< Mga Awit 68 >

1 Hayaang tumayo ang Diyos; hayaang kumalat ang kaniyang mga kaaway; hayaan ding magtakbuhan palayo ang mga napopoot sa kaniya.
Til Sangmesteren. Af David. En Salme. En Sang.
2 Kung paano itinaboy ang usok, gayundin ang pagtaboy mo sa kanila; kung paano natutunaw ang kandila sa harap ng apoy, hayaang maglaho ang mga masama sa presensiya ng Diyos.
Naar Gud staar op, da splittes hans Fjender, hans Avindsmænd flyr for hans Aasyn,
3 Pero hayaang matuwa ang mga matutuwid; hayaan silang magpakasaya sa harap ng Diyos; nawa ay magalak (sila) at maging masaya.
som Røg henvejres, saa henvejres de; som Voks, der smelter for Ild, gaar gudløse til Grunde for Guds Aasyn.
4 Umawit sa Diyos, umawit ng mga papuri sa kaniyang pangalan; gumawa ng daan sa kapatagan para sa naglalakbay sa gitna ng lambak sa Ilog Jordan; Yahweh ang kaniyang pangalan; magalak kayo sa harap niya.
Men retfærdige frydes og jubler med Glæde og Fryd for Guds Aasyn.
5 Ang ama ng mga walang ama, ang hukom ng mga balo, ay Diyos sa banal na lugar kung saan siya nananahan.
Syng for Gud, lovsyng hans Navn, hyld ham, der farer frem gennem Ørknerne! HERREN er hans Navn, jubler for hans Aasyn,
6 Inilalagay ng Diyos ang mga nalulungkot na magkaroon ng mga pamilya; pinalalaya niya ang mga bilanggo na nag-aawitan; pero maninirahan sa tigang na lupa ang mga suwail.
faderløses Fader, Enkers Værge, Gud i hans hellige Bolig,
7 O Diyos, nang lumabas ka sa harap ng iyong bayan, nang lumakad ka sa ilang,
Gud, som bringer ensomme hjem, fører Fanger ud til Lykke; men genstridige bor i tørre Egne.
8 nanginig ang lupa; nagbuhos din ng ulan ang kalangitan sa presensiya ng Diyos, sa presensiya ng Diyos nang pumunta siya sa Sinai, sa presensiya ng Diyos, ang Diyos ng Israel.
Da du drog ud, o Gud, i Spidsen for dit Folk, skred frem gennem Ørkenen, (Sela) da rystede Jorden,
9 Ikaw, O Diyos, ay nagpadala ng saganang ulan; pinalakas mo ang iyong pamana noong nanghina ito.
ja, Himlen dryppede for Guds Aasyn, for Guds Aasyn, Israels Guds.
10 Dito nanirahan ang iyong bayan; Ikaw, O Diyos, ay nagbigay sa mga mahihirap mula sa iyong kabutihan.
Regn i Strømme lod du falde, o Gud, din vansmægtende Arvelod styrkede du;
11 Nag-utos ang Panginoon, at isang malaking hukbo ang nagpamalita sa mga ito.
din Skare tog Bolig der, for de arme sørged du, Gud, i din Godhed.
12 Nagsitakas ang mga hari ng mga hukbo, tumakbo (sila) kaya pinaghati-hatian ng mga kababaihan na naghihintay sa tahanan ang mga nasamsam:
Ord lægger Herren de Kvinder i Munden, som bringer Glædesbud, en talrig Hær:
13 mga kalapati na balot ng pilak na may mga pakpak na ginto. Nang nagpaiwan kayo sa mga kuwadra, bakit ninyo nagawa ito?
»Hærenes Konger flyr, de flyr, Husets Frue uddeler Bytte.
14 Itinaboy ng Maykapal ang mga hari roon; kagaya nang pag-ulan ng niyebe sa Bundok ng Salmon!
Vil I da blive imellem Foldene? Duens Vinger dækkes af Sølv, dens Fjedre af gulgrønt Guld.
15 Ang bulubunduking bayan ng Bashan ay isang matatag na bundok; isang matayog na bundok ang bulubunduking bayan ng Bashan.
Da den Almægtige splittede Kongerne der, faldt der Sne paa Zalmon.«
16 Bakit mo pa kinaiinggitan, ikaw na mataas na bulubunduking bayan ang lugar na nais ng Diyos na panahanan? Tunay nga na maninirahan si Yahweh doon magpakailanman.
Et Gudsbjerg er Basans Bjerg, et Bjerg med spidse Tinder er Basans Bjerg;
17 Dalawampung-libo ang karwahe ng Diyos, libo-libo; kasama nila ang Panginoon sa banal na lugar, gaya ng sa Sinai.
Hvi skæver I Bjerge med spidse Tinder til Bjerget, Gud ønsked til Bolig, hvor HERREN ogsaa vil bo for evigt?
18 Naitanghal ka; pinalaya mo ang mga bihag; at tumanggap ka ng mga kaloob mula sa mga tao, maging sa mga lumaban sa iyo, nang sa gayon ikaw, Panginoong Diyos, ay manahan doon.
Titusinder er Guds Vogne, tusinde Gange tusinde, HERREN kom fra Sinaj til Helligdommen.
19 Purihin ang Panginoon, siya na bumubuhat ng ating mga pasanin araw-araw, ang Diyos ng ating kaligtasan. (Selah)
Du steg op til det høje, du bortførte Fanger, Gaver tog du blandt Mennesker, ogsaa iblandt de genstridige, at du maatte bo der, HERRE, o Gud.
20 Ang ating Diyos ay ang Diyos na nagliligtas; Si Yahweh ang Panginoon ang siyang may kakayahang magligtas sa atin mula sa kamatayan.
Lovet være Herren! Fra Dag til Dag bærer han vore Byrder; Gud er vor Frelse. (Sela)
21 Pero papaluin ng Diyos ang mga ulo ng kaniyang mga kaaway, sa anit ng mga nagkasala laban sa kaniya.
En Gud til Frelse er Gud for os, hos den Herre HERREN er Udgange fra Døden.
22 Sinabi ng Panginoon, “Ibabalik ko ang aking mga kaaway mula sa Bashan; ibabalik ko (sila) mula sa kailaliman ng dagat
Men Fjendernes Hoveder knuser Gud, den gudløses Isse, der vandrer i sine Synder.
23 para madurog mo ang iyong mga kaaway, na parang sinasawsaw ang iyong paa sa dugo, at para magkaroon ng bahagi ang mga dila ng iyong mga aso mula sa iyong mga kaaway.
Herren har sagt: »Jeg henter dem hjem fra Basan, henter dem hjem fra Havets Dyb,
24 Nakita nila ang iyong mga prusisyon, O Diyos, ang mga prusisyon ng aking Diyos, aking Hari, tungo sa banal na lugar.
at din Fod maa vade i Blod, dine Hundes Tunger faa del i Fjenderne.«
25 Naunang lumakad ang mga mang-aawit, sumunod ang mga manunugtog, at sa gitna ang mga dalagang tumutugtog ng mga tamburin.
Se paa Guds Højtidstog, min Guds, min Konges Højtidstog ind i Helligdommen!
26 Purihin ang Diyos sa kapulungan; purihin si Yahweh, kayong totoong kaapu-apuhan ng Israel.
Sangerne forrest, saa de, der spiller, i Midten unge Piger med Pauker:
27 Nauna roon ang Benjamin, ang pinakamaliit na tribo, pagkatapos ang mga pinuno ng Juda at kanilang kapulungan, ang mga pinuno ng Zebulun at ang mga pinuno ng Naptali.
»Lover Gud i Festforsamlinger, Herren, I af Israels Kilde!«
28 Ang iyong Diyos, Israel, ang nagsaad ng iyong kalakasan; ipakita mo sa amin ang iyong kapangyarihan, O Diyos, gaya ng ipinakita mo noon.
Der er liden Benjamin forrest, Judas Fyrster i Flok, Zebulons Fyrster, Naftalis Fyrster.
29 Ipakita mo ang iyong kapangyarihan mula sa iyong templo sa Jerusalem kung saan nagdadala ng mga kaloob ang mga hari sa iyo.
Opbyd, o Gud, din Styrke, styrk, hvad du gjorde for os, o Gud!
30 Sumigaw sa paglaban sa mga mababangis na hayop sa mga kasukalan, laban sa mga tao, na gaya ng mga toro at guya. Ipahiya mo (sila) at padalahin mo (sila) ng mga kaloob sa iyo; ikalat mo ang mga tao na gustong-gusto ang digmaan.
For dit Tempels Skyld skal Konger bringe dig Gaver i Jerusalem.
31 Magsisilabas ang mga prinsipe sa Ehipto; magmamadali ang Etiopia na i-abot ang kaniyang mga kamay sa Diyos.
Tru ad Dyret i Sivet, Tyreflokken, Folkeslags Herrer, saa de hylder dig med deres Sølvstykker. Adsplit Folkeslag, der elsker Strid!
32 Umawit sa Diyos, kayong mga kaharian sa mundo; Umawit ng mga papuri kay Yahweh.
De kommer med Olie fra Ægypten, Ætioperne iler til Gud med fulde Hænder.
33 Sa kaniya na nakasakay sa langit ng mga kalangitan, na namuhay mula pa noong unang panahon; tingnan ninyo, itinataas niya ang kaniyang tinig ng may kapangyarihan.
I Jordens Riger, syng for Gud, lovsyng HERREN;
34 I-ukol ang kalakasan sa Diyos; ang kaniyang kadakilaan ay nasa Israel; ang kaniyang kalakasan ay nasa kalangitan.
hyld ham, der farer frem paa Himlenes Himle, de gamle! Se, han løfter sin Røst, en vældig Røst.
35 O Diyos, ikaw ay kinatatakutan sa iyong banal na lugar; ang Diyos ng Israel—nagbibigay siya ng kalakasan at kapangyarihan sa kaniyang bayan. Purihin ang Diyos.
Giv Gud Ære! Over Israel er hans Højhed, Hans Vælde i Skyerne, frygtelig er Gud i sin Helligdom, Israels Gud; han giver Folket Styrke og Kraft. Lovet være Gud!

< Mga Awit 68 >