< Mga Kawikaan 4 >
1 Dinggin ninyo, mga anak ko, ang turo ng ama, at makinig kayo upang matuto ng kaunawaan:
Tande, O fis yo, enstriksyon a yon papa, e fè atansyon pou ou kab reyisi jwenn bon konprann,
2 Sapagka't bibigyan ko kayo ng mabuting aral; huwag ninyong bayaan ang aking kautusan.
Paske mwen bay ou bon konsèy; pa abandone enstriksyon mwen.
3 Sapagka't ako'y anak sa aking ama, malumanay at bugtong sa paningin ng aking ina.
Lè m te yon jenn timoun ak papa m, byen jenn e sèl fis devan zye a manman m,
4 At tinuruan niya ako, at nagsabi sa akin: Pigilan ng iyong puso ang aking mga salita; ingatan mo ang aking mga utos, at mabuhay ka:
Alò, li te enstwi mwen e te di mwen: “Kite kè ou kenbe fèm a pawòl mwen; kenbe lòd mwen yo pou ou viv.
5 Magtamo ka ng karunungan, magtamo ka ng kaunawaan; huwag mong kalimutan, ni humiwalay man sa mga salita ng aking bibig:
Vin ranmase sajès! Ranmase bon konprann! Pa bliye, ni pa vire kite pawòl a bouch mwen yo.
6 Huwag mo siyang pabayaan at iingatan ka niya; ibigin mo siya at iingatan ka niya.
Pa abandone li e li va pwoteje ou; renmen li e li va veye sou ou.
7 Karunungan ay pinaka pangulong bagay; kaya't kunin mo ang karunungan: Oo, sa lahat mong kukunin ay kunin mo ang unawa.
Men sa ki kòmansman sajès la: Ranmase sajès! Epi avèk sa ou rasanble a, chache bon konprann.
8 Iyong ibunyi siya, at kaniyang itataas ka: kaniyang dadalhin ka sa karangalan, pagka iyong niyakap siya.
Mete valè li wo e li va fè ou leve; li va bay ou onè si ou anbrase l.
9 Siya'y magbibigay sa iyong ulo ng pugong na biyaya: isang putong ng kagandahan ay kaniyang ibibigay sa iyo.
Li va poze sou tèt ou yon kouwòn lagras; li va prezante ou avèk yon kouwòn byen bèl.”
10 Dinggin mo, Oh anak ko, at iyong tanggapin ang aking mga sinasabi; at ang mga taon ng iyong buhay ay magiging marami.
Tande, fis mwen an, vin dakò ak pawòl mwen yo, e lane lavi ou yo va vin byen long.
11 Aking itinuro ka sa daan ng karunungan; aking pinatnubayan ka sa landas ng katuwiran.
Mwen te dirije ou nan chemen sajès la; mwen te kondwi ou nan pa ladwati yo.
12 Pagka ikaw ay yumayaon hindi magigipit ang iyong mga hakbang; at kung ikaw ay tumatakbo, hindi ka matitisod.
Lè ou mache, pa ou yo p ap jennen; epi si ou kouri, ou p ap glise tonbe.
13 Hawakan mong mahigpit ang turo; huwag mong bitawan: iyong ingatan; sapagka't siya'y iyong buhay.
Pran enstriksyon; pa lage menm. Pwoteje li paske li se lavi ou.
14 Huwag kang pumasok sa landas ng masama, at huwag kang lumakad ng lakad ng mga masasamang tao.
Pa antre nan chemen mechan yo, e pa avanse nan vwa malfektè yo.
15 Ilagan mo, huwag mong daanan; likuan mo, at magpatuloy ka.
Evite li, pa pase kote li; vire kite li e ale byen lwen.
16 Sapagka't hindi sila nangatutulog, malibang sila'y nakagawa ng kasamaan; at ang kanilang tulog ay napapawi, malibang sila'y makapagpabuwal.
Paske, yo p ap kab dòmi si yo pa fè mal; epi dòmi vin vòlè soti nan zye yo si yo pa fè lòt glise tonbe.
17 Sapagka't sila'y nagsisikain ng tinapay ng kasamaan, at nagsisiinom ng alak ng karahasan.
Paske yo manje pen a malveyan yo e bwè diven vyolans.
18 Nguni't ang landas ng matuwid ay parang maliyab na liwanag, na sumisilang ng higit at higit sa sakdal na araw.
Men pa a moun dwat yo se tankou limyè granmmaten ki briye pi fò e pi fò jiskaske li vin fè jou nèt.
19 Ang lakad ng masama ay parang kadiliman: Hindi nila nalalaman kung ano ang kanilang kinatitisuran.
Chemen mechan yo tankou tenèb; yo pa konnen sou kisa pou yo tonbe.
20 Anak ko, makinig ka sa aking mga salita; ikiling mo ang iyong pakinig sa aking mga sabi.
Fis mwen an, prete atansyon a pawòl mwen yo; panche zòrèy ou vè diskou mwen yo.
21 Huwag mangahiwalay sa iyong mga mata; Ingatan mo sa kaibuturan ng iyong puso.
Pa kite yo vin disparèt devan zye ou; kenbe yo nan fon kè ou.
22 Sapagka't buhay sa nangakakasumpong, at kagalingan sa buo nilang katawan.
Paske yo se lavi a sila ki jwenn yo, ak lasante a tout kò yo.
23 Ingatan mo ang iyong puso ng buong sikap; sapagka't dinadaluyan ng buhay,
Veye sou kè ou ak tout dilijans; paske de li, sous lavi yo koule.
24 Ihiwalay mo sa iyo ang masamang bibig, at ang mga suwail na labi ay ilayo mo sa iyo.
Mete lwen de ou yon bouch manti e mete tout pawòl foub byen lwen ou.
25 Tuminging matuwid ang iyong mga mata, at ang iyong mga talukap-mata ay tuminging matuwid sa harap mo.
Kite zye ou gade tou dwat devan e kite vizyon ou konsantre devan nèt.
26 Papanatagin mo ang landas ng iyong mga paa, at mangatatag ang lahat ng iyong lakad.
Veye wout pye ou konn pran e tout chemen ou yo va byen etabli.
27 Huwag kang lumiko sa kanan o sa kaliwa man: ihiwalay mo ang iyong paa sa kasamaan.
Pa vire ni adwat ni agoch; fè pye ou vire kite mal.