< Malakias 2 >
1 At ngayon, kayong mga pari, ang utos na ito ay para sa inyo.
「眾祭司啊,這誡命是傳給你們的。
2 Sabi ng Diyos ng mga hukbo, “Kung hindi kayo makikinig at kung hindi ninyo ito tatanggapin sa inyong puso upang bigyan nang kaluwalhatian ang aking pangalan,” magpapadala ako ng sumpa sa inyo at susumpain ko ang inyong mga biyaya. Sa katunayan, sinumpa ko na sila, dahil hindi ninyo tinanggap sa inyong puso ang aking kautusan.
萬軍之耶和華說:你們若不聽從,也不放在心上,將榮耀歸與我的名,我就使咒詛臨到你們,使你們的福分變為咒詛;因你們不把誡命放在心上,我已經咒詛你們了。
3 Tingnan ninyo, sasawayin ko ang inyong kaapu-apuhan at ipapahid ko ang dumi sa inyong mga mukha, ang dumi ng inyong mga inalay at alisin kayo kasama nito.
我必斥責你們的種子,又把你們犧牲的糞抹在你們的臉上;你們要與糞一同除掉。
4 At malalaman ninyo na ipinadala ko ang utos na ito sa inyo at upang manatili ang aking kasunduan kay Levi,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo.
你們就知道我傳這誡命給你們,使我與利未所立的約可以常存。這是萬軍之耶和華說的。
5 Ang aking kasunduan sa kaniya ay isang buhay at kapayapaan at ibinigay ko ang mga bagay na ito sa kaniya bilang mga bagay na magpaparangal sa akin. Pinarangalan niya ako, natakot at nagpakababa sa aking pangalan.
我曾與他立生命和平安的約。我將這兩樣賜給他,使他存敬畏的心,他就敬畏我,懼怕我的名。
6 Ang totoong katuruan ay nasa kaniyang mga bibig at ang kasamaan ay hindi masumpungan sa kaniyang mga labi. Kasama ko siyang lumakad sa kapayapaan at katuwiran at inilayo niya ang marami mula sa kasalanan.
真實的律法在他口中,他嘴裏沒有不義的話。他以平安和正直與我同行,使多人回頭離開罪孽。
7 Sapagkat ang labi ng pari ay dapat ingatan ang kaalaman at dapat sumangguni ang mga tao ng tagubilin sa kaniyang bibig, sapagkat siya ang aking mensahero, ako si Yahweh ng mga hukbo.
祭司的嘴裏當存知識,人也當由他口中尋求律法,因為他是萬軍之耶和華的使者。
8 Ngunit lumihis kayo mula sa totoong daan. Nagdulot kayo ng pagkatisod ng marami sa paggalang sa kautusan. Sinira ninyo ang kasunduan ni Levi,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo.
你們卻偏離正道,使許多人在律法上跌倒。你們廢棄我與利未所立的約。這是萬軍之耶和華說的。
9 “Bilang kapalit, gagawin ko rin kayong kalait-lait at kahiya-hiya sa harapan ng lahat ng mga tao, dahil hindi ninyo iningatan ang aking mga pamamaraan, ngunit sa halip ay ipinakita ninyo na may pinapanigan kayo sa inyong pagtuturo.”
所以我使你們被眾人藐視,看為下賤;因你們不守我的道,竟在律法上瞻徇情面。」
10 Hindi ba lahat tayo ay may isang ama? Hindi ba iisang Diyos ang lumikha sa atin? Bakit tayo nakikitungo nang may pandaraya laban sa ating kapatid, na nilalapastangan ang kasunduan ng ating mga ama?
我們豈不都是一位父嗎?豈不是一位上帝所造的嗎?我們各人怎麼以詭詐待弟兄,背棄了上帝與我們列祖所立的約呢?
11 Gumawa nang pandaraya ang Juda at kasuklam-suklam na mga bagay ang ginawa sa Israel at sa Jerusalem. Sapagkat nilapastangan ng Juda ang banal na lugar ni Yahweh na kaniyang iniibig at napangasawa niya ang anak na babae ng isang dayuhang diyus-diyosan.
猶大人行事詭詐,並且在以色列和耶路撒冷中行一件可憎的事;因為猶大人褻瀆耶和華所喜愛的聖潔,娶事奉外邦神的女子為妻。
12 Ihiwalay nawa ni Yahweh mula sa mga tolda ang sinumang kaapu-apuhan ng taong gumawa nito, kahit na ang isang nagdadala ng alay kay Yahweh ng mga hukbo.
凡行這事的,無論何人,就是獻供物給萬軍之耶和華,耶和華也必從雅各的帳棚中剪除他。
13 At ginawa rin ninyo ito. Tinakpan ninyo ng mga luha ang altar ni Yahweh, nang may pagtatangis at paghihinagpis, dahil hindi na siya sumasang-ayon na tingnan ang alay at hindi niya ito tinatanggap nang may kaluguran mula sa inyong kamay.
你們又行了一件這樣的事,使前妻歎息哭泣的眼淚遮蓋耶和華的壇,以致耶和華不再看顧那供物,也不樂意從你們手中收納。
14 Ngunit sinasabi ninyo, “Bakit ayaw niya?” Sapagkat saksi si Yahweh sa pagitan mo at sa asawa ng inyong kabataan na pinagtaksilan mo, kahit na kasama mo siya at asawa mo sa pamamagitan ng kasunduan.
你們還說:「這是為甚麼呢?」因耶和華在你和你幼年所娶的妻中間作見證。她雖是你的配偶,又是你盟約的妻,你卻以詭詐待她。
15 Hindi ba ginawa kayong iisa nang may bahagi ng kaniyang espiritu? At bakit niya kayo ginawang iisa? Dahil umaasa siyang magkakaroon ng maka-Diyos na lahi. Kaya ingatan ninyo ang inyong mga sariling kalooban at huwag hayaan ang sinuman na magtaksil sa asawa ninyo noong kabataan ninyo.
雖然上帝有靈的餘力能造多人,他不是單造一人嗎?為何只造一人呢?乃是他願人得虔誠的後裔。所以當謹守你們的心,誰也不可以詭詐待幼年所娶的妻。
16 “Sapagkat kinamumuhian ko ang paghihiwalay,” sabi ni Yahweh na Diyos ng Israel, at siya na tinatakpan ang kaniyang damit nang karahasan” sabi ni Yahweh ng mga hukbo. “Kaya ingatan ninyo ang inyong sariling kalooban at huwag mawalan ng tiwala.”
耶和華-以色列的上帝說:「休妻的事和以強暴待妻的人都是我所恨惡的!所以當謹守你們的心,不可行詭詐。」這是萬軍之耶和華說的。
17 Pinagod ninyo si Yahweh sa pamamagitan ng inyong mga salita. Ngunit sinasabi ninyo, “Paano namin siya pinagod?” Sa pagsasabing, “Lahat ng gumagawa ng masama ay mabuti sa paningin ni Yahweh at nagagalak siya sa kanila;” o “Nasaan ang Diyos nang katarungan?”
你們用言語煩瑣耶和華,你們還說:「我們在何事上煩瑣他呢?」因為你們說:「凡行惡的,耶和華眼看為善,並且他喜悅他們」;或說:「公義的上帝在哪裏呢?」