< Josue 4 >
1 Nang nakatawid ang lahat ng mga tao sa Jordan, sinabi ni Yahweh kay Josue,
Et, quand ils eurent passé, le Seigneur dit à Josué:
2 “Pumili ng labindalawang lalaki para sa inyong mga sarili mula sa inyong bayan, isang lalaki mula sa bawat lipi.
Choisis douze hommes, un de chaque tribu,
3 Ibigay sa kanila ang kautusang ito: 'Kumuha ng labindalawang bato mula sa gitna ng Jordan kung saan nakatayo ang mga pari sa tuyong lupa, at dalhin ninyo ang mga iyon at ilapag ang mga iyon sa lugar kung saan kayo ngayon magpapalipas ng gabi.”'
Et ordonne-leur d’emporter du milieu du lit du Jourdain, où se sont arrêtés les pieds des prêtres, douze pierres très dures, que vous placerez dans l’endroit du camp où vous planterez cette nuit les tentes,
4 Pagkatapos tinawag ni Josue ang labindalawang lalaki na kaniyang pinili mula sa mga lipi ng Israel, isa sa bawat lipi.
Josué appela donc les douze hommes qu’il avait choisis d’entre les enfants d’Israël, un de chaque tribu,
5 Sinabi ni Josue sa kanila, “Pumunta sa kalagitnaan ng Jordan sa unahan ng kaban ni Yahweh inyong Diyos, bawat isa sa inyong na may isang bato sa kaniyang balikat—labindalawang bato, itayong katulad ng bilang ng mga lipi ng bayan ng Israel.
Et il leur dit: Allez devant l’arche du Seigneur votre Dieu, au milieu de Jourdain, et emportez de là chacun une pierre sur vos épaules, selon le nombre des enfants d’Israël,
6 Magiging isa itong palatandaan sa inyong kalagitnaan para sa inyo kapag nagtanong ang inyong mga anak sa mga darating na mga araw, 'Ano ang kahulugan ng mga batong ito sa inyo?'
Afin que ce soit un signe parmi vous. Et quand vos fils vous interrogeront demain, disant: Que veulent dire ces pierres?
7 Kaya sasabihin ninyo sa kanila, 'Nahati ang tubig ng Jordan sa harap ng kaban ng tipan ni Yahweh. Nang makatawid ito sa Jordan, nahati ang tubig ng Jordan. Kaya ang mga batong ito ay magiging isang alaala sa bayan ng Israel magpakailanman.”'
Vous leur répondrez: Les eaux du Jourdain se sont dissipées devant l’arche de l’alliance du Seigneur, quand elle le passait, c’est pourquoi ces pierres ont été placées comme un monument des enfants d’Israël pour toujours.
8 Ginawa ng bayan ng Israel gaya ng iniutos ni Josue, at namulo sila ng labindalawang bato mula sa kalagitnaan ng Jordan, gaya ng sinabi ni Yahweh kay Josue, inayos silang katulad ng bilang ng mga lipi ng bayan ng Israel. Binuhat nila ang mga ito sa lugar kung saan nagpalipas sila ng gabi at itinayo nila ang mga ito roon.
Les enfants d’Israël firent donc comme ordonna Josué, portant du milieu du lit du Jourdain douze pierres, comme le Seigneur lui avait commandé, selon le nombre des enfants d’Israël, jusqu’au lieu dans lequel ils étaient campés; et c’est là qu’ils les placèrent.
9 Pagkatapos nagtayo si Josue ng labindalawang bato sa kalagitnaan ng Jordan, sa lugar kung saan ang mga paa ng mga pari na nagbuhat ng kaban ng tipan ay tumayo. At ang bantayog ay naroon hanggang sa araw na ito.
Josué plaça aussi douze autres pierres au milieu du lit du Jourdain, où s’arrêtèrent les prêtres qui portaient l’arche de l’alliance; et elles sont là jusqu’au présent jour.
10 Tumayo ang mga paring nagbuhat ng kaban sa kalagitnaan ng Jordan hanggang ang lahat ng iniutos ni Yahweh kay Josue para sabihin sa bayan ay masunod, ayon sa lahat ng iniutos ni Moises kay Josue. Nagmadali tumawid ang mga tao.
Or, les prêtres qui portaient l’arche se tenaient au milieu du Jourdain, jusqu’à ce que fût accompli tout ce que le Seigneur avait ordonné à Josué d’annoncer au peuple, et que lui avait dit Moïse. Et le peuple se hâta et passa le fleuve.
11 Nang matapos na sa pagtawid ang lahat ng mga tao, ang kaban ni Yahweh at ang mga pari ay tumawid sa harap ng mga tao.
Et lorsque tous eurent passé, l’arche du Seigneur passa aussi, et les prêtres marchaient devant le peuple.
12 Ang lipi ni Ruben, ang lipi ni Gad, at kalahating lipi ng Manases ay tumawid sa unahan ng bayan ng Israel nakahanay bilang isang hukbo, gaya ng sinabi ni Moises sa kanila.
De plus, les enfants de Ruben et de Gad, et la demi-tribu de Manassé, armés, précédaient les enfants d’Israël, comme leur avait ordonné Moïse;
13 Humigit-kumulang apatnapung libong kalalakihang nakahandang makipagdigma ay tumawid sa harap ni Yahweh, para sa labanan sa mga kapatagan ng Jerico.
Et quarante mille combattants marchaient par bandes et par bataillons à travers les plaines et les campagnes de la ville de Jéricho.
14 Sa araw na iyon ginawang dakila ni Yahweh si Josue sa mga paningin ng buong Israel. Pinarangalan nila siya—gaya ng pagparangal nila kay Moises—sa lahat ng kaniyang mga araw.
En ce jour-là le Seigneur exalta Josué devant tout Israël, afin qu’ils le craignissent comme ils avaient craint Moïse pendant qu’il vivait.
15 Pagkatapos nagsalita si Yahweh kay Josue,
Et il lui dit:
16 “Utusan ang mga paring nagbubuhat ng kaban ng tipan ng mga kautusan na umahon mula sa Jordan.”
Ordonne aux prêtres qui portent l’arche de l’alliance de monter du Jourdain.
17 Kaya, inutusan ni Josue ang mga pari, “Umahon mula sa Jordan.”
Et il leur ordonna, disant: Montez du Jourdain.
18 Nang umahon ang mga paring nagbubuhat ng kaban ng tipan ni Yahweh mula sa kalagitnaan ng Jordan, at ang mga talampakan nila ay inahon sa tuyong lupa, tapos nanumbalik ang mga ang tubig ng Jordan at umapaw sa mga pampang nito, gaya noong apat na araw na ang nakakalipas.
Et lorsqu’ils furent montés, portant l’arche de l’alliance du Seigneur, et qu’ils eurent commencé à marcher sur la terre sèche, les eaux revinrent dans leur lit, et elles coulaient comme elles avaient coutume auparavant.
19 Umahon ng Jordan ang mga tao sa ikasampung araw ng unang buwan. Nanatili sila sa Gilgal, silangan ng Jerico.
Or, le peuple monta du Jourdain le dixième jour du premier mois, et ils campèrent à Galgala, vers le côté oriental de la ville de Jéricho.
20 Ang labindalawang bato na kanilang kinuha sa Jordan, itinayo ni Josue sa Gilgal.
Josué plaça aussi à Galgala les douze pierres qu’ils avaient prises dans le lit du Jourdain.
21 Sinabi niya sa bayan ng Israel, “Kapag tinanong ng inyong mga kaapu-apuhan ang kanilang mga ama sa darating na mga panahon, 'Ano ang mga batong ito?'
Et il dit aux enfants d’Israël: Quand vos fils interrogeront demain leurs pères, et leur diront: Que veulent dire ces pierres?
22 Sabihin sa inyong mga anak, 'Dito ay kung saan pinatawid ang Israel sa tuyong lupa sa Jordan.'
Vous les instruirez et vous direz: C’est à travers son lit desséché qu’Israël a passé ce Jourdain.
23 Pinatuyo ni Yahweh na inyong Diyos ang tubig sa Jordan para sa inyo, hanggang sa makatawid kayo, gaya ng ginawa ni Yahweh inyong Diyos sa Dagat ng mga Tambo, na kaniyang tinuyo para sa atin hanggang tayo ay makatawid,
Le Seigneur votre Dieu ayant séché les eaux en votre présence jusqu’à ce que vous eussiez passé, Comme il avait fait auparavant à la mer Rouge, jusqu’à ce que nous eussions passé,
24 para malaman ng lahat ng mga tao sa mundo na ang kamay ni Yahweh ay makapangyarihan, at paparangalan ninyo si Yahweh ang inyong Diyos magpakailanman.”
Afin que tous les peuples de la terre connaissent la main toute puissante du Seigneur, et que vous-mêmes vous craigniez aussi le Seigneur votre Dieu en tout temps.