< Ezra 7 >
1 Pagkatapos ng mga bagay na ito, sa panahon ng paghahari ni Haring Artaxerxes, si Ezra, na ang kaniyang mga ninuno ay sina Seraias, Azarias, Hilcias,
Now after these things, in the reign of Artaxerxes king of Persia, Ezra the son of Seraiah, the son of Azariah, the son of Hilkiah,
the son of Shallum, the son of Zadok, the son of Ahitub,
3 Amarias, Azarias, Meraiot,
the son of Amariah, the son of Azariah, the son of Meraioth,
the son of Zerahiah, the son of Uzzi, the son of Bukki,
5 Abisua, Finehas, Eleazar, at si Aaron na pinakapunong pari -
the son of Abishua, the son of Phinehas, the son of Eleazar, the son of Aaron the chief priest,
6 Umalis si Ezra mula sa Babilonia. Isa siyang dalubhasang eskriba sa batas ni Moises na ibinigay ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. Ibinigay ng hari sa kaniya ang kahit anong bagay na kaniyang hingin yamang ang kamay ni Yahweh ay kasama niya.
this Ezra went up from Babylon. And he was a skilled scribe in the law of Moses, which Jehovah, the God of Israel, had given. And the king granted him all his request, according to the hand of Jehovah his God upon him.
7 Ang ilan sa mga kaapu-apuhan ng Israel at ng mga pari, mga Levita, mga mang-aawit sa templo, mga bantay-pinto, at ang mga itinalaga na maglingkod sa templo ay umakyat sa Jerusalem sa ikapitong taon ni Haring Artaxerxes.
And some of the sons of Israel, and of the priests, and the Levites, and the singers, and the porters, and the Nethinim, went up to Jerusalem in the seventh year of Artaxerxes the king.
8 Siya ay dumating sa Jerusalem sa ikalimang buwan ng parehong taon.
And he came to Jerusalem in the fifth month, which was in the seventh year of the king.
9 Siya ay umalis ng Babilonia sa unang araw ng unang buwan. Noong unang araw ng ika-limang buwan nang siya ay dumating sa Jerusalem, yamang kasama niya ang mabuting kamay ng Diyos.
For upon the first day of the first month he began to go up from Babylon, and on the first day of the fifth month he came to Jerusalem, according to the good hand of his God upon him.
10 Pinatatag ni Ezra ang kaniyang puso sa pag-aaral, sa pagsasagawa, at pagtuturo sa mga alituntunin at mga utos ng batas ni Yahweh.
For Ezra had set his heart to seek the law of Jehovah, and to do it, and to teach in Israel statutes and ordinances.
11 Ito ay ang utos na ibinigay ni Haring Artaxerxes kay Ezra na pari at eskriba ng mga kautusan at mga alituntunin ni Yahweh para sa Israel:
Now this is the copy of the letter that the king Artaxerxes gave to Ezra the priest, the scribe, even the scribe of the words of the commandments of Jehovah, and of his statutes to Israel:
12 “Ang Hari ng mga haring si Artaxerxes, kay paring Ezra, isang eskriba ng kautusan ng Diyos ng langit:
Artaxerxes, king of kings, to Ezra the priest, the scribe of the law of the God of heaven, perfect and so forth.
13 Aking iniuutos na ang sinumang mula sa Israel sa aking kaharian, kasama ang kanilang mga pari at mga Levita, na nagnanais na pumunta ng Jerusalem, ay maaring sumama sa iyo.
I make a decree, that all those of the people of Israel, and their priests and the Levites, in my realm, who are minded of their own free will to go to Jerusalem, go with thee.
14 Ako, ang hari, at ang aking pitong mga tagapayo, ay ipapadala ko kayong lahat upang siyasatin ang tungkol sa Juda at Jerusalem ayon sa batas ng Diyos na inyong naunawaan,
Forasmuch as thou are sent from the king and his seven counselors, to inquire concerning Judah and Jerusalem, according to the law of thy God which is in thy hand,
15 at upang dalhin sa Jerusalem, na kaniyang tahanan, ang pilak at ginto na kanilang malayang ihahandog sa Diyos ng Israel.
and to carry the silver and gold, which the king and his counselors have freely offered to the God of Israel, whose habitation is in Jerusalem,
16 Ibigay ng libre ang lahat ng pilak at ginto na binigay ng mga taga-Babilonia kasama ang anumang malayang inialay sa pamamagitan ng mga tao at mga pari para sa tahanan ng Diyos sa Jerusalem.
and all the silver and gold that thou shall find in all the province of Babylon, with the freewill offering of the people, and of the priests, offering willingly, for the house of their God which is in Jerusalem.
17 Kaya bilhin ninyo sa kabuuan halaga ang baka, mga lalaking tupa at mga batang tupa, at butil at inuming mga handog. Ihandog ninyo ang mga ito sa altar na nasa tahanan ng inyong Diyos sa Jerusalem.
Therefore thou shall with all diligence buy with this money bullocks, rams, lambs, with their meal offerings and their drink offerings, and shall offer them upon the altar of the house of your God which is in Jerusalem.
18 Gawin ninyo sa natitirang pilak at ginto ang anumang tingin ninyong mabuti para sa inyo at sa inyong mga kapatid, upang malugod ninyo ang inyong Diyos.
And whatever shall seem good to thee and to thy brothers to do with the rest of the silver and the gold, that do ye after the will of your God.
19 Ilagay ninyo ang mga bagay na malayang ibinigay sa inyo sa harap niya para sa paglilingkod sa tahanan ng inyong Diyos sa Jerusalem.
And the vessels that are given thee for the service of the house of thy God, deliver thou before the God of Jerusalem.
20 Anumang bagay na kakailanganin sa tahanan ng inyong Diyos, kunin ninyo ang mga gastos mula sa aking kabang-yaman.
And whatever more shall be needful for the house of thy God, which thou shall have occasion to bestow, bestow it out of the king's treasure-house.
21 Ako, si Haring Artaxerxes, ang gumagawa ng utos sa lahat ng mga ingat-yaman sa ibayong Ilog, na ang kahit anong hingin ni Ezra mula sa inyo ay dapat ninyong maibigay ng buo,
And I, even I Artaxerxes the king, do make a decree to all the treasurers who are beyond the River, that whatever Ezra the priest, the scribe of the law of the God of heaven, shall require of you, it be done with all diligence,
22 hanggang sa isang daang talentong pilak, isang daang takal ng butil, isang daang malaking sisidlan ng alak, at isang daang malaking sisidlan ng langis, pati asin na walang limitasyon.
to a hundred talents of silver, and to a hundred measures of wheat, and to a hundred baths of wine, and to a hundred baths of oil, and salt without prescribing how much.
23 Anumang nagmula sa utos ng Diyos ng Langit, gawin ninyo ito nang may malasakit para sa kaniyang tahanan. Sapagkat bakit kailangang dumating ang kaniyang poot sa aking kaharian at sa aking mga anak?
Whatever is commanded by the God of heaven, let it be done exactly for the house of the God of heaven; for why should there be wrath against the realm of the king and his sons?
24 Ipinababatid namin sa kanila ang tungkol sa iyo hindi upang magpataw ka ng kahit na anong pagkilala o mga buwis sa sinuman sa mga pari, mga levita, mga musikero, mga bantay-pinto, o sa mga taong itinalaga sa paglilingkod sa templo at sa mga tagapaglingkod sa tahanang ito ng Diyos.
Also we certify to you, that concerning any of the priests and Levites, the singers, porters, Nethinim, or servants of this house of God, it shall not be lawful to impose tribute, custom, or toll, upon them.
25 Ezra, sa karunungang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos, ikaw ay dapat magtalaga ng mga hukom at mga lalaking may mahusay na pagpapasya upang maglingkod sa lahat ng tao sa ibayong Ilog, at upang maglingkod sa sinumang nakakaalam sa batas ng Diyos. Ikaw ay dapat ring magturo sa mga hindi pa nakakaalam sa batas.
And thou, Ezra, according to the wisdom of thy God, that is in thy hand, appoint magistrates and judges, who may judge all the people who are beyond the River, all such as know the laws of thy God, and teach ye him who does not know them.
26 Parusahan mo ang sinumang hindi buo ang pagsunod sa batas ng Diyos o sa batas ng hari, maging sa pamamagitan ng kamatayan, pagpapalayas, pagsamsam ng kanilang mga kalakal, o pagkakabilanggo.”
And whoever will not do the law of thy God, and the law of the king, let judgment be executed upon him with all diligence, whether it be to death, or to banishment, or to confiscation of goods, or to imprisonment.
27 Sinabi ni Ezra, “Purihin si Yahweh, ang Diyos ng ating mga ninuno, ang siyang naglagay ng lahat ng ito sa puso ng hari para sa kapurihan ng tahanan ni Yahweh sa Jerusalem,
Blessed be Jehovah, the God of our fathers, who has put such a thing as this in the king's heart, to beautify the house of Jehovah which is in Jerusalem,
28 at siyang nagpaabot ng tipan ng katapatan sa akin sa harap ng hari, sa kaniyang mga tagapayo, at sa lahat ng kaniyang makapangyarihang mga opisyal. Ako ay napalakas sa pamamagitan ng kamay ni Yahweh na aking Diyos, at ako ay nagkalap ng mga pinuno mula sa Israel na humayong kasama ko.”
and has extended loving kindness to me before the king, and his counselors, and before all the king's mighty rulers. And I was strengthened according to the hand of Jehovah my God upon me, and I gathered together out of Israel chief men to go up with me.