< 2 Mga Hari 19 >
1 Nangyari nga nang malaman ni Haring Hezekias ang ulat, pinunit niya ang kaniyang damit, binalutan ang kaniyang sarili ng magaspang na tela, at nagpunta sa tahanan ni Yahweh.
希則克雅王一聽這話,就撕破了自己的衣服,穿上苦衣,走進了上主的殿;
2 Pinadala niya si Eliakim, na tagapamahala ng sambahayan, at Sebna ang eskriba, at ang mga nakatatanda sa mga pari, na binabalutan ng magaspang na tela, kay Isaias ang anak ni Amoz, ang propeta.
然後打發厄里雅金家宰,舍布納書記和幾位老司祭,穿著苦衣,去見阿摩茲的兒子依撒意亞先知,
3 Sinabi nila sa kaniya, “Sinasabi ni Hezekias, 'Ang araw na ito ay araw ng kabalisaan, pagsaway, at kahihiyan, dahil dumating na ang panahon ng pagpapanganak sa mga sanggol, pero walang lakas para isilang sila.
對他說:「希則克雅這樣說:今天是受苦難,受責罰,受侮辱的日子。因為嬰兒到了要出生的時候,卻沒有產生的力量。
4 Maaaring pakikinggan ni Yahweh ang inyong Diyos ang lahat ng mga sinabi ng punong tagapag-utos, na pinadala ng hari ng Asiria na kaniyang panginoon para labanan ang buhay na Diyos, at sasawayin ang mga salitang narinig ni Yahweh na inyong Diyos. Ngayon ay itaas ninyo ang inyong mga panalangin para sa mga nalalabing naririto pa.”
但願上主你的天主聽到那大將軍的一切話,就是他的主上亞述王打發他來,辱罵永生的天主所說的話! 願上主你的天主聽了那些話而加以懲罰! 所以請你為剩下的遺民舉行祈禱罷! 」
5 Kaya pumunta ang mga lingkod ni Haring Hezekias kay Isaias,
希則克雅王的臣僕來到了依撒意亞前,
6 at sinabi sa kanila ni Isaias, “Sabihin ninyo sa inyong panginoon: 'Sinasabi ni Yahweh, “Huwag kang matakot sa mga salitang narinig mo, kung saan kinutya ako ng mga lingkod ng hari ng Asiria.
依撒意亞就對他們說:「你們要這樣對你們的主上說:上主這樣說:你聽到亞述王的僕人們辱罵我的話,不要害怕!
7 Tingnan mo, maglalagay ako sa kaniya ng espiritu, at makaririnig siya ng isang ulat at babalik siya sa sarili niyang lupain. Dudulutin ko siyang malaglag sa espada sa sarili niyang lupain.”
我必叫他感到一種怕情,使他一聽到某種消息,就返回本國;我要使他在本國內喪身刀下。」
8 Pagkatapos bumalik ang punong tagapag-utos at natagpuan ang hari ng Asiria na nakikipagdigmaan laban sa Libna, dahil narinig niyang umalis ang hari mula sa Lacis.
大將軍回去時,正遇見亞述王去攻打里貝納。原來他已聽說君王離開了拉基士。
9 Pagkatapos narinig ni Senaquerib na kumilos si Tirhaka ang hari ng Etiopia at ang Ehipto para kalabanin siya, kaya muli siyang nagpadala ng mensahero kay Hezekias na may mensaheng:
那時,散乃黑黎布聽人說:雇士王提爾哈卡出來攻打他,就再派使者去見希則克雅,並吩咐說:「
10 “Sabihin mo kay Hezekias hari ng Juda, 'Huwag mong hayaang linlangin ka ng Diyos na siyang pinagkakatiwalaan mo, na sinasabing, “Hindi mapapasakamay ng hari ng Asiria ang Jerusalem.
你們要這樣對猶大王希則克雅說:不要讓你所依靠的天主哄騙了你說:耶路撒冷決不會落在亞述王手中!
11 Tingnan mo, narinig mo ang ginawa ng mga hari ng Asiria sa lahat ng mga lupain sa pamamagitan ng ganap na pagwawasak sa kanila. Kaya masasagip ka ba?
你必聽說過亞述的列王對各國所行的事,將各國完全消滅了。你還能有救嗎﹖
12 Niligtas ba sila ng mga diyos ng mga bansa, ang mga bansang winasak ng aking mga ama: Gozan, Haran, Rezef, at ang mga mamamayan ng Eden sa Telasar?
我的祖先所消滅的各民族,如哥倉、哈郎、勒責夫、以及在特拉撒爾的厄登子民,他們的神又何曾救了他們﹖
13 Nasaan ang mga hari ng Hamat, ang hari ng Arpad, ang hari ng mga lungsod ng Sefarvaim, ng Hena, at Iva?”
哈瑪特王,阿帕得王,色法瓦因城的王,赫納王和依瓦王,他們現今都在那裡﹖」
14 Natanggap ni Hezekias ang liham na ito mula sa mga mensahero at binasa ito. Umakyat siya sa tahanan ni Yahweh at nilatag ito sa kaniyang harapan.
希則克雅從使者中接過信來,念了以後,就走進上主的殿,將那信在上主面前展開,
15 Pagkatapos nanalangin si Hezekias sa harapan ni Yahweh at sinabing, “Yahweh ng mga hukbo, Diyos ng Israel, ikaw na nakaluklok sa ibabaw ng kerubim, ikaw lang ang Diyos sa lahat ng mga kaharian sa buong mundo. Nilikha mo ang langit at ang lupa.
然後,希則克雅懇求上主說:「上主,坐在革魯賓上面的以色列的天主! 惟獨你是地上萬國的天主,你創造了天地。
16 Ibaling mo ang iyong tainga, Yahweh, at makinig. Buksan mo ang iyong mga mata, Yahweh, at tingnan, at pakinggan ang mga salita ni Senaquerib, na kaniyang pinadala para kutyain ang buhay na Diyos.
上主,請你側耳傾聽! 上主,求你睜眼垂視,細聽那打發使者辱罵永生天主的散乃黑黎布的話。
17 Tunay nga, Yahweh, winasak ng mga hari ng Asiria ang mga bansa at ang kanilang mga lupain.
上主,的確,亞述王曾毀滅了所有的民族和他們的國家,
18 Nilagay nila ang kanilang mga diyos sa apoy, dahil hindi sila mga diyos pero gawa ng mga kamay ng mga tao, kahoy lamang at bato. Kaya winasak sila ng mga taga-Asiria.
將他們的神像投入火中,因為它們不是神,只是人手造成的木石的作品,所以能被消滅。
19 Kaya ngayon, Yahweh aming Diyos, iligtas mo kami, nagmamakaawa ako, mula sa kaniyang kapangyarihan, para malaman ng lahat ng mga kaharian sa mundo na ikaw, Yahweh, ang nag-iisang Diyos.”
但是現今,上主我們的天主,求你拯救我們脫離他的手,使地上萬國都知道:惟獨你是上主,天主! 」
20 Pagkatapos nagpadala si Isaias na anak ni Amoz ng mensahe kay Hezekias, sinasabing, “Sinasabi ni Yahweh ang Diyos ng Israel, 'Dahil nanalangin ka sa akin tungkol kay Senaquerib ang hari ng Asiria, narinig kita.
那時,阿摩茲的兒子依撒意亞打發人去見希則克雅說:「上主以色列的天主這樣說:你既然論亞述王散乃黑黎布向我懇求,我已經俯聽了你。
21 Ito ang mensahe na sinabi ni Yahweh tungkol sa kaniya: “Kinamumuhian ka ng birheng anak na babae ng Sion at pinagtatawanan ka para hamakin ka. Iniiling ng anak na babae ng Jerusalem ang kaniyang ulo sa iyo.
這就是上主論他所說的話:熙雍的貞女輕視你,嘲笑你;耶路撒冷的女子在你背後搖頭。
22 Sino ang iyong sinuway at kinutya? At sino ang iyong pinagtaasan ng boses at itinaas ang iyong mata nang may pagmamataas? Laban sa Banal ng Israel!
你所辱罵,所詛咒的是誰﹖你提高聲音,仰起眼睛攻擊的是誰﹖是攻擊以色列的聖者。
23 Nilabanan mo ang Panginoon sa pamamagitan ng iyong mga mensahero, at sinabing, “Kasama ng daan-daang kong mga karwahe ay umakyat ako sa kataasan ng mga kabundukan, sa pinakamataas na tuktok ng Lebanon. Puputulin ko ang matatayog na sedar at mainam na mga puno ng igos doon. At papasukin ko ang pinaka malalayong bahagi nito, ang pinaka masagana nitong gubat.
你藉你的使者辱罵了吾主,你說:我用我大批的車輛,登上了叢山的極峰,到黎巴嫩的絕頂,砍伐了其中最高的香柏,最好的青松;衝入了它的最深處,走進了果木的林園。
24 Humukay ako ng mga balon at uminom ng mga tubig mula sa mga ibang bansa. Tinuyot ko ang lahat ng mga ilog ng Ehipto sa ilalim ng aking talampakan.'
我掘了井喝了外邦的水,用我的腳掌踏乾了埃及所有的河川。
25 Hindi mo pa ba naririnig kung paano ko ito itinakda noon pa man, at ginawa ito noong sinaunang panahon? Ngayon ay tinutupad ko na ito. Narito ka para tibagin ang matitibay na lungsod at maging tumpok ng mga durog na bato.
難道你沒有聽說嗎﹖很久以前我所計劃的,昔日我所決定的,現在我就在實現,叫你毀壞堅城,化為廢墟,
26 Ang kanilang mga mamamayan, na kaunti ang lakas, ay nawasak at napahiya. Sila ay mga halaman sa bukirin, luntiang mga damo, ang damo sa bubungan o sa bukirin, na sinunog bago pa man ito lumaki.
使城中的居民軟弱無力,驚慌失措,有如田野的青草,有如青綠的嫩苗,有如屋頂被東風吹焦的小草。
27 Pero alam ko ang iyong pag-upo, paglabas, pagdating, at ang iyong matinding galit laban sa akin.
但是,你或起或坐,或出或入,我都知道,
28 Dahil sa matinding galit mo sa akin, at dahil umabot sa aking pandinig ang iyong kayabangan, ilalagay ko ang aking kawit sa iyong ilong, at ang aking lubid sa iyong bibig; ibabalik kita sa paraan kung paano ka dumating.”
因為你對我的暴怒,和你的狂囂已達到我的耳鼓,所以我要把環子穿在你的鼻子上,把轡頭套在你的嘴上,從你來的路上將你牽回去。
29 Ito ang magiging tanda para sa iyo: Sa taon na ito ay kakainin mo ang mga ligaw na halaman, at sa pangalawang taon ang tutubo mula roon. Pero sa pangatlong taon ay dapat kang magtanim at umani, magtanim ng ubasan at kainin ang kanilang bunga.
這是給你的記號:今年你們要吃自然所生的,明年仍要吃自然所生的,第三年你們就要播種收割,栽種葡萄園,吃園中的果實。
30 Ang mga natira sa angkan ni Juda na mabubuhay ay muling uugat at mamumunga.
猶大家的遺民,仍要向下生根,往上結實,
31 Dahil mula sa Jerusalem ay may lalabas na nalabi, mula sa Bundok Sion ay darating ang mga naligtas. Gagawin ito ng kasigasigan ni Yahweh ng mga hukbo.
因為剩餘的人將由耶路撒冷而出,逃脫的人將由熙雍山而來:萬軍上主的熱誠必要成就這事。
32 Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh tungkol sa hari ng Asiria: “Hindi siya papasok sa lungsod na ito ni papana ng palaso rito. Hindi siya makakalapit dito ng may kalasag ni magtatayo ng tungtungang panglusob dito.
為此,上主問亞述王這樣說:他決不會進入這城,決不會向這城放射一箭,決不會持盾臨於城下,也決不會起造土堆攻城。
33 Ang daan na kaniyang tinahak para makarating ang magiging parehong daanan sa kaniyang pag-alis; hindi siya papasok sa lungsod na ito. Ito ang kapahayagan ni Yahweh.”
他必要由來路回去,決不能進入這城:上主的斷語。
34 Dahil ipagtatanggol ko ang lungsod na ito at sasagipin ito, para sa sarili kong kapakanan at para sa kapakanan ng lingkod kong si David.”
為了我自己,為了我的僕人達味,我必要保護拯救這城。」
35 Nang gabing iyon lumabas ang anghel ng Diyos at nilusob ang kampo ng mga taga-Asiria, pinatay ang 185, 000 na mga sundalo. Nang bumangon ang mga lalaki ng madaling araw, nagkalat ang mga bangkay sa paligid.
當天夜裡,上主的使者出來,在亞述營裡殺了十八萬五千人。清晨人們起來,看見遍地都是死屍。
36 Kaya umalis si Senaquerib na hari ng Asiria sa Israel at umuwi at nanatili sa Ninive.
亞述王散乃黑黎布於是拔營,起程回國,住在尼尼微。
37 Kinalaunan, habang sumasamba siya sa tahanan ni Nisroc ang kaniyang diyos, pinatay siya ng kaniyang mga anak na sina Adramelec at Sarezer gamit ang espada. Pagkatapos tumakas sila sa lupain ng Ararat. Pagkatapos ang kaniyang anak na si Esarhadon ang pumalit sa kaniya bilang hari.
一日,他在自己的神尼色洛客廟內叩拜的時候,他的兒子阿德辣默肋客和沙勒責爾用劍刺殺了他,然後逃往阿辣辣特地方去了;他的兒子厄撒哈冬繼位為王。