1Purihin si Yahweh, lahat ng bansa; siya ay parangalan, lahat ng mga tao.
Oh purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga bansa: purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bayan.
2Dahil ang kanyang katapatan sa tipan ay dakila para sa atin, at ang pagiging mapagkakatiwalaan ni Yahweh ay mananatili magpakailanman. Purihin si Yahweh.
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay dakila sa atin; at ang katotohanan ng Panginoon ay magpakailan man. Purihin ninyo ang Panginoon.