< Job 16 >
1 Pagkatapos sumagot si Job at sinabi,
2 “Narinig ko ang maraming ganoong mga bagay; kayong lahat ay nakakainis na mga tagapag-aliw.
3 May katapusan ba ang mga walang saysay na mga salita? Ano ang nangyayari sa iyo na ganito ang iyong sagot?
4 Maaari din akong magsalita tulad ng ginagawa mo, kung ikaw ay nasa aking kinalalagyan; maaari kong tipunin at pagsama-samahin ang mga salita laban sa iyo at ilingin ang aking ulo sa iyo nang may pangungutya.
5 O, paano ko palalakasin ang loob mo gamit ang aking bibig! Paano ko mapapagaan ang iyong pighati gamit ang aking mga labi!
6 Kung magsasalita ako, ang aking pighati ay hindi mababawasan; kung hindi ako magsasalita, paano ako matutulungan?
7 Pero ngayon, O Diyos, pinahirapan mo ako; pinabayaan mo ang buong pamilya ko.
8 Ginawa mo akong matuyo, na sa sarili nito ay isang saksi laban sa akin; ang pagpayat ng aking katawan ay tumatayo laban sa akin, at nagpapatotoo ito laban sa aking mukha.
9 Sa matinding galit ng Diyos nilupig at inusig niya ako; nagngangalit siya sa akin gamit ang kaniyang ngipin; ipinako ng kaaway ang kaniyang paningin sa akin habang sinisira niya ako.
10 Napanganga sa akin ang mga tao; sinampal niya ako nang may mapanisi sa pisngi; sila ay nagsama-samang nagtipon laban sa akin.
11 Ibinigay ako ng Diyos sa taong hindi maka-diyos, at inihagis ako sa kamay ng masamang tao.
12 Nasa kaginhawahan ako at sinira niya ako. Tunay nga, hinalbot ako sa leeg at binasag ako ng pira-piraso; inilagay niya rin ako bilang kaniyang puntirya.
13 Pinalibutan ako ng kaniyang tagapana; O Diyos tinusok mo ang aking laman-loob at hindi ako kinaawaan; pinalabas niya ang aking bituka sa lupa.
14 Dinurog niya ng paulit-ulit ang aking pader; tumakbo siya tulad ng isang mandirigma.
15 Tinahi ko ang sako sa aking balat; sinaksak ko sa lupa ang aking sungay.
16 Mamula-mula ang aking mukha sa pag-iyak; nasa pilik-mata ko ang anino ng kamatayan
17 bagaman walang karahasan sa aking mga kamay, at ang aking panalangin ay dalisay.
18 O lupa, huwag mong tabunan ang aking dugo; hayaan ang aking iyak ay walang lugar ng kapahingahan.
19 Kahit ngayon, tingnan mo, ang aking saksi ay nasa langit; siyang mananagot sa akin ay nasa kaitaasan.
20 Hinahamak ako ng aking mga kaibigan, pero umiiyak ko sa Diyos.
21 Hiniling ko sa saksi ng kalangitang iyon na makipagtalo para sa taong ito kasama ang Diyos tulad ng isang tao na ginagawa sa kaniyang kapwa!
22 Nang lumipas ang ilang taon, pupunta ako sa isang lugar na hindi na ako babalik.