< Mga Awit 73 >

1 Sadyang mabuti ang Diyos sa Israel sa mga may dalisay na puso.
神はイスラエルにむかひ心のきよきものに對ひてまことに惠あり
2 Pero para sa akin, halos dumulas ang aking mga paa; halos dumulas ang aking mga paa sa aking paghakbang
然はあれどわれはわが足つまづくばかりわが歩すべるばかりにてありき
3 dahil nainggit ako sa arogante nang makita ko ang kasaganaan ng masasama.
こはわれ惡きものの榮ゆるを見てその誇れる者をねたみしによる
4 Dahil wala silang sakit hanggang sa kanilang kamatayan, kundi (sila) ay malakas at nakakakain nang mabuti.
かれらは死るに苦しみなくそのちからは反てかたし
5 Malaya (sila) mula sa mga pasanin tulad ng ibang mga tao; hindi (sila) nahihirapan katulad ng ibang mga tao.
かれらは人のごとく憂にをらず人のごとく患難にあふことなし
6 Ang pagmamalaki ay nagpapaganda sa kanila na tulad ng kwintas na nakapalibot sa kanilang leeg; dinadamitan (sila) ng karahasan tulad ng balabal.
このゆゑに傲慢は妝飾のごとくその頸をめぐり強暴はころものごとく彼等をおほへり
7 Mula sa ganoong pagkabulag nagmumula ang kasalanan; ang masamang mga kaisipan ay tumatagos sa kanilang mga puso.
かれら肥ふとりてその目とびいで心の欲にまさりて物をうるなり
8 Nangungutya silang nagsasabi ng mga masasamang bagay; nagmamalaki silang nagbabanta ng karahasan.
また嘲笑をなし惡をもて暴虐のことばをいだし高ぶりてものいふ
9 Nagsasalita (sila) laban sa kalangitan, at ang kanilang mga dila ay gumagala sa daigdig.
その口を天におきその舌を地にあまねく往しむ
10 Kaya, ang bayan ng Diyos ay nakikinig sa kanila at ninanamnam ang kanilang mga salita.
このゆゑにかれの民はここにかへり水のみちたる杯をしぼりいだして
11 Sinasabi nila, “Paano nalalaman ng Diyos? Alam ba ng Diyos kung ano ang nangyayari?”
いへらく神いかで知たまはんや至上者に知識あらんやと
12 Pansinin ninyo: ang mga taong ito ay masama; wala silang inaalala, lalo pa silang nagiging mayaman.
視よかれらは惡きものなるに常にやすらかにしてその富ましくははれり
13 Sadyang walang kabuluhan na bantayan ko ang aking puso at hugasan ang aking mga kamay sa kawalang-kasalanan.
誠に我はいたづらに心をきよめ罪ををかさずして手をあらひたり
14 Dahil buong araw akong pinahirapan at dinisiplina bawat umaga.
そはわれ終日なやみにあひ朝ごとに責をうけしなり
15 Kung aking sinabi, “Sasabihin ko ang mga bagay na ito,” parang pinagtaksilan ko ang salinlahi ng inyong mga anak.
われもし斯ることを述んといひしならば我なんぢが子輩の代をあやまらせしならん
16 Kahit na sinubukan kong unawain ang mga bagay na ito, napakahirap nito para sa akin.
われこれらの道理をしらんとして思ひめぐらししにわが眼いたく痛たり
17 Pagkatapos pumasok ako sa santuwaryo ng Diyos at naunawaan ang kanilang kapalaran.
われ神の聖所にゆきてかれらの結局をふかく思へるまでは然りき
18 Sadyang inilalagay mo (sila) sa madudulas na mga lugar; dinadala mo (sila) sa pagkawasak.
誠になんぢはかれらを滑かなるところにおきかれらを滅亡におとしいれ給ふ
19 Paano (sila) naging disyerto sa isang iglap! Sumapit (sila) sa kanilang wakas at natapos sa kahindik-hindik na takot.
かれらは瞬間にやぶれたるかな彼等は恐怖をもてことごとく滅びたり
20 Katulad (sila) ng panaginip matapos magising; Panginoon, kapag ikaw ay tumindig, wala kang iisiping ganoong mga panaginip.
主よなんぢ目をさましてかれらが像をかろしめたまはんときは夢みし人の目さめたるがごとし
21 Dahil nagdalamhati ang aking puso, at ako ay labis na nasugatan.
わが心はうれへ わが腎はさされたり
22 Ako ay mangmang at kulang sa pananaw; ako ay katulad ng walang alam na hayop sa harapan mo.
われおろかにして知覺なし聖前にありて獣にひとしかりき
23 Gayumpaman, ako ay palaging kasama mo; hawak mo ang aking kanang kamay.
されど我つねになんぢとともにあり汝わが右手をたもちたまへり
24 Gagabayan mo ako ng iyong payo at pagkatapos tanggapin mo ako sa kaluwalhatian.
なんぢその訓諭をもて我をみちびき後またわれをうけて榮光のうちに入たまはん
25 Sino ang hahanapin ko sa langit bukod sa iyo? Walang sinuman na nasa daigdig ang aking ninanais kundi ikaw.
汝のほかに我たれをか天にもたん地にはなんぢの他にわが慕ふものなし
26 Humina man ang aking katawan at ang aking puso, pero ang Diyos ang lakas ng aking puso magpakailanman.
わが身とわが心とはおとろふ されど神はわがこころの磐わがとこしへの嗣業なり
27 Ang mga malayo sa iyo ay mamamatay; wawasakin mo ang lahat ng mga taksil sa iyo.
視よなんぢに遠きものは滅びん 汝をはなれて姦淫をおこなふ者はみななんぢ之をほろぼしたまひたり
28 Pero para sa akin, ang kailangan ko lang gawin ay lumapit sa Diyos. Ginawa kong kublihan si Yahweh na aking Panginoon. Ipahahayag ko ang lahat ng iyong mga gawa.
神にちかづき奉るは我によきことなり われは主ヱホバを避所としてそのもろもろの事跡をのべつたへん

< Mga Awit 73 >