< Awit ng mga Awit 2 >
1 Ako ay isa lamang bulaklak na nasa isang kapatagan, isa lamang liryo na nasa isang lambak. Nagsasalita sa kaniya ang lalaki.
Meyɛ Saron nhwiren ne abon mu sukooko.
2 Gaya ng isang liryo sa mga tinik, gayon ka rin, aking mahal, sa mga dalaga ng aking mga kababayan. Nagsasalita sa kaniyang sarili ang babae.
Sɛnea sukooko a ɛwɔ nsɔe mu te no, saa ara na me dɔfo te wɔ mmabaa mu.
3 Gaya ng puno ng aprikot sa mga puno ng kagubatan, gayon din ang aking minamahal sa gitna ng mga kabinataan. Umuupo ako sa ilalim ng kaniyang anino na may labis na kasiyahan, at ang kaniyang bunga ay matamis sa aking panlasa.
Sɛnea aprɛ te wɔ kwae mu nnua mu no, saa ara na me dɔfo te wɔ mmerante mu. Sɛ metena ne nwini mu a minya ahomeka na nʼaba nso yɛ mʼanom dɛ.
4 Dinala niya ako sa bulwagan ng salu-salo, ang kaniyang bandila sa akin ay pag-ibig. Nagsasalita sa kaniyang mangingibig ang babae.
Ɔde me akɔ aponto ase, na mʼagyiraehyɛde yɛ ɔdɔ.
5 Muli akong palakasin sa pamamagitan ng keyk na pasas at pasiglahin muli sa pamamagitan ng mga aprikot, dahil ako ay mahina sa pag-ibig. Nagsasalita sa kaniyang sarili ang babae.
Momma me bobe aba na minya ahoɔden, momma me aprɛ na ennwudwo me, efisɛ ɔdɔ ama matɔ beraw.
6 Ang kaniyang kaliwang kamay ay nasa ilalim ng aking ulo, at ang kaniyang kanang kamay ay niyayakap ako. Nagsasalita sa ibang mga kababaihan ang babae.
Ne nsa benkum da mʼatiko, na ne nsa nifa aka me afam ne bo.
7 Nais kong ipangako ninyo, mga anak na dalaga ng Jerusalem, kasama ng mga gasel at ng mga babaeng usa ng kabukiran, na hindi ninyo gagambalain ang aming pagtatalik hanggang ito ay matapos. Nagsasalita sa kaniyang sarili ang babae
Yerusalem mmabea, mede atwewa ne wuram ɔforote hyɛ mo sɛ: Monnkanyan na munnyan ɔdɔ kosi bere a ɛsɛ mu.
8 Nanjan na ang tinig ng aking minamahal! O, parating na siya rito, lumulukso sa ibabaw ng mga bundok, tumatalon sa ibabaw ng mga burol.
Tie! me dɔfo! Hwɛ! ɔno na ɔreba no, ɔrehuruhuruw wɔ mmepɔw no so na ɔbɔ pentenkwa wɔ nkoko no so.
9 Ang aking minamahal ay tulad ng isang gasel o isang batang lalaking usa, masdan mo, siya ay nakatayo sa likod ng aming pader, sumisilip sa bintana, sumusungaw sa sala-sala.
Me dɔfo te sɛ ɔtwe anaa ɔforote. Hwɛ! ogyina yɛn fasu akyi, ɔhwɛ mfɛnsere no mu, wagyen nʼani rehwɛ mfɛnsere no mu.
10 Ang aking minamahal ay nagsalita sa akin at nagsabi, “Bumangon ka, aking mahal; aking magandang sinta, sumama ka sa aking pag-alis.
Me dɔfo kasa kyerɛɛ me se, “Sɔre, me dɔfo ne mʼahoɔfɛ na bra me nkyɛn.
11 Tingnan mo, lumipas na ang tag-lamig; tapos na ang tag-ulan at ito ay wala na.
Hwɛ! awɔwbere atwa mu; na asusow atwa mu kɔ.
12 Lumitaw na ang mga bulaklak sa lupain; ang oras ng pagpuputol ng puno at ang pag-aawitan ng mga ibon ay dumating na, at ang tinig ng mga kalapati ay naririnig sa ating lupain.
Nhwiren afifi asase ani: nnwonto bere aso. Wɔte mmorɔnoma su wɔ yɛn asase so.
13 Hinihinog ng puno ng igos ang kaniyang mga berdeng igos, at ang mga puno ng ubas ay namumulaklak; naglalabas ang mga ito ng halimuyak. Bumangon ka, aking mahal, aking magandang sinta, at sumama ka.
Borɔdɔma agu nhwiren; na bobe hua agye baabiara. Sɔre bra, me dɔfo; mʼahoɔfɛ, bra me nkyɛn.”
14 Aking kalapati, sa mga siwang ng mga batuhan, sa lihim na siwang ng mga bundok, hayaan mong makita ko ang iyong mukha. Hayaan mong marinig ko ang iyong tinig, dahil matamis ang iyong tinig, at ang iyong mukha ay kaibig-ibig”. Nagsasalita sa kaniyang sarili ang babae
Mʼaborɔnoma a wohyɛ abotan ntokuru mu, ahintaw wɔ mmepɔw so, ma minhu wʼanim; ma mente wo nne; wo nne yɛ dɛ, na wʼanim yɛ fɛ.
15 Hulihin ang mga soro para sa atin, ang mga maliliit na soro na sumisira ng mga ubasan, dahil ang ating ubasan ay namumulaklak.
Monkyekyere sakraman no mma yɛn, sakraman nketewa no a wɔsɛe bobe nturo, yɛn bobe nturo a ayɛ frɔmfrɔm no.
16 Ang aking minamahal ay akin, at ako ay sa kanya; siya ay nanginginain sa mga liryo na may kasiyahan. Nagsasalita sa kanyang kasintahan ang babae
Me dɔfo yɛ me dea, na mewɔ no; ɔhwehwɛ sukooko no mu.
17 Lumayo ka, aking minamahal, bago umihip ang mahinang hangin ng bukang-liwayway at ang mga anino ay maglaho. Lumayo ka; maging tulad ng isang gasel o ng isang batang lalaking usa sa baku-bakong bundok.
Enkosi sɛ ade bɛkyɛ na sunsuma bɛsen akɔ no, dan wo ho, me dɔfo, na yɛ sɛ ɔtwewa anaa ɔforote a ɔwɔ nkoko mmonkyi mmonka no so.