< Habacuc 3 >

1 Ang panalangin ni Habakuk na propeta: (Dinaragdag ng teksto ng Hebreo ang “sa Sigionoth” na maaaring tumutukoy sa musikal na direksiyon para sa mga mang-aawit)
先知哈巴谷的祷告,调用流离歌。
2 Yahweh, narinig ko ang iyong ulat, at ako ay natakot! Yahweh, buhayin mo muli ang iyong gawain sa gitna ng mga panahong ito; sa gitna ng mga panahong ito ipaalam mo; alalahanin mo na magkaroon ng habag sa iyong galit!
耶和华啊,我听见你的名声就惧怕。 耶和华啊,求你在这些年间复兴你的作为, 在这些年间显明出来; 在发怒的时候以怜悯为念。
3 Ang Diyos ay nanggaling mula sa Teman, at ang Banal mula sa Bundok Paran! (Selah) Tinakpan ng kaniyang kaluwalhatian ang mga kalangitan, at ang mundo ay puno ng kaniyang kapurihan.
神从提幔而来; 圣者从巴兰山临到。 (细拉) 他的荣光遮蔽诸天; 颂赞充满大地。
4 Ang sinag ng kaniyang kamay ay kumikinang gaya ng liwanag, at pinanatili niya roon ang kaniyang kapangyarihan.
他的辉煌如同日光; 从他手里射出光线, 在其中藏着他的能力。
5 Ang salot ay nasa kaniyang harapan, at sinusundan ng kamatayan ang kaniyang paa.
在他前面有瘟疫流行; 在他脚下有热症发出。
6 Tumayo siya at sinukat ang mundo; tumingin siya at niyanig ang mga bansa! Maging ang mga walang haggang bundok ay gumuho, at ang mga walang hanggang burol ay yumukod! Ang kaniyang landas ay walang hanggan!
他站立,量了大地, 观看,赶散万民。 永久的山崩裂; 长存的岭塌陷; 他的作为与古时一样。
7 Nakita ko ang mga tolda ng Cusan sa paghihirap, at ang tela ng mga tolda sa lupain ng Midian ay nanginginig.
我见古珊的帐棚遭难, 米甸的幔子战兢。
8 Nagalit ba si Yahweh sa mga ilog? Ang iyong poot ba ay laban sa mga ilog, o ang iyong matinding galit ay laban sa dagat nang sumakay ka sa iyong mga kabayo, ang iyong karwahe nang kaligtasan?
耶和华啊,你乘在马上, 坐在得胜的车上, 岂是不喜悦江河、 向江河发怒气、 向洋海发愤恨吗?
9 Inilabas mo ang iyong pana nang walang takip; inilagay mo ang iyong palaso sa iyong pana! (Selah) Hinati mo ang mundo sa pamamagitan ng mga ilog.
你的弓全然显露, 向众支派所起的誓都是可信的。 (细拉) 你以江河分开大地。
10 Nakita ka ng mga bundok at namimilipit sa sakit! Ang malakas na buhos ng tubig ay dumaloy sa kanila; at ang kailaliman ng dagat ay sumigaw! Itinaas nito ang kaniyang mga alon!
山岭见你,无不战惧; 大水泛滥过去, 深渊发声,汹涌翻腾。
11 Ang araw at ang buwan ay nanatiling nakatayo sa kanilang matayog na lugar, umalis (sila) sa liwanag ng iyong mga palaso at sa kumikinang na liwanag ng iyong sibat!
因你的箭射出发光, 你的枪闪出光耀, 日月都在本宫停住。
12 Lumakad kayo sa mga lupain nang may galit. Sa poot ay giniik ninyo ang mga bansa.
你发忿恨通行大地, 发怒气责打列国,如同打粮。
13 Lumabas ka para sa kaligtasan ng iyong mga tao, para sa kaligtasan ng iyong pinili! Winasak mo ang pinuno ng sambahayan ng masama para ipakita ang puno ng leeg! (Selah)
你出来要拯救你的百姓, 拯救你的受膏者, 打破恶人家长的头, 露出他的脚,直到颈项。 (细拉)
14 Tinusok mo ang ulo ng kaniyang mga mandirigma sa pamamagitan ng kaniyang sariling mga palaso yamang pumarito (sila) gaya ng isang bagyo upang ikalat kami, ang kanilang kasiyahan ay gaya ng isang taong sinasakmal ang mahihirap sa isang taguan.
你用敌人的戈矛刺透他战士的头; 他们来如旋风,要将我们分散。 他们所喜爱的是暗中吞吃贫民。
15 Naglakbay kayo sa dagat kasama ang inyong mga kabayo, at pinaapaw ang malaking tubig.
你乘马践踏红海, 就是践踏汹涌的大水。
16 Narinig ko, at ang aking kaloob-loobang bahagi ay nanginig! Ang aking mga labi ay nangatal sa tunog! Kabulukan ay pumasok sa aking mga buto, at sa ilalim ng katawan ko ay nanginig habang tahimik kong hinihintay na dumating ang araw nang kaguluhan sa mga taong lumulusob sa amin.
我听见耶和华的声音, 身体战兢,嘴唇发颤, 骨中朽烂; 我在所立之处战兢。 我只可安静等候灾难之日临到, 犯境之民上来。
17 Bagaman ang mga puno ng igos ay hindi sumibol at walang bunga mula sa mga puno ng ubas; bagaman ang puno ng olibo ay hindi namunga, at ang mga bukirin ay walang naibibigay na pagkain; bagaman ang kawan ay naihiwalay sa kulungan, at walang baka sa mga kuwadra—
虽然无花果树不发旺, 葡萄树不结果, 橄榄树也不效力, 田地不出粮食, 圈中绝了羊, 棚内也没有牛;
18 Gayon man, magagalak ako kay Yahweh! Matutuwa ako dahil ang Diyos ang aking kaligtasan!
然而,我要因耶和华欢欣, 因救我的 神喜乐。
19 Ang Panginoong Yahweh ang aking lakas, at ginagawa niya ang aking paa na tulad ng paa ng usang babae at pinangungunahan ako sa aking mga lugar na matataas! —Sa direktor ng musika, sa aking mga instrumentong may kuwerdas.
主耶和华是我的力量; 他使我的脚快如母鹿的蹄, 又使我稳行在高处。 这歌交与伶长,用丝弦的乐器。

< Habacuc 3 >