< Job 28 >
1 Tiyak na mayroong isang mina ng pilak, isang lugar kung saan dinadalisay nila ang ginto.
HE oiaio, he wahi ahu no ke kala, A he wahi no ke gula, kahi a lakou e hoomaemae ai.
2 Hinuhukay ang bakal mula sa lupa; tinutunaw ang tanso mula sa bato.
Ua laweia ka hao mailoko mai o ka lepo, A ua hooheheeia ke keleawe mailoko mai o ka pohaku.
3 Nagtatakda ang tao ng wakas sa kadiliman at hinahanap sa pinakamalayong hangganan, ang mga bato sa karimlan at makapal na kadiliman.
Hoonoho no ia i ka hope no ka pouli, A imi no ia ma na wahi hohonu a pau; I ka pohaku o ka pouli a me ka malu make.
4 Gumagawa siya ng isang hukay pangminahan malayo sa kung saan naninirahan ang mga tao, mga lugar na nalimutan ng kaninumang paa. Naglalambitin siya malayo sa ibang mga tao; pabalik-balik na umiindayog.
Eli ae ia i lua mao aku mai kahi e noho ai na kanaka; Iho lakou ilalo aole ma ka wawae, A lewa lakou mai kanaka aku.
5 Tungkol sa lupa, mula kung saan nanggagaling ang tinapay, tinutupok ito sa ilalim na parang ng apoy.
O ka honua, kahi i puka mai ai ka berena, Ua hoohuaiia oia malalo iho ona e like me ke ahi.
6 Ang mga bato nito ay ang lugar kung saan matatagpuan ang mga safiro, at ang alabok nito ay naglalaman ng ginto.
O kona mau pohaku, kahi o ka sapira; A he lepo gula kona.
7 Walang ibong mahuhuli ang nakakaalam ng landas patungo rito, ni nakita ito ng mata ng palkon.
O ke alanui aole i ikeia e ka manu, Aole i ikeia e ka maka o ka vuletura;
8 Hindi pa nalalakaran ang ganitong landas ng mga mapagmalaking hayop, ni dumaan na doon ang mabangis na leon.
Aole i hehi iho na holoholona hihiu ia ia, Aole ka liona i maalo ae ilaila.
9 Ipinapatong ng isang tao ang kaniyang kamay sa matigas na bato; itinataob niya ang mga bundok sa kanilang mga ugat.
Kau aku no ia i kona lima maluna o ka pohakupaa; Hookahuli ae ia i na mauna mai ke kumu aku.
10 Bumubutas siya ng mga lagusan sa mga bato; nakikita ng kaniyang mata ang bawat mahahalagang bagay doon.
Hoopoha no ia i ke kahawai mawaena o na pohaku; A ike no kona maka i na mea waiwai nui a pau.
11 Ginagapos niya ang mga batis para hindi sila umaagos; anumang nakatago roon kaniyang dinadala sa liwanag.
Pani aku no ia i na wai i ke kahe ana iho, A o na mea i hunaia kana i lawe mai ai i ka malamalama.
12 Saan kaya matatagpuan ang karunungan? Saan kaya ang lugar ng pang-unawa?
Aka, mahea la e loaa'i ka noeau? Mahea hoi kahi o ka naauao?
13 Hindi alam ng tao ang halaga nito; ni hindi ito natatagpuan sa lupain ng mga buhay.
Aohe kanaka i ike i kona kumukuai; Aole hoi e loaa ia ma ka aina o ka poe e ola ana.
14 Sinasabi ng malalim na mga tubig sa ilalim ng lupa, “Wala ito sa akin'; Sinasabi ng karagatan, “Wala ito sa akin.'
I mai ka hohonu, Aole ia iloko o'u: I mai la hoi ke kai, Aole ia me au.
15 Hindi ito matatamo kapalit ng ginto; ni hindi matitimbang ang pilak bilang presyo nito.
Aole e haawiia ke gula maikai i kumu e loaa mai ai, Aole hoi e kaupaona ke kala i kumukuai nona.
16 Hindi ito matutumbasan ng ginto ng Ofir, ng mahalagang oniks o safiro.
Aole e kau pu ia oia me ke gula o Opira, Me ka pohaku onika maikai a me ka sapira.
17 Ang halaga nito ay hindi matutumbasan ng ginto at kristal; ni hindi ito maipagpapalit sa mga alahas ng mainam na ginto.
Aole e hoolikeia ke gula a me ka pohaku aniani me ia: Aole e hooliloia ia mea no na ipu gula maikai.
18 Hindi karapat-dapat banggitin ang koral o haspe; tunay nga, ang presyo ng karunungan ay higit kaysa sa mga rubi.
Aole e manaoia ke akoakoa, a me ka pohaku maikai: No ka mea, o ka waiwai o ka noeau ua oi aku ia mamua o na momi.
19 Hindi ito matutumbasan ng topaz ng Etiopia; ni hindi ito mapapahalagahan sa purong ginto.
Aole e hoolikeia ke topaza o Aitiopa me ia, Aole hoi ia e kau pu ia me ke gula maikai.
20 Kung gayon, saan nga nagmumula ang karunungan? Saan ang lugar ng pang-unawa?
Mai hea mai hoi ka noeau? A mahea hoi kahi o ka naauao?
21 Natatago ang karunungan mula sa mga mata ng lahat ng mga buhay na bagay at pinanatiling nakatago mula sa mga ibon ng mga kalangitan.
No ka mea, ua hunaia oia mai na maka aku o ka poe a pau e ola ana, A ua nalo oia mai na manu o ka lewa aku.
22 Sinasabi ng Pagkawasak at Kamatayan, 'Isa lamang sabi-sabi tungkol dito ang narinig ng aming mga tainga.'
I mai la ka po a me ka make, Ua lohe no maua me ko maua pepeiao i kona lono.
23 Nauunawaan ng Diyos ang landas patungo rito; Alam niya ang lugar nito.
Ua maopopo no i ke Akua kona aoao, A oia ka i ike i kona wahi.
24 Dahil tumitingin siya hanggang sa mga pinakadulo ng daigdig at nakikita lahat ng nasa ilalim ng mga kalangitan.
No ka mea, oia ka i nana aku i na welau o ka honua, Ua ike no ia malalo o ka lani a pau;
25 Sa nakaraan, ginawa niya ang pwersa ng hangin at binaha-bahagi ang mga tubig ayon sa sukat.
E hana i ka mea kaupaona no ka makani, A ua ana no ia i na wai maloko o ka mea ana.
26 Gumawa siya ng isang kautusan para sa ulan at isang landas para sa kidlat ng kulog.
I kana hana ana i ke kanawai no ka ua, A me ke ala no ka uwila o ka hekili;
27 Pagkatapos nakita niya ang karunungan at ipinahayag ito; tunay nga, itinatag niya ito at sinuri niya ito.
Alaila ike no oia ia mea, a hoike mai hoi ia; Hoomakaukau oia ia mea, a imi aku hoi ia mea.
28 Sa mga tao sinabi niya, 'Tingnan ninyo, ang takot sa Panginoon — iyan ang karunungan; ang lumayo sa kasamaan ay pang-unawa.”
A ua i mai no ia i ke kanaka, Aia hoi, o ka makau i ka Haku, oia ka noeau; A o ka haalele i ka hewa, oia ka naauao.