< Exodo 9 >
1 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Pumunta ka kay Paraon at sabihin sa kaniya, 'ang sabi ni Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo: “Hayaang umalis ang aking bayan, para sila ay sumamba sa akin”.
耶和華吩咐摩西說:「你進去見法老,對他說:『耶和華-希伯來人的上帝這樣說:容我的百姓去,好事奉我。
2 Pero kung ikaw ay tatanggi na paalisin sila, kung patuloy mo silang panatilihin,
你若不肯容他們去,仍舊強留他們,
3 pagkatapos ang kamay ni Yahweh ay nasa inyong mga baka na nasa bukirin at sa mga kabayo, mga asno, mga kamelyo, mga kawan at mga tupa at magdudulot ito ng isang matinding sakit.
耶和華的手加在你田間的牲畜上,就是在馬、驢、駱駝、牛群、羊群上,必有重重的瘟疫。
4 Ituturing ni Yahweh na magkaiba ang mga baka ng mga Israelita at ang mga baka ng taga-Ehipto: walang hayop na pag-aari ng mga Israelita ang mamamatay.
耶和華要分別以色列的牲畜和埃及的牲畜,凡屬以色列人的,一樣都不死。』」
5 Nagtakda si Yahweh ng isang panahon; kaniyang sinabi, “Gagawin ko bukas ang bagay na ito sa lupain.
耶和華就定了時候,說:「明天耶和華必在此地行這事。」
6 Ito ang ginawa ni Yahweh sa sumunod na araw: namatay ang lahat ng mga baka sa Ehipto. Pero wala ni isa sa mga hayop ng mga Israelita ang namatay, wala ni isang hayop.
第二天,耶和華就行這事。埃及的牲畜幾乎都死了,只是以色列人的牲畜,一個都沒有死。
7 Nagsaliksik si Paraon, at nakita, wala ni isang hayop ng mga Israelita ang namatay. Pero matigas ang kaniyang puso, kaya hindi niya hinayaang umalis ang bayan.
法老打發人去看,誰知以色列人的牲畜連一個都沒有死。法老的心卻是固執,不容百姓去。
8 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises at kay Aaron, “Kumuha kayo ng ilang dakot ng mga abo mula sa isang hurno. Ikaw, Moises, dapat mong ihagis ang mga abo sa hangin habang nanonood si Paraon.
耶和華吩咐摩西、亞倫說:「你們取幾捧爐灰,摩西要在法老面前向天揚起來。
9 Magiging pinong alikabok na kakalat sa buong lupain ng Ehipto. Magdudulot ng mga pigsa at pamamaga na siyang kakalat sa mga tao at mga hayop sa buong lupain ng Ehipto.
這灰要在埃及全地變作塵土,在人身上和牲畜身上成了起泡的瘡。」
10 Kaya kumuha si Moises at Aaron ng mga abo na mula sa isang hurno at tumayo sa harapan ni Paraon. Pagkatapos, inihagis ni Moises ang mga abo sa hangin. Nagdulot ang mga abo ng pigsa at pamamaga na siyang kumalat sa mga tao at mga hayop.
摩西、亞倫取了爐灰,站在法老面前。摩西向天揚起來,就在人身上和牲畜身上成了起泡的瘡。
11 Hindi mapigilan ng mga salamangkero si Moises dahil sa mga pigsa; dahil nagkaroon din sila ng mga pigsa maging ang lahat ng ibang mga taga-Ehipto.
行法術的在摩西面前站立不住,因為在他們身上和一切埃及人身上都有這瘡。
12 Pinatigas ni Yahweh ang puso ni Paraon, kaya hindi nakinig si Paraon kina Moises at Aaron. Ito mismo ang sinabi ni Yahweh kay Moises na gagawin ng Paraon.
耶和華使法老的心剛硬,不聽他們,正如耶和華對摩西所說的。
13 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Gumising ka ng maaga, tumayo ka sa harapan ni Paraon, at sabihin sa kaniya, 'si Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo, sinasabi ito: “Hayaan mong umalis ang aking bayan para maari silang sumamba sa akin.
耶和華對摩西說:「你清早起來,站在法老面前,對他說:『耶和華-希伯來人的上帝這樣說:容我的百姓去,好事奉我。
14 Sa oras na ito ipapadala ko ang lahat ng mga salot sa iyo mismo, sa iyong mga lingkod at sa iyong bayan. Gagawin ko ito para malaman mo na walang sinuman ang katulad ko dito sa buong mundo.
因為這一次我要叫一切的災殃臨到你和你臣僕並你百姓的身上,叫你知道在普天下沒有像我的。
15 Sa ngayon maaari kung iunat ang aking kamay at lusubin ka at ang iyong bayan ng sakit, at kayo ay lipulin mula sa lupain.
我若伸手用瘟疫攻擊你和你的百姓,你早就從地上除滅了。
16 Pero sa ganitong kadahilanan hinayaan ko kayong makaligtas: para maipakita ang aking kapangyarihan, nang sa ganoon maipahayag ko sa lahat ng panig ng mundo ang aking pangalan.
其實,我叫你存立,是特要向你顯我的大能,並要使我的名傳遍天下。
17 Patuloy mong itinataas ang iyong sarili laban sa aking bayan sa pamamagitan ng hindi mo pagpayag na paalisin sila.
你還向我的百姓自高,不容他們去嗎?
18 Makinig! Bukas sa ganito ring oras magdadala ako ng isang napakalakas na ulang may yelo, pangyayari na hindi pa nakikita sa Ehipto mula sa unang araw nito hanggang ngayon.
到明天約在這時候,我必叫重大的冰雹降下,自從埃及開國以來,沒有這樣的冰雹。
19 Kaya ngayon, magpadala ka ng mga lalaki at ipunin sa ligtas na lugar ang iyong mga baka at ang lahat ng mayroon ka sa iyong bukid sa ligtas na lugar. Ang bawat tao at hayop na nasa bukid at hindi dinala sa bahay—babagsak sa kanila ang ulang may yelo, at mamamatay sila.”'”
現在你要打發人把你的牲畜和你田間一切所有的催進來;凡在田間不收回家的,無論是人是牲畜,冰雹必降在他們身上,他們就必死。』」
20 Pagkatapos ang mga lingkod ni Paraon na naniwala sa mensahe ni Yahweh, ay nagmadali na dalhin ang kanilang mga alipin at mga baka sa kanilang mga bahay.
法老的臣僕中,懼怕耶和華這話的,便叫他的奴僕和牲畜跑進家來。
21 Pero ang mga hindi magseryoso ng mensahe ni Yahweh ay iiwan ang kanilang mga alipin at mga baka sa mga bukid.
但那不把耶和華這話放在心上的,就將他的奴僕和牲畜留在田裏。
22 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Iunat mo ang iyong kamay patungo sa kalangitan para magkaroon ng ulang may yelo sa lahat ng lupain ng Ehipto, sa bayan, sa mga hayop at sa lahat ng mga halaman sa mga bukid sa buong lupain ng Ehipto.”
耶和華對摩西說:「你向天伸杖,使埃及遍地的人身上和牲畜身上,並田間各樣菜蔬上,都有冰雹。」
23 Iniunat ni Moises ang kaniyang tungkod patungo sa kalangitan, at nagpadala si Yahweh ng kulog, ulang may yelo at kidlat sa lupa. Pinaulanan din niya ng yelo ang lupain ng Ehipto.
摩西向天伸杖,耶和華就打雷下雹,有火閃到地上;耶和華下雹在埃及地上。
24 Kaya nagkaroon ng ulan at kidlat na may kasamang yelong ulan, napakalubha, bagay na hindi pa nangyayari sa buong lupain ng Ehipto mula nang ito ay maging isang bansa.
那時,雹與火攙雜,甚是厲害,自從埃及成國以來,遍地沒有這樣的。
25 Sa buong lupain ng Ehipto, tumama ang ulang ay yelo sa lahat ng bagay na nasa mga bukid, sa kapwa mga tao at mga hayop. Tumama ito sa bawat halaman na nasa mga bukid at sinira ang bawat punongkahoy.
在埃及遍地,雹擊打了田間所有的人和牲畜,並一切的菜蔬,又打壞田間一切的樹木。
26 Doon lamang sa lupain ng Gosen, kung saan nakatira ang mga Israelita, hindi umulan ng yelo.
惟獨以色列人所住的歌珊地沒有冰雹。
27 Pagkatapos nagpadala ang Paraon ng mga tao para ipatawag sina Moises at Aaron. Sinabi niya sa kanila, “Nagkasala ako sa oras na ito. Si Yahweh ay matuwid at ako at ang aking bayan ay masasama.
法老打發人召摩西、亞倫來,對他們說:「這一次我犯了罪了。耶和華是公義的;我和我的百姓是邪惡的。
28 Magdasal kayo kay Yahweh, dahil ang napakalakas na mga kidlat at ulang may yelo ay sobra na. Papaalisin ko na kayo at hindi na kayo titira dito.
這雷轟和冰雹已經夠了。請你們求耶和華,我就容你們去,不再留住你們。」
29 Sinabi ni Moises sa kaniya, “Sa oras na umalis ako sa lungsod, ilalatag ko ang aking mga kamay kay Yahweh. Titigil na ang kulog at wala ng anumang ulang may yelo. Sa ganitong paraan malalaman mo na pag-aari ni Yahweh ang mundo.
摩西對他說:「我一出城,就要向耶和華舉手禱告;雷必止住,也不再有冰雹,叫你知道全地都是屬耶和華的。
30 Pero para sa iyo at sa iyong mga lingkod, alam ko na hindi niyo talaga ginagalang si Yahweh na Diyos.”
至於你和你的臣僕,我知道你們還是不懼怕耶和華上帝。」(
31 Ngayon ang mga lino at sebada ay nasira, dahil ang uhay magulang na sa tangkay at namumulaklak na ang lino.
那時,麻和大麥被雹擊打;因為大麥已經吐穗,麻也開了花。
32 Pero ang trigo at ang espelta ay hindi nasalanta dahil huli itong tumubo.
只是小麥和粗麥沒有被擊打,因為還沒有長成。)
33 Nang umalis si Moises kay Paraon at sa lungsod, inilatag niya ang kaniyang mga kamay kay Yahweh; tumigil ang kulog at ulang may yelo, at ang ulan ay hindi na bumuhos pa.
摩西離了法老出城,向耶和華舉手禱告;雷和雹就止住,雨也不再澆在地上了。
34 Nang nakita ni Paraon na ang ulan, ang ulang may yeloo at kulog ay humupa na, muling nagkasala siya at pinatigas ang kaniyang puso, kasama ang kaniyang mga lingkod.
法老見雨和雹與雷止住,就越發犯罪;他和他的臣僕都硬着心。
35 Pinatigas ang puso ni Paraon, kaya hindi niya pinayagang umalis ang bayan ng Israel. Ito ang paraan na sinabi ni Yahweh kay Moises na ito ang gagawin ni Paraon.
法老的心剛硬,不容以色列人去,正如耶和華藉着摩西所說的。