< Mateo 10 >
1 Tinawag ni Jesus ang kaniyang labindalawang alagad nang magkakasama at binigyan sila ng kapangyarihan laban sa mga masasamang espiritu, upang palayasin ang mga ito, at upang pagalingin ang lahat ng uri ng karamdaman at lahat ng uri ng sakit.
A svolav k sobě dvanácte učedlníků svých, dal jim moc nad duchy nečistými, aby je vymítali, a aby uzdravovali všelikou nemoc, i všeliký neduh.
2 Ngayon ito ang mga pangalan ng labindalawang apostol: Ang una, si Simon (na siya ring tinatawag niyang Pedro), at si Andres na kaniyang kapatid; si Santiago na anak ni Zebedeo, at si Juan na kaniyang kapatid;
Dvanácti pak apoštolů jména jsou tato: První Šimon, jenž slove Petr, a Ondřej bratr jeho, Jakub Zebedeův a Jan bratr jeho,
3 si Felipe, at si Bartolome; si Tomas, at si Mateo na maniningil ng buwis; si Santiago na anak ni Alpeo, at si Tadeo;
Filip a Bartoloměj, Tomáš a Matouš, jenž byl celný, Jakub Alfeův a Lebbeus, přijmím Thaddeus,
4 si Simon na Makabayan, at si Judas Escariote na siyang magkakanulo sa kaniya.
Šimon Kananitský a Jidáš Iškariotský, kterýž i zradil ho.
5 Ipinadala ni Jesus ang labindalawang ito. Tinagubilinan niya ang mga ito at sinabi, “Huwag kayong pumunta sa alin mang lugar na tinitirhan ng mga Gentil, at huwag kayong papasok sa alin mang bayan ng mga Samaritano.
Těch dvanácte poslal Ježíš, přikazuje jim, řka: Na cestu pohanů nechoďte, a do měst Samaritánských nevcházejte.
6 Sa halip, pumunta kayo sa mga nawawalang tupa sa sambahayan ng Israel.
Ale raději jděte k ovcem zahynulým z domu Izraelského.
7 At sa pagpunta ninyo, ipangaral ninyo at sabihing, 'Ang kaharian ng langit ay nalalapit na.'
Jdouce pak, kažte, řkouce: Že se přiblížilo království nebeské.
8 Pagalingin ninyo ang may sakit, buhayin ang patay, linisin ang mga ketongin, at palayasin ang mga demonyo. Tumanggap kayo nang walang bayad, ipamigay ninyo nang walang bayad.
Nemocné uzdravujte, malomocné čisťte, mrtvé křeste, ďábelství vymítejte; darmo jste vzali, darmo dejte.
9 Huwag kayong magdala ng anumang ginto, pilak o tanso sa inyong mga pitaka.
Neshromažďujte zlata ani stříbra, ani peněz v opascích vašich mívejte,
10 Huwag kayong magdala ng panglakbay na lalagyan, o dagdag na tunika, ni sandalyas, o di kaya'y tungkod, sapagkat nararapat sa manggagawa ang kaniyang pagkain.
Ani mošny na cestě, ani dvou sukní, ani obuvi, ani hůlky; hodenť jest zajisté dělník pokrmu svého.
11 Anumang lungsod o nayon ang inyong mapuntahan, hanapin ninyo ang karapat-dapat at manatili kayo doon hanggang sa kayo ay aalis.
A do kteréhožkoli města neb městečka vešli byste, vzeptejte se, kdo by v něm hodný byl, a tu pobuďte, až byste i vyšli odtud.
12 Pagpasok ninyo sa bahay, batiin ninyo ang mga nandoon.
A vcházejíce do domu, pozdravtež ho.
13 Kung ang bahay ay karapat-dapat, pumaroon ang inyong kapayapaan. Ngunit kung ito ay hindi karapat-dapat, hayaan ninyong bumalik ang inyong kapayapaan sa inyo.
A jestližeť bude dům ten hodný, pokoj váš přijdiž naň; pakliť by nebyl hodný, pokoj váš navratiž se k vám.
14 Sa mga hindi naman tumatanggap sa inyo o nakikinig sa inyong mga salita, kapag kayo ay umalis sa bahay o lungsod na iyon, pagpagin ninyo ang mga alikabok mula sa inyong mga paa.
A kdožkoli nepřijal by vás, a neuposlechl by řečí vašich, vyjdouce ven z domu neb z města toho, vyraztež prach z noh vašich.
15 Totoo itong sinasabi ko sa inyo, mas mapagtitiisan pa ang lupain ng Sodoma at Gomorra sa araw ng paghuhukom kaysa sa lungsod na iyon.
Amen pravím vám: Lehčeji bude zemi Sodomských a Gomorských v den soudný nežli městu tomu.
16 Tingnan ninyo, ipadadala ko kayo na parang mga tupa sa kalagitnaan ng mga asong lobo, kaya maging marunong kayo tulad ng mga ahas at hindi mapanakit tulad ng mga kalapati.
Aj, já posílám vás jako ovce mezi vlky; protož buďte opatrní jako hadové, a sprostní jako holubice.
17 Mag-ingat kayo sa mga tao! Dadalhin nila kayo sa mga konseho, at hahagupitin nila kayo sa kanilang mga sinagoga.
Vystříhejtež se pak lidí; nebť vás vydávati budou do sněmů, a v školách svých budou vás bičovati.
18 At kayo ay dadalhin at ihaharap sa mga gobernador at mga hari dahil sa akin, bilang patotoo sa kanila at sa mga Gentil.
Ano i před vladaře i před krále vedeni budete pro mne, na svědectví jim, i těm národům.
19 Kapag dinala nila kayo, huwag kayong mabahala kung paano o kung ano ang inyong sasabihin, sapagkat ibibigay sa inyo ang mga dapat ninyong sabihin sa oras na iyon.
Kdyžť pak vás vydadí, nebuďtež pečliví, kterak aneb co byste mluvili; dánoť bude zajisté vám v tu hodinu, co budete míti mluviti.
20 Sapagkat hindi kayo ang magsasalita subalit ang Espiritu ng inyong Ama ang siyang magsasalita sa inyo.
Nebo ne vy jste, jenž mluvíte, ale duch Otce vašeho, jenž mluví v vás.
21 Dadalhin ng kapatid ang kaniyang kapatid sa kamatayan, at ang ama sa kaniyang anak. Sasalungat ang mga anak laban sa kanilang mga magulang at ipapapatay nila sila.
Vydáť pak bratr bratra na smrt, i otec syna, a povstanouť dítky proti rodičům, a zmordují je.
22 Kamumuhian kayo ng lahat dahil sa aking pangalan. Ngunit sinuman ang makapagtitiis hanggang huli, ang taong iyon ay maliligtas.
A budete v nenávisti všechněm pro jméno mé, ale kdož setrvá až do konce, tenť spasen bude.
23 Kapag inusig nila kayo sa lungsod na ito, tumakas kayo sa kabila, sapagkat totoo itong sinasabi ko sa inyo, hindi ninyo matatapos na puntahan ang mga lungsod ng Israel bago dumating ang Anak ng Tao.
Když se pak vám budou protiviti v tom městě, utecte do jiného. Amen zajisté pravím vám, nezchodíte měst Izraelských, ažť přijde Syn člověka.
24 Ang alagad ay hindi nakahihigit sa kaniyang guro, ni mas mataas ang lingkod sa kaniyang amo.
Neníť učedlník nad mistra, ani služebník nad pána svého.
25 Sapat na ang alagad ay maging katulad ng kaniyang guro, at ang lingkod na katulad ng kaniyang amo. Kung tinawag nilang Beelzebub ang amo ng bahay, gaano pa kaya nila ipapahiya ang buo niyang sambahayan!
Dostiť jest učedlníku, aby byl jako mistr jeho, a služebník jako pán jeho. Poněvadž jsou hospodáře Belzebubem nazývali, čím pak více domácí jeho?
26 Samakatwid huwag ninyo silang katakutan, sapagkat walang lihim ang hindi nabubunyag, at walang natatago na hindi malalaman.
Protož nebojte se jich; nebť není nic skrytého, což by nemělo býti zjeveno, ani co tajného, ješto by nemělo zvědíno býti.
27 Ang sinabi ko sa inyo sa kadiliman ay sabihin sa liwanag, at kung anong narinig ninyo ng mahina sa inyong tainga, ipahayag sa ibabaw ng mga bubungan.
Což vám pravím ve tmách, pravte na světle, a co v uši slyšíte, hlásejte na domích.
28 Huwag kayong matakot sa mga pumapatay ng katawan ngunit walang kakayahang pumatay ng kaluluwa. Sa halip, matakot kayo sa kaniya na kayang makapupuksa ng kaluluwa at katawan sa impyerno. (Geenna )
A nebojte se těch, kteříž zabíjejí tělo, ale duše nemohou zabíti; než bojte se raději toho, kterýž může i duši i tělo zatratiti v pekelném ohni. (Geenna )
29 Hindi ba ang dalawang maya ay ibinenta sa isang baryang maliit ang halaga? Ngunit wala ni isa sa kanila ang nalaglag sa lupa na hindi nalalaman ng Ama.
Zdaliž neprodávají dvou vrabců za malý peníz? a jeden z nich nepadá na zem bez vůle Otce vašeho.
30 At kahit na ang mga buhok ng inyong ulo ay bilang lahat.
Vaši pak i vlasové na hlavě všickni sečteni jsou.
31 Huwag kayong matakot. Mas mahalaga kayo kaysa sa maraming maya.
Protož nebojte se, mnohých vrabců dražší jste vy.
32 Samakatwid ang lahat na kumikilala sa akin sa harap ng mga tao ay kikilalanin ko din sa harap ng Ama na nasa langit.
Kdožkoli tedy vyzná mne před lidmi, vyznámť i já jej před Otcem svým, jenž jest v nebesích.
33 Ngunit ang magtanggi sa akin sa harap ng mga tao ay itatanggi ko din sa harap ng aking Ama na nasa langit.
Ale kdož by mne zapřel před lidmi, zapřímť ho i já před Otcem svým, kterýž jest v nebesích.
34 Huwag ninyong isipin na pumarito ako sa lupa upang magbigay ng kapayapaan. Hindi ako dumating upang magbigay ng kapayapaan, kundi isang espada.
Nedomnívejte se, že bych přišel pokoj dáti na zemi. Nepřišelť jsem, abych pokoj uvedl, ale meč.
35 Sapagkat naparito ako upang paglabanin ang isang lalaki sa kaniyang ama, at ang anak na babae laban sa kaniyang ina, at ang manugang na babae laban sa kaniyang biyenan na babae.
Přišelť jsem zajisté, abych rozdělil člověka proti otci jeho, a dceru proti mateři její, a nevěstu proti svegruši její.
36 Ang magiging kaaway ng tao ay kaniyang sariling sambahayan.
A nepřátelé člověka budou domácí jeho.
37 Ang nagmamahal sa kaniyang ama at ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang nagmamahal sa kaniyang anak na lalaki at babae nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin.
Kdo miluje otce neb matku více nežli mne, neníť mne hoden; a kdož miluje syna nebo dceru více nežli mne, neníť mne hoden.
38 Ang hindi nagbubuhat ng kaniyang krus at sumunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin.
A kdož nebéře kříže svého a nenásleduje mne, neníť mne hoden.
39 Ang naghahanap ng kaniyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang mawawalan ng buhay nang dahil sa akin ay makahahanap nito.
Kdož nalezne duši svou, ztratíť ji; a kdo by ztratil duši svou pro mne, nalezneť ji.
40 Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap din sa kaniya na nagsugo sa akin.
Kdož vás přijímá, mneť přijímá; a kdo mne přijímá, přijímáť toho, kterýž mne poslal.
41 Ang tumatanggap sa isang propeta dahil isang propeta siya ay makatatanggap ng gantimpalan ng isang propeta. At siya na tumatanggap sa isang matuwid na tao dahil matuwid na tao siya ay makatatanggap ng gantimpala ng isang matuwid na tao.
Kdo přijímá proroka ve jménu proroka, odplatu proroka vezme; a kdož přijímá spravedlivého ve jménu spravedlivého, odplatu spravedlivého vezme.
42 Sinuman ang magbibigay sa isa sa mga hamak na mga ito, kahit na isang basong malamig na tubig upang inumin, dahil isa siyang alagad, totoo itong sasabihin ko sa inyo, hindi maaring mawala sa kaniya ang kaniyang gantimpala.”
A kdož by koli dal jednomu z těchto nejmenších číši vody studené k nápoji, toliko ve jménu učedlníka, zajisté pravím vám, neztratíť odplaty své.