< Mga Awit 97 >

1 Naghahari si Yahweh; hayaang magalak ang daigdig; hayaang matuwa ang maraming kapuluan.
Pour David, quand son territoire fut établi. Le Seigneur a régné; que la terre tressaille d'allégresse; que la multitude des îles se réjouisse.
2 Pumapalibot sa kanya ang mga ulap at kadiliman. Katuwiran at katarungan ang saligan ng kanyang trono.
Les ténèbres et les nuées l'entourent; la justice et le jugement dirigent son trône.
3 Ang apoy ang nasa kanyang unahan at tumutupok sa kanyang mga kaaway sa lahat ng dako.
La flamme le précède, et dans son parcours elle brûlera ses ennemis.
4 Ang kanyang kidlat ang lumiliwanag sa mundo; nakikita ng daigdig at nayayanig.
Les éclairs ont lui sur le globe de la terre; la terre les a vus et en a tremblé.
5 Ang mga bundok ay natutunaw gaya ng kandila sa harapan ni Yahweh, ang Panginoon ng buong daigdig.
Les montagnes ont fondu, comme la cire, devant la face du Seigneur; toute la terre a fondu devant sa face.
6 Ipinapahayag ng kalangitan ang kanyang katarungan, at nakikita ng lahat ng mga bansa ang kanyang kaluwalhatian.
Les cieux ont annoncé sa justice, et tous les peuples ont vu sa gloire.
7 Ang lahat ng sumasamba sa mga inukit na bagay ay mapapahiya, ang mga nagyayabang sa mga walang katuturang mga diyos-diyosan— yumukod kayo sa kanya, kayong lahat na mga diyos!
Que tous ceux qui adorent des sculptures, et se glorifient dans leurs idoles, soient confondus! Et vous tous, ses anges, adorez-le!
8 Narinig ng Sion at natuwa, at ang mga bayan ng Juda ay nagalak dahil sa iyong matuwid na mga kautusan, Yahweh.
Sion l'a entendu, et elle s'est réjouie; et les filles de Juda ont tressailli d'allégresse à cause de tes jugements, Seigneur.
9 Dahil ikaw, Yahweh, ay kataas-taasan sa buong daigdig. Ikaw ay dinadakila higit sa lahat ng mga diyos.
Car tu es le Seigneur, le Très-Haut, sur toute la terre; tu es digne de louanges infinies, plus que tous les dieux.
10 Kayong mga nagmamahal kay Yahweh, kamuhian ninyo ang masama! Ipinagtatanggol niya ang buhay ng kanyang mga banal at inililigtas niya (sila) sa kamay ng mga masasama.
Vous qui aimez le Seigneur, haïssez le mal; le Seigneur garde les âmes de ses saints, il les délivrera de la main des pécheurs.
11 Ang liwanag ay itinatanim para sa mga matuwid at katuwaan para sa mga may matapat na puso.
La lumière s'est levée pour le juste, et la joie pour ceux qui ont le cœur droit.
12 Magalak kay Yahweh, kayong matutuwid; at magbigay ng pasasalamat sa kanyang banal na pangalan.
Justes, réjouissez-vous dans le Seigneur, et publiez la mémoire de sa sainteté.

< Mga Awit 97 >