< Mga Gawa 7 >
1 Sinabi ng pinaka-punong pari, “Totoo ba ang mga bagay na ito?''
फेर महायाजक नै स्तिफनुस तै बुझ्झया, “के यो इलजाम सच सै?”
2 Sinabi ni Esteban, ''Mga kapatid at mga ama, makinig kayo sa akin: Ang Diyos ng kaluwalhatian ay nagpakita sa ating ama na si Abraham noong siya ay nasa Mesopotamia, bago siya nanirahan sa Haran;
उसनै कह्या, “हे भाईयो, अर बुजुर्गों सुणो। म्हारा पूर्वज अब्राहम हारान नगर म्ह बसण तै पैहल्या जिब वो मेसोपोटामिया परदेस म्ह था, तो तेजोमय परमेसवर नै उस ताहीं दर्शन दिया,
3 sinabi niya sa kaniya, 'Iwan mo ang iyong lupain at ang iyong mga kamag-anak at pumunta ka sa lupain na ipapakita ko sa iyo.'
अर उसतै बोल्या, ‘तू अपणे देश अर अपणे कुण्बे म्ह तै लिकड़कै उस देश म्ह जा, जिस ताहीं मै तन्नै दिखाऊँगा।’”
4 Pagkatapos iniwan niya ang lugar ng mga Caldeo at nanirahan sa Haran; mula doon, matapos mamatay ang kaniyang ama, dinala siya ng Diyos sa lupain na ito, kung saan kayo naninirahan ngayon.
फेर अब्राहम कसदियो के देश तै लिकड़कै हारान नगर म्ह जा बस्या। उसकै पिता की मौत कै पाच्छै परमेसवर नै उस ताहीं ओड़ै तै इस देश म्ह ल्याकै बसाया जिसम्ह इब हम बसां सां,
5 Wala siyang ibinigay na anuman dito bilang pamana sa kaniya, wala, kahit na sapat man lang na paglagyan ng paa. Ngunit siya ay nangako—kahit na wala pang Anak si Abraham—na kaniyang ibibigay ang lupain bilang pag-aari para sa kaniya at sa kaniyang magiging kaapu-apuhan na susunod sa kaniya.
अर उस ताहीं कुछ भी विरासत न्ही दी, बल्के पैर धरण भर की भी उस म्ह जगहां कोनी देई, पर परमेसवर नै वादा करया, के मै यो देश तेरे अर तेरे बाद तेरे वंश कै हाथ कर दियुँगा, हालाकि उस बखत उसकै कोए बेट्टा कोनी था।
6 Nakikipag-usap sa kaniya ang Diyos ng katulad nito, na ang kaniyang kaapu-apuhan ay panandaliang maninirahan sa ibang lupain, at dadalhin sila ng mga naninirahan doon sa pagkaalipin at pakikitunguhan sila ng masama ng apatnaraang taon.
अर परमेसवर नै यो भी कह्या, “वे लोग उननै गुलाम बणा लेंगे, अर चार सौ साल ताहीं उनकै गैल भुंडा बरताव करैगें।”
7 At hahatulan ko ang bansa kung saan sila ay magiging alipin,' sabi ng Diyos, 'at pagkatapos lalabas sila at sasambahin ako sa lugar na ito.'
फेर परमेसवर नै यो भी कह्या, “के जिस जात के वे गुलाम होवैंगें, उस ताहीं मै सजा देऊँगा, अर इसकै बाद वे लिकड़कै इस्से देश म्ह मेरी भगति करैंगें।”
8 At ibinigay niya kay Abraham ang tipan ng pagtututli. Kaya si Abraham ang naging ama ni Isaac at tinuli siya sa ikawalong araw; Si isaac ang naging ama ni Jacob, at si Jacob ang naging ama ng labindalawang patriyarka.
अर परमेसवर नै अब्राहम कै गैल खतने का करार करया, जिब अब्राहम के बेट्टे इसहाक का जन्म होया, तो आंठ्वै दिन उसका खतना करया गया, अर इसहाक तै याकूब अर याकूब तै बारहां कुलपति पैदा होए।
9 Nainggit kay Jose ang mga patriyarka kaya ibenenta nila siya sa Egipto, at Sinamahan siya ng Diyos,
“कुलपतियाँ नै अपणे भाई यूसुफ तै जळण करकै उस ताहीं मिस्र देश जाण आळा ताहीं बेच्या। पर परमेसवर उसकै गेल्या था,
10 at iniligtas siya mula sa lahat ng kaniyang mga pagdurusa, at pinagpala siya ng Diyos ng karunungan sa harap ni Faraon, na hari ng Egipto. Pagkatapos ginawa siya ng Faraon na gobernador ng Egipto at ng kaniyang buong sambahayan.
अर परमेसवर नै यूसुफ ताहीं उसके सारे क्लेशां तै छुड़ाकै मिस्र देश कै राजा फिरौन की निगांह म्ह अनुग्रह अर बुद्धि दी, अर फिरौन नै उस ताहीं मिस्र देश पै अर अपणे सारे घर पै हाकिम बणा दिया।
11 Ngayon ay nagkaroon ng taggutom sa buong lupain ng Egipto at Canaan, at labis na pagdurusa: at walang natagpuang pagkain ang ating mga ninuno.
“जिब यूसुफ मिस्र देश का हाकिम था, तो सारे मिस्र देश अर कनान देश म्ह अकाळ पड़ग्या, जिसतै हरेक जगहां हाहाकार माचग्या, अर म्हारे पूर्वजां ताहीं नाज कोनी मिलै था।
12 Ngunit nang mabalitaan ni Jacob na mayroong butil sa Egipto, ipinadala niya ang ating mga ninuno sa unang pagkakataon.
पर याकूब नै न्यू सुणकै के मिस्र देश म्ह नाज सै, म्हारे पूर्वजां ताहीं नाज मोल लेण खात्तर पैहली बार भेज्या।
13 Sa ikalawang pagkakataon, ipinakita ni Jose ang kaniyang sarili sa kaniyang mga kapatid; at ang sambahayan ni Jose ay nakilala ng Faraon.
जिब वे दुसरी बार नाज मोल लेण खात्तर गये, तो यूसुफ नै खुद ताहीं अपणे भाईयाँ पै जाहिर करया, अर यूसुफ के परिवार के बारें म्ह फिरौन नै बेरा पाटग्या।
14 Pinabalik ni Jose ang kaniyang mga kapatid upang sabihin kay Jacob na kaniyang ama na magtungo sa Egipto, kasama lahat ng kanilang kamag-anak at pitumpu't limang tao silang lahat.
फेर यूसुफ नै अपणे बाप याकूब अर अपणे साबतै कुण्बे ताहीं, जो पचत्तर माणस थे, बुलवा भेज्या।
15 Kaya bumaba si Jacob sa Egipto; pagkatapos namatay siya, pati na rin ang ating mga ninuno.
फेर याकूब मिस्र देश गया, अर कुछ साल्लां बाद ओड़ैए वो अर म्हारे पूर्वज मरग्ये।
16 Sila ay dinala sa Siquem at inihimlay sa libingan na binili ni Abraham sa halaga ng pilak mula sa mga anak ni Hamor na taga Siquem.
उनकी लाश शकेम नगर म्ह पहुँचाकै उस कब्र म्ह धरी गई, जिस ताहीं अब्राहम नै चाँदी देकै शकेम नगर म्ह हमोर की ऊलाद तै मोल लिया था।”
17 Habang papalapit ang panahong ipinangako ng Diyos kay Abraham, ang mga tao ay lumago at dumami sa Egipto,
“पर जिब उस वादा के पूरे होण का बखत लोवै आया जो परमेसवर नै अब्राहम तै करया था, तो मिस्र देश म्ह वे आदमी बढ़ग्ये अर घणे होग्ये।
18 hanggang sa may tumayo na ibang hari sa buong Egipto, isang hari na hindi alam ang tungkol kay Jose.
फेर मिस्र देश म्ह दुसरा राजा होया जो यूसुफ ताहीं कोनी जाणै था।
19 Siya din ang hari na nanlinlang sa ating mga kababayan at nagmalupit ng labis sa ating mga ninuno, na kinailangan nilang itapon ang kanilang mga sanggol upang makaligtas.
उसनै म्हारे जात्ति भाईयाँ तै हेरा-फेरी करकै म्हारे पूर्वजां कै गेल्या उरै ताहीं भुंडा बीवार करया, के अपणे माँ-बाप नै अपणे बाळकां ताहीं बगाणे पड़गे, के एक भी बाळक जिन्दा ना रहवैं।
20 Isinilang si Moises ng panahong iyon; siya ay napakaganda sa harapan ng Diyos at inalagaan ng tatlong buwan sa bahay ng kaniyang ama.
“उस बखत मूसा नबी पैदा होया। वो परमेसवर की निगांह म्ह घणा सुथरा था। वो तीन महिन्ने ताहीं अपणे बाप कै घरां लुह्को कै पाळया गया।
21 Nang siya ay itinapon, kinuha siya ng anak na babae ng Paraon at pinalaki siya na kagaya ng kaniyang sariling anak.
जिब उसके परिवार आळे उस ताहीं और न्ही लह्को सके, तो उननै मूसा ताहीं छोड़णा पड्या, फेर फिरौन की बेट्टी नै उस ताहीं ठा लिया, अर अपणा बेट्टा करकै पाळया।
22 Naturunan si Moises sa lahat ng kaalaman ng mga taga Egipto, at naging makapangyarihan siya sa kaniyang mga salita at mga gawa.
मूसा नबी नै मिस्र देश की सारी विद्या पढ़ाई गई, अर वो बोलण म्ह अर काम करण म्ह, दोनुआ म्ह सामर्थी था।”
23 Ngunit nang siya ay nasa apatnapung taon na, pumasok sa kaniyang puso na bisitahin ang kaniyang mga kapatid, ang mga anak ni Israel.
“जिब मूसा नबी चाळीस साल का होया, तो उसकै मन म्ह आया के मै अपणे इस्राएली भाईयाँ तै मिलूं।
24 Nang makakita siya ng Israelita na inaapi, ipinagtanggol siya ni Moises at pinaghiganti sa pamamagitan ng paghampas sa Egipcio:
उसनै एक इस्राएली माणस पै जुल्म होन्दे देखकै उस ताहीं बचाया, अर उस मिस्री आदमी ताहीं मारकै सताए होए का बदला लिया।
25 Inakala niya na maiintindihan siya ng kaniyang mga kapatid na inililigtas sila ng Diyos sa pamamagitan ng kaniyang kamay. Ngunit hindi nila naintindihan.
मूसा नै सोच्या के उसके भाई-बन्धु जाण जावैंगे के उन ताहीं गुलामी तै छुटकारा दुआण खात्तर परमेसवर उसका इस्तमाल करण लाग रह्या सै, पर वे इस ताहीं समझ न्ही पाये।
26 Nang sumunod na araw pumunta siya sa ilang mga Israelita habang sila ay nag-aaway; sinubukan niyang pagkasunduin sila; sinabi niya, 'Mga Ginoo, kayo ay magkapatid; bakit kayo nag-aaway?'
दुसरे दिन जिब वे आप्पस म्ह लड़ै थे, तो वो उड़ै तै आण लिकड़या, अर न्यू कहकै उननै मेल करण कै खात्तर समझाया, ‘हे भले माणसों, थम तो भाई-भाई सो, एक-दुसरे पै क्यांतै जुल्म करो सो?’”
27 Ngunit itinulak siya ng lalaking nanakit sa kaniyang kapatid at sinabi, 'Sino ang naglagay sa iyo upang mamuno at humatol sa amin?
“पर जो अपणे पड़ोसी पै जुल्म करै था, उसनै उस ताहीं न्यू कहकै धक्का दिया, ‘तेरे ताहीं किसनै म्हारै पै हाकिम अर न्यायाधीश ठहराया सै?
28 Nais mo ba akong patayin katulad ng pagpatay mo sa Egipcio kahapon?'
के जिस ढाळ तै तन्नै काल उस मिस्री आदमी ताहीं मार दिया मन्नै भी मार देणा चाहवै सै?’
29 Tumakas si Moises matapos na marinig ito, naging dayuhan siya sa lupain ng Madian, kung saan siya ay naging ama ng dalawang anak na lalaki.
या बात सुणकै मूसा नबी डरकै भाज्या अर मिधान देश म्ह परदेशी होकै रहण लाग्या, अर ओड़ै उसके दो बेट्टे पैदा होए।”
30 Nang makalipas ang apatnapung taon, nagpakita sa kaniya ang anghel sa ilang ng bundok Sinai, sa ningas ng apoy na nasa mababang punongkahoy.
“जिब मूसा ताहीं ओड़ै रहन्दे पूरे चाळीस साल बीतगे, तो परमेसवर नै एक सुर्गदूत के रूप म्ह सीनै पहाड़ के बण म्ह उस ताहीं बळदी होई झाड़ी की ज्वाला म्ह दर्शन दिया।
31 Nang makita ni Moises ang apoy, namangha siya sa kaniyang nakita; at habang siya ay papalapit upang tingnan ito, doon ay dumating ang tinig ng Panginoon, na nagsasabing,
मूसा नबी नै यो बळदी होई झाड़ी का दर्शन देखकै हैरानी होई, अर जिब देखण खात्तर लोवै गया, तो प्रभु की या वाणी सुणाई दी,
32 'Ako ang Diyos ng iyong mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, ni Isaac, at ni Jacob.' Nanginig si Moises at hindi naglakas loob na tumingin.
‘मै तेरे पूर्वज, अब्राहम, इसहाक, याकूब का परमेसवर सूं,’ फेर मूसा नबी डर के मारे काम्बग्या, उरै ताहीं के उसकी देखण की हिम्मत भी कोनी होई।”
33 Sinabi ng Panginoon sa kaniya, 'Alisin mo ang iyong sandalyas, sapagkat ang lugar na iyong kinatatayuan ay banal na dako.
“फेर प्रभु नै मूसा नबी तै कह्या, ‘अपणे पायां तै जूत्ती उत्तार ले, क्यूँके जिस जगहां तू खड्या सै, वा पवित्र धरती सै।
34 Nakita kong tiyak ang pagdurusa ng aking mga tao na nasa Egipto; Aking narinig ang kanilang pagdaing, at bumaba ako upang sila ay iligtas, at ngayon halika, isusugo kita sa Egipto.'
मन्नै साच्ये अपणे आदमियाँ की जो मिस्र देश म्ह सै, भुन्ड़ी हालत देक्खी सै, अर उनकी आह अर उनका रोणा सुण्या सै, ज्यांतै उन ताहीं छुड़ाण कै खात्तर उतरया सूं। इब आ, मै तन्नै मिस्र देश भेज्जूँगा।’”
35 Itong Moises na kanilang tinanggihan, nang kanilang sinabi, 'Sino ang naglagay sa iyo na tagapamuno at tagahatol?'—siya ang sinugo sa atin ng Diyos upang maging tagapamuno at tagapagligtas. Sinugo siya ng Diyos sa pamamagitan ng kamay ng anghel na nagpakita kay Moises sa mababang puno.
“जिस मूसा नबी ताहीं उननै न्यू कहकै नकारा दिया था, ‘तेरे ताहीं किसनै म्हारै पै हाकिम अर न्यायाधीश ठहराया सै?’ उस्से ताहीं परमेसवर नै हाकिम अर छुड़ाण आळा ठहराकै उस सुर्गदूत के जरिये जिसनै उस ताहीं झाड़ी म्ह दर्शन दिया था, भेज्या।
36 Ginabayan sila ni Moises palabas ng Egipto, pagkatapos gumawa ng mga himala at tanda sa Egipto at sa dagat na pula at sa ilang sa loob ng apatnapung taon.
योए माणस मिस्र देश अर लाल समुन्दर अर जंगळ म्ह चाळीस साल ताहीं अनोक्खे काम अर चमत्कार दिखा-दिखाकै उन ताहीं लिकाड़ ल्याया।”
37 Ito rin ang Moises na nagsabi sa mga tao ng Israel, 'Maghihirang ang Diyos ng isang propeta para sa inyo mula sa inyong mga kapatid, isang propeta na katulad ko.'
यो वोए मूसा नबी सै, जिसनै इस्राएल के माणसां तै कह्या, “परमेसवर थारे भाईयाँ म्ह तै थारे खात्तर मेरै जिसा एक नबी ठावैगा।
38 Ito ang lalaki na nasa kapulungan sa ilang kasama ang anghel na nangusap sa kaniya sa Bundok Sinai. Ito ang lalaking nakasama ng ating mga ninuno; ito ang lalaki na siyang tumanggap ng mga buhay na salita upang ibigay sa atin.
यो वोए सै, जिसनै जंगळ म्ह इस्राएली मण्डळी कै बिचाळै उस सुर्गदूत के साथ सीनै पहाड़ पै उसतै बात करी, अर म्हारे पूर्वजां कै गेल्या था, उस्से ताहीं जिन्दा वचन मिल्या ताके म्हारै तक पोहोचावै।”
39 Ito ang lalaking tinanggihang sundin ng ating mga ninuno; siya ay itinulak nila palayo mula sa kanilang sarili, at sa kanilang mga puso sila ay bumalik sa Egipto.
पर म्हारे पूर्वजां नै उसकी मानणी कोनी चाह्यी, बल्के उस ताहीं हटाकै अपणे मन मिस्र देश की ओड़ पलटे,
40 Sa mga panahong iyon sinabi nila kay Aaron, 'Igawa mo kami ng mga diyos na mangunguna sa amin. Sapagkat itong Moises na nanguna sa amin palabas ng Egipto ay hindi na namin alam kung ano ang nangyari sa kaniya.'
अर मूसा नबी कै भाई हारुन तै, कह्या, म्हारै खात्तर इसा देवता बणा, जो म्हारै आग्गै-आग्गै चाल्लै, क्यूँके यो मूसा नबी जो हमनै मिस्र देश तै लिकाड़ ल्याया, हमनै न्ही बेरा के उसकै के होया?
41 Kaya nang mga araw na iyon sila ay gumawa ng guya at nagdala sila ng mga handog sa mga diyus-diyosan, at nagalak dahil sa ginawa ng kanilang mga kamay.
उन दिनां म्ह उननै एक बाछड़े की मूर्ति बणाकै उसकै आग्गै बलि चढ़ाई, अर अपणे हाथ्थां तै बणाई होई मूर्ति तै मग्न होण लाग्गे।
42 Ngunit ang Diyos ay tumalikod at isinuko sila upang sumamba sa mga bituin sa langit, gaya ng nasusulat sa aklat ng mga propeta, 'Nag-alay ba kayo sa akin ng patay na hayop at ng mga handog sa ilang sa loob ng apatnapung taon, sambahayan ng Israel?
इस खात्तर परमेसवर नै मुँह मोड़कै उन ताहीं छोड़ दिया, के अकास के सूरज चाँद सितारां ताहीं परमेसवर मानकै पुजै, जिसा नबियाँ की किताब म्ह लिख्या सै, “हे इस्राएल के घराने, के थम जंगळ म्ह चाळीस साल ताहीं पशुबलि अर अन्नबलि मेरै ताहीं ए चढ़ान्दे रहे?”
43 Tinanggap ninyo ang tabernakulo ni Molec at ang bituin ng diyos na si Rephan, at ang mga imahe na inyong ginawa upang sila ay sambahin. At dadalhin ko kayo palayo sa Babilonia.'
“थम उस तम्बू ताहीं जिस म्ह मोलेक देवता की मूर्ति अर अपणे रिफान देवता, के तारे नै लिये फिरे, यानिके उन मूरतां ताहीं जिन ताहीं थमनै आराधना करण कै खात्तर बणाया था। इस करकै मै थारे ताहीं बेबीलोन देश तै परली ओड़ ले जाकै बसाऊँगा।”
44 Ang ating mga ninuno ay mayroong tabernakulo ng patotoo sa ilang, tulad ng iniutos ng Diyos noong siya ay nagsalita kay Moises, na kailangan niyang gawin ito na kagaya ng anyo na nakita niya.
“मिलापआळे तम्बू की जंगल-बियाबान म्ह म्हारै पूर्वजां कै बिचाळै था, जिसा उसनै ठहराया जिसनै मूसा नबी तै कह्या, ‘जो रूप तन्नै देख्या सै, उसकै मुताबिक इसनै बणा।’
45 Ito ay ang tolda ng ating mga ninuno, nang sila ay tumalikod ay dinala sa lupain kasama ni Josue. Ito ay nangyari nang sila ay pumasok sa mga pag-aari ng mga bansang itinaboy ng Diyos sa harapan ng ating mga ninuno. Ito ay katulad nito hanggang sa mga araw ni David,
उस्से तम्बू नै म्हारे पूर्वज पाच्छले बखत तै पाकै यहोशू कै गेल्या उरै लियाये, जिस बखत के उननै उन दुसरी जात्तां पै हक पाया, जिन ताहीं परमेसवर नै म्हारै पूर्वजां कै स्याम्ही तै लिकाड़ दिया, अर वो तम्बू राजा दाऊद के बखत ताहीं रहया।
46 na nakatanggap ng biyaya sa paningin ng Diyos; hiniling niyang makahanap ng lugar na pananahanan para sa Diyos ni Jacob.
दाऊद पै परमेसवर नै अनुग्रह करया, राजा दाऊद नै याकूब के परमेसवर कै खात्तर रहण की जगहां बणाण की बिनती करी।
47 Ngunit nagtayo si Solomon ng bahay ng Diyos,
पर उसके बेट्टे राजा सुलैमान नै उसकै खात्तर घर बणाया।”
48 Gayunpaman, ang Kataas-taasan ay hindi naninirahan sa mga bahay na gawa ng mga kamay; kagaya ito ng sinasabi ng propeta,
पर परमप्रधान हाथ के बणाए होए घरां म्ह कोनी रहन्दा, जिसा के यशायाह नबी की किताब म्ह कह्या,
49 'Ang langit ang aking trono at ang lupa ang tungtungan para sa aking mga paa. Anong uri ng bahay ang maaari ninyong itayo sa akin? Sabi ng Panginoon: o saan ang lugar para sa aking kapahingahan?
“परमेसवर कहवै सै, सुर्ग मेरा सिंहासन अर धरती मेरी पायां तळै की पीढ़ी सै, मेरै खात्तर थम किस ढाळ का घर बणाओगे? अर मेरै आराम कि कौण-सी जगहां होवैगी?”
50 Hindi ba't ang aking kamay ang gumawa ng lahat ng mga bagay na ito?'
के ये सारी चीज मेरे जरिये न्ही बणाई गई सै?
51 Kayong mga tao, na mapagmatigas at hindi tuli sa puso at mga tainga, lagi ninyong nilalabanan ang banal na Espiritu; ginawa ninyo ang kagaya ng ginawa ng inyong mga ninuno.
“हे जिद्दी, अर मन अर कान के खतनारहित आदमियो, थम सारी हाण पवित्र आत्मा का बिरोध करो सो। जिसा थारे पूर्वज करै थे, उस्से तरियां ए थम भी करो सो।
52 Sino sa mga propeta ang hindi inusig ng inyong mga ninuno? Pinatay nila ang mga naunang propeta na nagpahayag sa pagdating ng Matuwid; at kayo rin ngayon ang mga nagkanulo at mga pumatay sa kaniya,
के कोए इसा भी नबी था, जिस ताहीं थारे पूर्वजां नै न्ही सताया हो? उननै तो उस ताहीं भी मार दिया, जिननै भोत पैहले ए तै उस मसीहा के आण की मुनाद्दी कर दी थी, जिस ताहीं इब थमनै धोक्खे तै पकड़वा दिया अर मार दिया।
53 kayong mga tao na tumanggap ng kautusan na itinatag ng mga anghel, ngunit hindi ninyo ito iningatan.”
थमनै सुर्गदूत्तां कै जरिये ठहराये होए नियम-कायदे तो पाए, पर उसका पालन कोनी करया।”
54 Ngayon, nang marinig ng mga kasapi ng konseho ang mga bagay na ito, nasugatan sila sa kanilang mga puso, at ang kanilang mga ngipin ay nagngalit kay Esteban.
ये बात सुणकै यहूदी अगुवें छो म्ह भरगे अर स्तिफनुस पै दाँत पिस्सण लाग्गे।
55 Ngunit siya na puspos ng Banal na Espiritu ay kusang tumingala sa langit at kaniyang nakita ang kaluwalhatian ng Diyos; at nakita niya si Jesus na nakatayo sa kanang kamay ng Diyos.
पर उसनै पवित्र आत्मा तै पूरी तरियां भरकै सुर्ग की ओड़ देख्या अर परमेसवर की महिमा अर यीशु ताहीं परमेसवर के सोळी ओड़ खड्या देखकै
56 Sinabi ni Esteban, “Tingnan ninyo, nakita ko na binuksan ang kalangitan, at ang Anak ng Tao ay nakatayo sa kanang kamay ng Diyos.”
कह्या, “देक्खो, मै सुर्ग नै खुल्या होया, अर माणस के बेट्टे ताहीं परमेसवर कै सोळी ओड़ खड्या देखु सूं।”
57 Ngunit ang mga kasapi ng konseho ay sumigaw ng may malakas na boses, at tinakpan ang kanilang mga tainga, at sinunggaban siya,
फेर ये बात सुणते ए सुणण आळा नै चीखते होए अपणे कान्ना पै हाथ रख लिये, अर वे छो म्ह एक साथ उसपै टूट पड़े,
58 itinapon siya nila sa labas ng lungsod at siya ay binato: at inilatag ng mga saksi ang kanilang balabal sa paanan ng binatang ang pangalan ay Saulo.
अर स्तिफनुस ताहीं यरुशलेम नगर कै बाहरणै लिकाड़कै उसपै पत्थर बरसाण लाग्गे। गवाहां नै अपणे लत्ते शाऊल नामक एक जवान कै पायां कै धोरै उतारकै धर दिए।
59 Habang binabato nila si Esteban, patuloy siyang tumatawag sa Panginoon at sinasabing, ''Panginoong Jesus, tanggapin mo ang aking espiritu.''
वे स्तिफनुस पै पत्थर बरसान्दे रहे, अर वो न्यू कहकै प्रार्थना करदा रह्या, “हे प्रभु यीशु, मेरी आत्मा ताहीं अपणाले।”
60 Lumuhod siya at tumawag ng may malakas na boses, ''Panginoon, huwag mong ipataw ang kasalanang ito laban sa kanila.” Nang matapos niyang sabihin ito, siya ay nakatulog.
फेर गोड्डे टेककै ठाड्डू आवाज म्ह रुक्का मारया, “हे प्रभु, यो पाप उनपै मतना ला।” अर न्यू कह कै उसनै अपणे प्राण दे दिए।