< Ezekiel 7 >
1 Dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
Потом дође ми реч Господња говорећи:
2 “Ikaw, na anak ng tao—Ang Panginoong Yahweh ang nagsasabi nito sa lupain ng Israel, 'Isang wakas! Isang wakas ang darating sa apat na hangganan ng lupain!
Сине човечји, овако каже Господ Господ за земљу Израиљеву: Крај, дође крај на четири стране земљи.
3 Ngayon, ang wakas ay sumasainyo, sapagkat ipinapadala ko sa inyo ang aking poot at hahatulan ko kayo ayon sa inyong mga pamamaraan, pagkatapos dadalhin kong lahat sa inyo ang inyong mga pagkasuklam.
Дође ти крај, и пустићу гнев свој на те, и судићу ти по путевима твојим и обратићу на те све гадове твоје.
4 Sapagkat hindi kayo titingnan ng aking mga mata ng may habag at hindi ko kayo kaaawaan, kundi dadalhin ko ang inyong pamamaraan sa inyo at ang inyong mga pagkasuklam ay nasa inyong kalagitnaan, upang malaman ninyo na ako si Yahweh!
И око моје неће те пожалити, нити ћу се смиловати, него ћу путеве твоје обратити на те, и гадови ће твоји бити усред тебе, и познаћете да сам ја Господ.
5 Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Sakuna! Sunod-sunod na sakuna! Tingnan ninyo, paparating na ito!
Овако вели Господ Господ: Зло, једно зло, ево иде.
6 Isang pagtatapos ang tiyak na darating, ang wakas ay nagising laban sa inyo! Masdan ninyo, paparating na ito! Ang inyong katapusan ay paparating na sa inyong mga naninirahan sa lupa.
Крај дође, крај дође, уста на те, ево дође.
7 Dumating na ang oras, malapit na ang araw ng pagkawasak at hindi na magagalak ang mga bundok.
Дође јутро теби, становниче земаљски, дође време, приближи се дан, кад ће бити полом, а не јека горска.
8 Ngayon, hindi magtatagal ay ibubuhos ko ang aking poot laban sa inyo at mapupuno ang aking matinding galit sa inyo kapag hahatulan ko kayo ayon sa inyong pamaraan, pagkatapos dadalhin ko ang lahat ng mga pagkasuklam sa inyo.
Сада ћу одмах излити јарост своју на те, и навршићу гнев свој на теби, и судићу ти по твојим путевима, и обратићу на те све гадове твоје.
9 Sapagkat hindi kayo titingnan ng aking mata ng may habag at hindi ko kayo kaaawaan. Ayon sa inyong nagawa, gagawin ko sa inyo, at ang inyong mga pagkasuklam ay nasa inyong kalagitnaan upang malaman ninyo na ako si Yahweh, ang siyang nagpaparusa sa inyo.
Неће жалити око моје, нити ћу се смиловати, даћу ти по путевима твојим, и гадови ће твоји бити усред тебе, и познаћете да сам ја Господ, који бије.
10 Masdan ninyo! Ang araw ay parating na. Naririto na ang kaparusahan. Namukadkad sa tungkod ang bulaklak ng pagmamataas.
Ево дана, ево дође, јутро наста, процвате прут, поноситост напупи.
11 Lumago ang karahasan ng isang tungkod ng kasamaan—wala sa kanila at wala sa karamihan, wala sa kanilang kayamanan at wala sa kanilang kahalagahan ang magtatagal!
Насиље нарасте прут безакоња, нико неће остати од њих ни од мноштва њиховог ни од буке њихове, нити ће бити нарицања за њима.
12 Paparating na ang oras, papalapit na ang araw. Huwag magalak ang mamimili, ni tumangis ang manininda, sapagkat ang aking galit ay nasa buong sangkatauhan!
Дође време, приспе дан; ко купује нека се не радује, и ко продаје нека не жали, јер ће доћи гнев на све људство њихово.
13 Sapagkat hindi na babalikan ng manininda ang ipinagbili habang sila ay nabubuhay, sapagkat ang pangitain ay laban sa buong sangkatauhan, hindi na sila babalik, sapagkat walang sinumang tao na namumuhay sa kasalanan ang mapapalakas!
Јер ко продаје, неће опет доћи до оног што прода, ако и остане жив; јер утвара за све мноштво њихово неће се вратити натраг, и нико се неће окрепити безакоњем својим да сачува живот свој.
14 Hinipan na nila ang trumpeta at inihanda na ang lahat, ngunit wala ni isa ang lumakad upang makilaban, sapagkat ang aking galit ay nasa buong sangkatauhan!
Затрубише у трубе, и спремише све; али нема никога да изађе у бој, јер се гнев мој распалио на све људство њихово.
15 Nasa labas ang espada at nasa loob ng gusali ang salot at taggutom. Ang mga nasa bukirin ay mamamatay sa pamamagitan ng espada, habang ang mga nasa lungsod ay uubusin ng taggutom at salot.
Напољу мач, а унутра помор и глад; ко буде у пољу, погинуће од мача; а ко буде у граду, њега ће глад и помор прождрети.
16 Ngunit ang ilang mga nakaligtas ay tatakas mula sa kanila at pupunta sila sa mga bundok. Tulad ng mga kalapati sa mga lambak, mananaghoy silang lahat—bawat tao dahil sa kaniyang kasalanan.
А који их утеку, избавиће се и биће по горама као голубови из долина, сви ће уздисати, сваки за своје безакоње.
17 Bawat kamay ay manghihina at bawat tuhod ay magiging kasing lambot ng tubig,
Све ће руке клонути и сва ће колена постати као вода.
18 at magsusuot sila ng magaspang na tela at mababalot sila ng takot at ang kahihiyan ay nasa bawat mukha at ang pagkakalbo sa lahat ng kanilang mga ulo.
И припасаће око себе кострет, и дрхат ће их попасти, и на сваком ће лицу бити стид, и све ће им главе бити ћелаве.
19 Itatapon nila ang kanilang pilak sa mga lansangan at ang kanilang ginto ay magiging tulad ng hindi katanggap-tanggap. Hindi sila kayang iligtas ng kanilang pilak at ginto sa panahon ng matinding galit ni Yahweh. Hindi maliligtas ang kanilang buhay at hindi mapapawi ang kanilang gutom, sapagkat naging isang nakakatisod na hadlang ang kanilang kasalanan.
Сребро ће своје побацати по улицама, и злато ће њихово бити као нечистота; сребро њихово и злато њихово неће их моћи избавити у дан гнева Господњег; неће наситити душе своје нити ће напунити трбуха свог, јер им је безакоње њихово спотицање.
20 Kumuha sila ng palamuting hiyas sa kanilang pagmamataas at gumawa sila ng diyus-diyosang imahen na naglalarawan ng kanilang pagkasuklam—ang kanilang kamuhi-muhing mga kilos na kanilang ginawa ay kasama nila, kaya, ginagawa kong marumi ang mga bagay na ito sa kanila.
Јер славни накит свој обратише на охолост, и начинише од њега ликове гадова својих, гнусобе своје; зато учиних да им је нечистота.
21 At ibibigay ko ang mga bagay na iyon sa kamay ng mga dayuhan bilang samsam at sa masasama sa mundo bilang samsam at dudungisan nila ang mga ito.
И даћу га у руке иностранцима да га разграбе, и безбожницима на земљи да је плен, и оскврниће га.
22 Pagkatapos itatalikod ko ang aking mukha mula sa kanila nang dinudungisan nila ang aking itinatanging lugar, papasukin ito ng mga tulisan at dudungisan ito!
И одвратићу лице своје од њих, и оскврниће светињу моју, и ући ће у њу лупежи и оскврниће је.
23 Gumawa ka ng isang tanikala, sapagkat pinuno ang lupain ng paghahatol ng dugo at puno ng karahasan ang lungsod.
Начини вериге, јер је земља пуна крвног суда, и град је пун насиља.
24 Kaya magdadala ako ng pinakamasama sa mga bansa at aangkinin nila ang kanilang mga tahanan at wawakasan ko ang pagmamataas ng makapangyarihan, sapagkat madudungisan ang kanilang banal na mga lugar.
Зато ћу довести најгоре између народа да наследе куће њихове, и укинућу охолост силних, и света места њихова оскврниће се.
25 Darating ang takot! Hahanapin nila ang kapayapaan, ngunit hindi ito masusumpungan!
Иде погибао; они ће тражити мира, али га неће бити.
26 Sunod-sunod na sakuna ang darating at magkakaroon ng sunod-sunod na bulung-bulungan! Pagkatapos, maghahanap sila ng pangitain mula sa isang propeta, ngunit mawawala ang kautusan mula sa mga pari at payo mula sa sa mga nakatatanda.
Невоља за невољом долазиће, и глас за гласом стизаће; и они ће тражити утвару од пророка; закона ће нестати у свештеника и савета у стараца.
27 Magluluksa ang hari at ang prinsipe ay magdadamit ng kawalan, habang ang mga kamay ng mga tao sa lupain ay manginginig sa takot. Ayon sa sarili nilang kaparaanan, gagawin ko ito sa kanila! At hahatulan ko sila sa kanilang mga sariling pamantayan hanggang malaman nila na ako si Yahweh!'”
Цар ће тужити, и кнезови ће се обући у жалост, и руке народу земаљском дрхтаће; учинићу им по путевима њиховим и судићу им према судовима њиховим; и познаће да сам ја Господ.