْمِ ٱلرَّبِّ دَعَوْتُ: «آهِ يَارَبُّ، نَجِّ نَفْسِي!». | ٤ 4 |
Pagkatapos tumawag ako sa pangalan ni Yahweh: “Pakiusap O Yahweh, iligtas mo ang buhay ko.”
ٱلرَّبُّ حَنَّانٌ وَصِدِّيقٌ، وَإِلَهُنَا رَحِيمٌ. | ٥ 5 |
Maawain at makatarungan si Yahweh; ang ating Diyos ay mahabagin.
ٱلرَّبُّ حَافِظُ ٱلْبُسَطَاءِ. تَذَلَّلْتُ فَخَلَّصَنِي. | ٦ 6 |
Pinagtatanggol ni Yahweh ang walang muwang; ako ay ibinaba, at kaniyang iniligtas.
ٱرْجِعِي يَا نَفْسِي إِلَى رَاحَتِكِ، لِأَنَّ ٱلرَّبَّ قَدْ أَحْسَنَ إِلَيْكِ. | ٧ 7 |
Maaaring bumalik ang aking kaluluwa sa lugar ng kaniyang kapahingahan, dahil si Yahweh ay naging mabuti sa akin.
لِأَنَّكَ أَنْقَذْتَ نَفْسِي مِنَ ٱلْمَوْتِ، وَعَيْنِي مِنَ ٱلدَّمْعَةِ، وَرِجْلَيَّ مِنَ ٱلزَّلَقِ. | ٨ 8 |
Dahil iniligtas mo ang buhay ko mula sa kamatayan, at ang mata ko mula sa mga luha, at ang mga paa ko mula sa pagkatisod.
أَسْلُكُ قُدَّامَ ٱلرَّبِّ فِي أَرْضِ ٱلْأَحْيَاءِ. | ٩ 9 |
Maglilingkod ako kay Yahweh sa lupain ng mga buhay.
آمَنْتُ لِذَلِكَ تَكَلَّمْتُ: «أَنَا تَذَلَّلْتُ جِدًّا». | ١٠ 10 |
Naniwala ako sa kaniya, kahit sinabi kong “Lubha akong nahirapan.
أَنَا قُلْتُ فِي حَيْرَتِي: «كُلُّ إِنْسَانٍ كَاذِبٌ». | ١١ 11 |
Padalos-dalos kong sinabing, “Lahat ng tao ay mga sinungaling.”
مَاذَا أَرُدُّ لِلرَّبِّ مِنْ أَجْلِ كُلِّ حَسَنَاتِهِ لِي؟ | ١٢ 12 |
Paano ako makakabayad kay Yahweh sa lahat ng kabutihan niya sa akin?
كَأْسَ ٱلْخَلَاصِ أَتَنَاوَلُ، وَبِٱسْمِ ٱلرَّبِّ أَدْعُو. | ١٣ 13 |
Aking itataas ang saro ng kaligtasan, at tatawag ako sa pangalan ni Yahweh.
أُوفِي نُذُورِي لِلرَّبِّ مُقَابِلَ كُلِّ شَعْبِهِ. | ١٤ 14 |
Aking tutuparin ang mga panata ko kay Yahweh sa harapan ng kaniyang buong bayan.
عَزِيزٌ فِي عَيْنَيِ ٱلرَّبِّ مَوْتُ أَتْقِيَائِهِ. | ١٥ 15 |
Mahalaga sa paningin ni Yahweh ang kamatayan ng kaniyang mga santo.
آهِ يَارَبُّ، لِأَنِّي عَبْدُكَ! أَنَا عَبْدُكَ ٱبْنُ أَمَتِكَ. حَلَلْتَ قُيُودِي. | ١٦ 16 |
O Yahweh, tunay nga, ako ay iyong lingkod; ako ang iyong lingkod, na anak ng iyong lingkod na babae; iyong kinalag ang aking mga pagkakatali.
فَلَكَ أَذْبَحُ ذَبِيحَةَ حَمْدٍ، وَبِٱسْمِ ٱلرَّبِّ أَدْعُو. | ١٧ 17 |
Aking iaalay sa iyo ang handog na pasasalamat at tatawag sa pangalan ni Yahweh.
أُوفِي نُذُورِي لِلرَّبِّ مُقَابِلَ شَعْبِهِ، | ١٨ 18 |
Aking tutuparin ang mga panata ko kay Yahweh sa harapan ng kaniyang buong bayan,
فِي دِيَارِ بَيْتِ ٱلرَّبِّ، فِي وَسَطِكِ يَا أُورُشَلِيمُ. هَلِّلُويَا. | ١٩ 19 |
sa mga silid ng tahanan ni Yahweh, sa inyong kalagitnaan, sa Jerusalem. Purihin si Yahweh.