< Isaias 25 >
1 Yahweh, ikaw ang aking Diyos; dadakilain kita, pupurihin ko ang pangalan mo; dahil gumawa ka ng mga kahanga-hangang bagay, mga bagay na matagal mo nang binalak, sa ganap na katapatan.
2 Dahil ginawa mong isang tambakan ang lungsod, isang pinatibay na lungsod, isang guho at ang isang tanggulan ng mga dayuhan na maging walang lungsod.
3 Kaya ang malalakas na tao ay luluwalhatiin ka; matatakot ang lungsod ng mga walang-awang bansa.
4 Dahil ikaw ay proteksyon sa mahirap, isang tagabantay para sa mga nangangailangan na nasa pagkabalisa, isang silungan mula sa bagyo, isang lilim mula sa init, kapag ang ihip ng isang walang awa ay tulad ng isang bagyo na laban sa pader.
5 Gaya ng init sa tagtuyo, patatahimikin mo ang ingay ng mga dayuhan; gaya ng init sa lilim ng ulap, ang awit ng walang-awa ay ibababa.
6 Sa bundok na ito maghahanda si Yahweh ng mga hukbo para sa lahat ng mga tao ng isang pista ng matatabang bagay, ng mga piling alak, ng malalambot na karne, isang pista ng mga pinakamainam na alak.
7 Sisirain niya sa bundok na ito ang tumatakip sa lahat ng mamayan, ang bahay na hinabi sa lahat ng mga bansa.
8 Lulunukin niya ang kamatayan habang buhay, at ang Panginoong Yahweh ay pupunasan ang mga luha mula sa lahat ng mga mukha; ang mga kahihiyan ng kaniyang bayan ay aalisin niya sa mundo, dahil sinabi na ito ni Yahweh.
9 Sasabihin ito sa araw na iyon. Masdan, ito ang ating Diyos, hinintay natin siya at ililigtas niya tayo. Ito si Yahweh; Naghintay tayo para sa kaniya, magagalak tayo at magdidiwang sa kaniyang kaligtasan.”
10 Dahil dito sa bundok na ito mamamalagi ang kamay ni Yahweh; at tatapakan ang Moab sa kaniyang lugar, kahit na ang dayami na yinapakan sa isang pataba na puno ng dumi.
11 Iuunat nila ang kanilang mga kamay sa gitna nito; gaya ng manlalangoy na inuunat ang kaniyang kamay para lumangoy; pero ibababa ni Yahweh ang kanilang kayabangan kahit na nagpupumiglas ang kanilang mga kamay.
12 Ang iyong mataas na kuta ng pader ay ibaba niya sa lupa, sa alikabok.