< Pahayag 20 >
1 At nakita ko ang isang anghel na nananaog mula sa langit, na may susi ng kalaliman at isang malaking tanikala sa kaniyang kamay. (Abyssos )
And Y say an aungel comynge doun fro heuene, hauynge the keie of depnesse, and a greet chayne in his hoond. (Abyssos )
2 At sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas, na siyang Diablo at Satanas, at ginapos na isang libong taon,
And he cauyte the dragoun, the elde serpent, that is the deuel and Sathanas; and he boonde hym bi a thousynde yeeris.
3 At siya'y ibinulid sa kalaliman at sinarhan, at tinatakan ito sa ibabaw niya, upang huwag ng magdaya sa mga bansa, hanggang sa maganap ang isang libong taon: pagkatapos nito ay kailangang siya'y pawalang kaunting panahon. (Abyssos )
And he sente hym `in to depnesse, and closide on hym, that he disseyue no more the folkis, til a thousynde yeeris be fillid. Aftir these thingis it bihoueth hym to be vnboundun a litil tyme. (Abyssos )
4 At nakakita ako ng mga luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, sila'y pinagkalooban ng paghatol: at nakita ko ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at sila'y nangabuhay, at nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon.
And Y say seetis, and thei saten on hem, and doom was youun to hem. And the soulis of men biheedid for the witnessyng of Jhesu, and for the word of God, and hem that worschipiden not the beeste, nether the ymage of it, nethir token the carect of it in her forheedis, nethir in her hoondis. And thei lyueden, and regneden with Crist a thousynde yeeris.
5 Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon. Ito ang unang pagkabuhay na maguli.
Othere of deed men lyueden not, til a thousynde yeeris ben endid. This is the first ayen risynge.
6 Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.
Blessid and hooli is he, that hath part in the firste ayenrysyng. In these men the secunde deth hath not power; but thei schulen be prestis of God, and of Crist, and thei schulen regne with hym a thousynde yeeris.
7 At kung maganap na ang isang libong taon, si Satanas ay kakalagan sa kaniyang bilangguan,
And whanne a thousynde yeeris schulen be endid, Sathanas schal be vnboundun of his prisoun;
8 At lalabas upang dumaya sa mga bansa na nasa apat na sulok ng lupa, sa Gog at sa Magog, upang tipunin sila sa pagbabaka: na ang bilang nila ay gaya ng buhangin sa dagat.
and he schal go out, and schal disseyue folkis, that ben on foure corners of the erthe, Gog and Magog. And he schal gadere hem in to batel, whos noumbre is as the grauel of the see.
9 At nangagsipanhik sila sa kalaparan ng lupa, at kinubkob ang kampamento ng mga banal, at ang bayang iniibig: at bumaba ang apoy mula sa langit, at sila'y nasupok.
And thei stieden vp on the broodnesse of erthe, and enuyrounede the castels of seyntis, and the louyd citee. And fier cam doun `of God fro heuene, and deuourede hem.
10 At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila'y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man. (aiōn , Limnē Pyr )
And the deuel, that disseyuede hem, was sent in to the pool of fier and of brymston, where bothe the beeste and fals prophetis schulen be turmentid dai and niyt, in to worldis of worldis. Amen. (aiōn , Limnē Pyr )
11 At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalagyan nila.
And Y say a greet white trone, and oon sittynge on it, fro whos siyt erthe fled and heuene; and the place is not foundun `of hem.
12 At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa.
And Y sai deed men, grete and smale, stondynge in the siyt of the trone; and bookis weren opened, and deed men weren demed of these thingis that weren writun in the bookis, aftir the werkis of hem.
13 At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila'y hinatulan bawa't tao ayon sa kanikaniyang mga gawa. (Hadēs )
And the see yaf his deed men, that weren in it; and deth and helle yauen her deed men, that weren in hem. And it was demed of ech, aftir the werkis of hem. (Hadēs )
14 At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy. (Hadēs , Limnē Pyr )
And helle and deth weren sent in to a poole of fier. `This is the secunde deth. (Hadēs , Limnē Pyr )
15 At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. (Limnē Pyr )
And he that was not foundun writun in the book of lijf, was sent in to the pool of fier. (Limnē Pyr )