< Hiob 30 >

1 “Nanso seesei wɔsere me, nnipa a manyini sene wɔn, na wɔn agyanom mfata sɛ wɔne me nnwan ho nkraman tena.
Ngayon ang mga mas nakababata sa akin ay walang maidulot kundi pangungnutya sa akin - ang mga kabataang lalaking ito na ang mga ama ay gusto kong tanggihang magtrabaho katabi ng mga aso sa aking kawan.
2 Mfasoɔ bɛn na wɔn nsa mu ahoɔden wɔ ma me, ɛberɛ a wɔn ahoɔden afiri wɔn mu?
Tunay nga, ang lakas ng mga kamay ng kanilang mga ama - paano nito ako matutulungan - mga lalaki na kung saan ang lakas ng kanilang kaganapan sa gulang ay naglaho na?
3 Ohia ne ɛkɔm ama wɔn ho atete, wɔnante asase wesee ne asase bonini so anadwo.
Sila ay mga payat dahil sa kahirapan at kagutuman, ngumangatngat sila sa tuyong lupa sa kadiliman ng ilang at kapanglawan.
4 Wɔboaboaa nkyenhahan ano wɔ nkyɛkyerɛ mu, na wɔde ɛserɛ so nnua nhini yɛɛ wɔn aduane.
Namitas sila ng halaman ng soltwot at mga dahon ng palumpong; ang mga ugat ng puno ng tambo ang kanilang pagkain.
5 Wɔn mfɛfoɔ pamoo wɔn firii wɔn mu, na wɔhuroo wɔn sɛ akorɔmfoɔ.
Pinalayas sila mula sa mga tao na sumigaw sa kanila na parang isang tao na sinisigawan ang isang magnanakaw.
6 Wɔhyɛɛ wɔn ma wɔtenaa nsuka a emu awo, abotan ne ɛfam ntokuro mu.
Kaya kinailangan nilang manirahan sa ilog lambak, sa mga lungga ng lupa at ng mga bato.
7 Wɔsuu sɛ mfunumu wɔ wiram na wɔfoforee so wɔ ɔdɔtɔ ase.
Sa mga palumpong, umungal sila tulad ng mga asno; sa ilalim ng mga palumpong nagtitipon-tipon sila.
8 Ekuo a wɔmfra na wɔnni din, wɔpam wɔn firii asase no so.
Sila ay mga inapo ng mga hangal; tunay nga, na walang kwentang mga tao; pinalayas sila sa lupain sa pamamagitan ng mga pamalo.
9 “Na ɛnnɛ yi wɔn mmammarima de dwom bɔ me akutia; mayɛ abusudeɛ wɔ wɔn mu.
Pero ngayon, para sa kanilang mga anak, naging paksa ako ng isang kanta ng pangungutya; tunay nga, naging isang katatawanan ako sa kanila.
10 Wɔkyiri me na wɔnnka mma me ho; wɔmmfɛre sɛ wɔtete ntasuo gu mʼanim.
Kinasusuklaman nila ako at hindi lumalapit sa akin; hindi sila nag-aatubiling dumura sa aking mukha.
11 Afei a Onyankopɔn abubu me tadua na ɔde amanehunu aba me so yi, wɔyɛ deɛ wɔpɛ wɔ mʼanim.
Dahil tinanggal ng Diyos ang lubid ng aking pana at pinahirapan ako, kaya sa harapan ko ay nawawala ang lahat ng pagpipigil sa sarili ng mga taong ito.
12 Abusuakuo no to hyɛ me so wɔ me nifa so; wɔsum me nan mfidie, na wɔsisi apie tia me.
Sa aking kanang kamay naghimagsik ang magulong pulutong ng mga tao; itinaboy nila ako at itinambak laban sa akin ang kanilang punso ng paglusob.
13 Wɔsisi mʼakwan; na wɔnya me sɛe me na obiara mmoa me.
Sinisira nila ang aking landas; Itinutulak nila ang kapahamakan para sa akin, mga lalaki na walang sinumang makapipigil.
14 Wɔba te sɛ deɛ wɔfiri ntokuro a ano abae mu; wɔnam mmubuiɛ no mu munimuni ba.
Sinasalakay nila ako tulad ng isang hukbo sa pamamagitan ng isang malaking butas sa pader ng lungsod; sa gitna ng pagkawasak gumulong sila sa akin.
15 Ahunahuna ma me ho dwiri me; mʼanimuonyam atu kɔ sɛdeɛ mframa abɔ agu, me banbɔ atu ayera sɛ omununkum.
Nilukuban ako ng malaking takot; itinaboy ang aking karangalan na parang ng hangin; naglaho ang aking kasaganaan na parang isang ulap.
16 “Na seesei, me nkwa resa; na amanehunu nna akyekyere me.
Ngayon ang buhay ko ay ibinubuhos mula sa akin. Hinawakan ako ng maraming araw ng pagdurusa.
17 Anadwo wowɔ me nnompe mu; ɔyea a ɛwe me no nnyae.
Sa gabi sinasaksak ang aking mga buto sa loob ng aking katawan; ang mga sakit na nagpapahirap sa akin ay walang kapahingahan.
18 Onyankopɔn firi ne tumi mu yɛ sɛ aduradeɛ ma me; ɔmia me te sɛ mʼatadeɛ kɔn.
Hinablot ng malakas na pwersa ng Diyos ang aking kasuotan; binalutan ako nito tulad ng kwelyo ng aking tunika.
19 Ɔto me twene atɛkyɛ mu na ɔma me yɛ sɛ mfuturo ne nsõ.
Inihagis niya ako sa putik; Naging tulad ako ng alabok at mga abo.
20 “Ao Onyankopɔn, mesu mefrɛ wo, nanso wommua me. Mesɔre gyina, nanso wohwɛ me kɛkɛ.
Umiiyak ako sa iyo, Diyos, pero hindi mo ako sinasagot; tumatayo ako pero tinitingnan mo lang ako.
21 Woba me so anibereɛ so; wode wʼabasa mu tumi to hyɛ me so.
Nagbago ka na at naging malupit sa akin; sa kapangyarihan ng iyong kamay ay pinapahirapan mo ako.
22 Wohwim me na wode mframa pia me; wodankyidankyi me wɔ ahum mu.
Itinaas mo ako sa hangin at dinulot na tangayin ako nito; tinutunaw mo ako sa bagyo.
23 Menim sɛ wode me bɛkɔ owuo mu, baabi a woahyɛ ama ateasefoɔ nyinaa.
Dahil alam kong dadalhin mo ako sa kamatayan, sa bahay na nakatadhana para sa lahat ng mga buhay na bagay.
24 “Ampa ara obiara mfa ne nsa nka onipa a ɔrebrɛ ɛberɛ a ɔresu pɛ mmoa wɔ nʼamanehunu mu.
Pero, wala bang umaabot ng kaniyang kamay para humingi ng tulong kapag siya ay bumabagsak? Wala bang nasa kaguluhan na nagmakaawa para sa tulong?
25 Mansu amma wɔn a wɔwɔ ɔhaw mu anaa? Me kra werɛ anho amma ahiafoɔ anaa?
Hindi ba ako umiyak para sa kaniya na nasa kaguluhan? Hindi ba ako nagdalamhati para sa taong nangangailangan?
26 Nanso ɛberɛ a mʼani da papa so no, bɔne baeɛ; ɛberɛ a mepɛɛ hann no, esum na ɛduruuɛ.
Nang naghanap ako ng kabutihan, ang dumating ay kasamaan; nang ako ay naghintay para sa liwanag, sa halip ay dumating ang kadiliman.
27 Meyafunu mu a ɛwowɔ me no nnyae da; na nna a amanehunu wɔ mu da mʼanim.
Naguguluhan ang aking puso at hindi nagpapahinga; mga araw ng dalamhati ang dumating sa akin.
28 Menenam a mabiri a ɛnyɛ sɛ owia na ahye me; megyina adwaberem na mesu pɛ mmoa.
Patuloy na nangingitim ang aking balat hindi dahil sa araw; tumatayo ako sa kapulungan at humihingi ng tulong.
29 Madane nnompo nuabarima, me ne apatuo na ɛbɔ.
Ako ay kapatid ng asong gubat, isang kasama ng mga ostrich.
30 Me honam ani abiri na ɛhwanehwane; huraeɛ ama me ho adɔ.
Maitim ang aking balat at natutuklap; nasunog sa init ang aking mga buto.
31 Me sankuo bɔ kwadwom, na mʼatɛntɛbɛn ma agyaadwotwa nnyegyeɛ.
Kaya ang aking alpa ay nakatono para sa mga kanta ng pagluluksa, ang aking plauta para sa pagkanta ng mga nananaghoy.

< Hiob 30 >