< Jonas 3 >

1 Ang salita ni Yahweh ay dumating kay Jonas sa pangalawang pagkakataon, na nagsasabing,
И дође реч Господња Јони други пут говорећи:
2 “Tumindig ka, pumunta ka sa Ninive, iyong malaking lungsod, at ipahayag dito ang mensaheng iniutos ko sa iyo para ibigay.”
Устани, и иди у Ниневију град велики, и проповедај му оно што ти ја кажем.
3 Kaya tumayo si Jonas at pumunta sa Ninive bilang pagsunod sa salita ni Yahweh. Ngayon ang Nineve ay isang napakalaking lungsod, isang lungsod na may tatlong araw na paglalakbay.
И устав Јона отиде у Ниневију по речи Господњој; а Ниневија беше град врло велик, три дана хода.
4 Nagsimulang pumasok si Jonas sa lungsod at pagkatapos ng isang araw na paglalakbay sumigaw siya at sinabing, “Sa loob ng apatnapung araw ang Ninive ay ibabagsak.”
И Јона поче ићи по граду један дан хода, и проповеда и рече: Јоште четрдесет дана, па ће Ниневија пропасти.
5 Ang mga tao sa Ninive ay naniwala sa Diyos at nagpahayag sila ng isang pag-aayuno. Nagsuot silang lahat ng magaspang na tela, mula sa pinakamatasas sa kanila hanggang sa pinakamababa sa kanila.
И Ниневљани повероваше Богу, и огласише пост, и обукоше се у кострет од највећег до најмањег.
6 Madaling nakarating ang balita sa hari ng Ninive. Tumayo siya mula sa kaniyang trono, hinubad ang kaniyang balabal, tinakpan ang kaniyang sarili ng magaspang na tela, at umupo sa mga abo.
Јер кад дође та реч до цара ниневијског, он уста са свог престола, и скиде са себе своје одело, и обуче се у кострет и седе у пепео.
7 Nagpadala siya ng isang pahayag na nagsasabing, “Sa Ninive, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng hari at kanyang mga tauhang maharlika, huwag hayaan na ang tao man ni hayop, pangkat ng mga hayop ni kawan, ay tumikim ng anuman. Huwag silang hayaang kumain ni uminom ng tubig.
И прогласи се и каза се по Ниневији по заповести царевој и кнезова његових говорећи: Људи и стока, говеда и овце да не окусе ништа, ни да пасу ни да пију воде.
8 Ngunit hayaan ang kapwa tao at hayop ay matakpan ng magaspang na tela at hayaan silang sumigaw nang malakas sa Diyos. Hayaan ang bawat isa na tumalikod mula sa kanyang masamang gawi at mula sa karahasang nasa kanyang mga kamay.
Него и људи и стока да се покрију кострећу, и да призивају Бога јако, и да се врати сваки са свог злог пута и од неправде која му је у руку.
9 Sinong nakakaalam? Maaring mahabag ang Diyos at mabago ang kanyang isip at tumalikod mula sa kanyang mabangis na galit upang hindi tayo mamatay.”
Ко зна, еда се поврати и раскаје Бог и поврати се од љутог гнева свог, те не изгинемо.
10 Nakita ng Diyos kung ano ang kanilang ginawa, na tumalikod sila mula sa kanilang masasamang mga gawi. Kung kaya binago ng Diyos ang kanyang isipan tungkol sa parusang sinabi niyang gagawin niya sa kanila, at hindi niya ginawa ito.
И Бог виде дела њихова, где се вратише са злог пута свог; и раскаја се Бог ода зла које рече да им учини, и не учини.

< Jonas 3 >