< Mga Awit 79 >
1 O Diyos, ang mga dayuhang bansa ay dumating sa iyong pamana; dinungisan nila ang iyong banal na templo; ginawa nilang isang bunton ng pagkawasak ang Jerusalem.
Žalm Azafovi. Bože, vtrhli pohané do dědictví tvého, poškvrnili chrámu svatosti tvé, obrátili Jeruzalém v hromady.
2 Ibinigay nila ang mga patay na katawan ng iyong mga lingkod bilang pagkain ng mga ibon sa himpapawid, ang mga katawan ng iyong tapat na bayan sa mga halimaw ng daigdig.
Dali těla mrtvá služebníků tvých za pokrm ptákům nebeským, těla svatých tvých šelmám zemským.
3 Ibinuhos nila ang kanilang dugo na parang tubig sa paligid ng Jerusalem, at walang naglilibing sa kanila.
Vylili krev jejich jako vodu okolo Jeruzaléma, a nebyl, kdo by je pochovával.
4 Kami ay naging isang kasiraan para sa aming mga kapwa para magawan ng panunuya at pangungutya ng mga nakapaligid sa amin.
Vydáni jsme v pohanění sousedům našim, v posměch a žert těm, kteříž jsou vůkol nás.
5 Gaano katagal, Yahweh? Mananatili ba ang iyong galit magpakailanman? Gaano katagal mag-iinit tulad ng apoy ang galit ng iyong pagseselos?
Až dokud, ó Hospodine? Na věky-liž se hněvati budeš, a hořeti bude jako oheň horlení tvé?
6 Ibuhos mo ang iyong poot sa mga bansa na hindi nakakakilala sa iyo at sa mga kaharian na hindi tumatawag sa iyong pangalan.
Vylí hněv svůj na národy, kteříž tě neznají, a na království, kteráž jména tvého nevzývají.
7 Dahil nilamon nila si Jacob at winasak ang kaniyang mga nayon.
Neboť jsou sežrali Jákoba, a obydlí jeho v poustku obrátili.
8 Huwag ibilang ang mga kasalanan ng aming mga ninuno laban sa amin; dumating nawa ang mga mahabaging pagkilos mo sa amin, dahil napakahina namin.
Nezpomínejž nám dřevních nepravostí našich, rychle ať předejdou nás milosrdenství tvá, neboť jsme velmi znuzeni.
9 Tulungan mo kami, Diyos ng aming kaligtasan, alang-alang sa kaluwalhatian ng iyong pangalan; iligtas mo kami at patawarin ang aming mga kasalanan alang-alang sa iyong pangalan.
Pomoz nám, ó Bože spasení našeho, pro slávu jména svého; vytrhni nás, a buď milostiv hříchům našim pro jméno své.
10 Bakit kailangan sabihin ng mga bansa, “Nasaan ang kanilang Diyos?” Nawa ang dugo ng iyong mga lingkod na ibinuhos ay maipaghiganti sa mga bansang nasa harap ng aming mga mata.
Proč mají říkati pohané: Kdež jest Bůh jejich? Budiž znám mezi pohany, před očima našima, skrze pomstu krve služebníků svých, kteráž jest vylita.
11 Nawa ang mga pagdaing ng mga bilanggo ay dumating sa harap mo; sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan panatilihin mong buhay ang mga anak ng kamatayan.
Vstupiž před oblíčej tvůj lkání vězňů, a podlé velikosti síly své zanechej ostatků k smrti oddaných.
12 Pagbayarin mo sa mga kandungan ng aming mga karatig- bansa ng pitong beses ang mga pang-iinsulto sa iyo, Panginoon.
A odplať sousedům našim sedmernásobně do lůna jejich za pohanění, kteréž jsou tobě činili, ó Pane.
13 Kaya kami na bayan mo at tupa ng iyong pastulan ay magbibigay ng pasasalamat sa iyo magpakailanman. Sasabihin namin ang iyong mga papuri sa lahat ng mga salinlahi.
My pak, lid tvůj a ovce pastvy tvé, slaviti tě budeme na věky; od národu do pronárodu vypravovati budeme chválu tvou.