< Mga Awit 55 >

1 Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios; at huwag kang magkubli sa aking pananaing.
Pakinggan mo aking panalangin, O Diyos; at huwag mong itago ang iyong sarili sa aking pagsamo.
2 Pakinggan mo ako, at iyong sagutin ako: ako'y walang katiwasayan sa aking pagdaramdam, at ako'y dumadaing;
Pakinggan mo ako at ako ay iyong sagutin; wala akong kapahingahan sa aking mga kaguluhan.
3 Dahil sa tinig ng kaaway, dahil sa pagpighati ng masama; sapagka't sila'y naghagis ng kasamaan sa akin, at sa galit ay inuusig nila ako.
dahil sa tinig ng aking mga kaaway, dahil sa pang-aapi ng masasama; dahil nagdala (sila) ng kaguluhan sa akin at galit akong inuusig.
4 Ang aking puso ay nagdaramdam na mainam sa loob ko: at ang mga kakilabutan ng kamatayan ay nahulog sa akin.
Lubhang nasaktan ang aking puso, at binagsakan ako ng malaking takot sa kamatayan.
5 Katakutan at panginginig ay dumating sa akin, at tinakpan ako ng kakilabutan.
Dumating sa akin ang pagkatakot at panginginig, at kilabot ang nanaig sakin.
6 At aking sinabi, Oh kung ako'y nagkaroon ng mga pakpak na gaya ng kalapati! Lilipad nga ako, at magpapahinga.
Aking sinabi, “O, kung mayroon lamang akong mga pakpak tulad ng kalapati! Kung magkagayon lilipad akong palayo at magpapahinga.
7 Narito, kung magkagayo'y gagala ako sa malayo, ako'y titigil sa ilang. (Selah)
Tingnan, ako ay gagala sa malayo; doon ako mananahan sa ilang. (Selah)
8 Ako'y magmamadaling sisilong mula sa malakas na hangin at bagyo.
Magmamadali ako para sumilong mula sa malakas na hangin at unos''.
9 Ipahamak mo, Oh Panginoon, at guluhin mo ang kanilang wika: sapagka't ako'y nakakita ng pangdadahas at pagaaway sa bayan.
Wasakin mo (sila) Panginoon, at guluhin ang kanilang mga wika, dahil nakita ko ang karahasan at kaguluhan sa lungsod.
10 Araw at gabi ay nagsisiligid (sila) sa mga kuta niyaon: kasamaan man at kahirapan ay nangasa gitna rin niyaon.
Lumiligid (sila) araw at gabi sa ibabaw ng kanyang pader, kasalanan at kalokohan ay nasa kalagitnaan niya.
11 Kasamaan ay nasa gitna niyaon; ang pagpighati at pagdaraya ay hindi humihiwalay sa kaniyang mga lansangan.
Kasamaan ang nasa gitna nito; ang pang-aapi at pandaraya sa mga lansangan nito ay hindi umaalis.
12 Sapagka't hindi kaaway ang dumuwahagi sa akin; akin nga sanang nabata: ni hindi rin ang nagtatanim sa akin ang nagmamalaki laban sa akin; nagtago nga sana ako sa kaniya:
Dahil hindi isang kaaway ang sumasaway sa akin. kaya maaari ko itong tiisin; ni hindi siya ang napopoot sa akin na itinaas ang kaniyang sarili laban sa akin, dahil kung hindi itinago ko sana ang aking sarili sa kanya.
13 Kundi ikaw, lalake na kagaya ko, aking kasama at aking kaibigang matalik.
Pero ikaw iyon, isang lalaking kapantay ko, aking kasama at aking malapit na kaibigan.
14 Tayo ay maligayang nagpapayuhang magkasama, tayo'y lumalakad na magkaakbay sa bahay ng Dios.
Mayroon tayong matamis na pagsasamahan; naglakad tayo kasama ang maraming tao sa tahanan ng Diyos.
15 Dumating nawang bigla sa kanila ang kamatayan, mababa nawa silang buhay sa Sheol: sapagka't kasamaan ay nasa kanilang tahanan, sa gitna nila. (Sheol h7585)
Hayaang mong biglang dumating ang kamatayan sa kanila; hayaang mo silang bumaba ng buhay sa Sheol, dahil sa kalagitnaan nila, sa kasamaan (sila) namumuhay. (Sheol h7585)
16 Tungkol sa akin, ay tatawag ako sa Dios; at ililigtas ako ng Panginoon.
Para sa akin, tatawag ako sa Diyos, at ililigtas ako ni Yahweh.
17 Sa hapon at sa umaga, at sa katanghaliang tapat, ako'y dadaing at hihibik: at kaniyang didinggin ang aking tinig.
Magsusumbong ako at dadaing sa gabi, sa umaga at sa tanghaling tapat; maririnig niya ang aking tinig.
18 Kaniyang tinubos ang aking kaluluwa sa kapayapaan mula sa pagbabaka laban sa akin: Sapagka't sila'y marami na nakikipaglaban sa akin.
Ligtas niyang sasagipin ang aking buhay mula sa digmaang laban sa akin, dahil marami silang mga lumaban sa akin.
19 Didinggin ng Dios, at paghihigantihan (sila) siyang tumatahan ng una. (Selah)
Ang Diyos, ang nananatili mula noon pang unang panahon, ay makikinig at tumutugon sa kanila. (Selah) Ang mga taong iyon ay hindi nagbago; (sila) ay hindi natatakot sa Diyos.
20 Kaniyang iniunat ang kaniyang mga kamay laban sa gayon na nasa kapayapaan sa kaniya: kaniyang nilapastangan ang kaniyang tipan.
Itinataas ng aking kaibigan ang kaniyang mga kamay laban sa kaniyang mga kasundo; hindi na niya iginalang ang tipan na mayroon siya.
21 Ang kaniyang bibig ay malambot na parang mantekilya: nguni't ang kaniyang puso ay pakikidigma: ang kaniyang mga salita ay lalong mabanayad kay sa langis, gayon ma'y mga bunot na tabak.
Ang kaniyang bibig ay kasindulas ng mantikilya, pero ang kaniyang puso ay naghamon; mas malambot pa kaysa sa langis ang kaniyang mga salita, pero ang totoo (sila) ay mga binunot na espada.
22 Ilagay mo ang iyong pasan sa Panginoon, at kaniyang aalalayan ka: hindi niya titiising makilos kailan man ang matuwid.
Ilagay mo ang iyong pasanin kay Yahweh, at ikaw ay kaniyang aalalayan; hindi niya papayagang sumuray- suray sa paglalakad ang taong matuwid.
23 Nguni't ikaw, Oh Dios, ibababa mo (sila) sa hukay ng kapahamakan: mga mabagsik at magdarayang tao ay hindi darating sa kalahati ng kanilang mga kaarawan; nguni't titiwala ako sa iyo.
Pero ikaw, O Diyos, ay dadalhin sa hukay ng pagkawasak ang masama; ang mga uhaw sa dugo at mandaraya ay hindi mabubuhay kahit kalahati ng buhay ng iba, pero ako ay sa iyo magtitiwala.

< Mga Awit 55 >