< Panaghoy 1 >
1 Ano't nakaupong magisa ang bayan na puno ng mga tao! Siya'y naging parang isang bao, na naging dakila sa gitna ng mga bansa! Siya na naging prinsesa sa gitna ng mga lalawigan, ay naging mamumuwis!
How the city sits solitary, that was full of people. She has become as a widow, who was great among the nations. She who was a princess among the provinces has become a forced laborer.
2 Siya'y umiiyak na lubha sa gabi, at ang mga luha niya ay dumadaloy sa kaniyang mga pisngi; sa lahat ng mangingibig sa kaniya ay walang umaliw sa kaniya: ginawan siya ng kataksilan ng lahat ng kaniyang mga kaibigan; sila'y naging kaniyang mga kaaway.
She weeps bitterly in the night, and her tears are on her cheeks; among all her lovers she has none to comfort her. All her friends have dealt treacherously with her; they have become her enemies.
3 Ang Juda ay pumasok sa pagkabihag dahil sa pagdadalamhati, at sa kabigatan ng paglilingkod; siya'y tumatahan sa gitna ng mga bansa, siya'y walang masumpungang kapahingahan; inabot siya ng lahat na manghahabol sa kaniya sa mga gipit.
Judah has gone into exile because of affliction and harsh servitude; she dwells among the nations, she finds no rest: all her persecutors overtook her in the midst of her distress.
4 Ang mga daan ng Sion ay nangagluluksa, sapagka't walang pumaparoon sa takdang kapulungan; lahat niyang pintuang-bayan ay giba, ang mga saserdote niya'y nangagbubuntong-hininga: ang mga dalaga niya ay nangagdadalamhati, at siya'y nasa kahapisan.
The roads to Zion mourn, because no one comes to the solemn assembly; all her gates are desolate, her priests groan: her virgins are afflicted, and she herself is in bitterness.
5 Ang kaniyang mga kalaban ay naging pangulo, ang kaniyang mga kaaway ay nagsiginhawa; sapagka't pinagdalamhati siya ng Panginoon dahil sa karamihan ng kaniyang mga pagsalangsang: ang kaniyang mga batang anak ay pumasok sa pagkabihag sa harap ng kalaban.
Her adversaries have become the head, her enemies prosper; for Jehovah has afflicted her for the multitude of her transgressions: her young children have gone into captivity before the adversary.
6 At nawala ang buong kamahalan ng anak na babae ng Sion: ang kaniyang mga prinsipe ay naging parang mga usa na hindi makasumpong ng pastulan, at nagsiyaong walang lakas sa harap ng manghahabol.
All majesty has departed from the daughter of Zion: her leaders have become like deer that find no pasture, they fled exhausted before the pursuer.
7 Naaalaala ng Jerusalem sa kaarawan ng kaniyang pagdadalamhati at ng kaniyang mga karalitaan ang lahat niyang naging maligayang bagay ng mga kaarawan nang una: nang mahulog ang kaniyang bayan sa kamay ng kalaban, at walang sumaklolo sa kaniya, nakita siya ng mga kalaban, tinuya nila ang kaniyang mga pagkasira.
Jerusalem remembers in the days of her affliction and wandering all her precious things that were from the days of old: when her people fell into the hand of the adversary, and no one helped her. The adversaries saw her, they mocked at her desolations.
8 Ang Jerusalem ay lubhang nagkasala; kaya't siya'y naging parang maruming bagay; lahat ng nangagparangal sa kaniya ay humahamak sa kaniya, sapagka't kanilang nakita ang kaniyang kahubaran: Oo, siya'y nagbubuntong-hininga, at tumatalikod.
Jerusalem has grievously sinned; therefore she has become as an unclean thing; all who honored her despise her, because they have seen her nakedness: yes, she groans, and turns away.
9 Ang kaniyang karumihan ay nasa kaniyang mga laylayan; hindi niya naalaala ang kaniyang huling wakas; kaya't siya'y nababa ng katakataka; siya'y walang mangaaliw; masdan mo, Oh Panginoon, ang aking pagdadalamhati; sapagka't ang kaaway ay nagmalaki.
Her filthiness was in her skirts; she did not remember her latter end; therefore her fall was astonishing; she has no comforter. "Look, Jehovah, on my affliction, for the enemy has magnified himself."
10 Iginawad ng kalaban ang kaniyang kamay sa lahat niyang maligayang bagay; sapagka't nakita niya na ang mga bansa ay pumasok sa kaniyang santuario, yaong mga inutusan mo na huwag magsipasok sa iyong kapisanan.
The adversary has spread out his hand on all her precious things: for she has seen that the nations have entered into her sanctuary, concerning whom you commanded that they should not enter into your assembly.
11 Buong bayan niya ay nagbubuntong-hininga, sila'y nagsisihanap ng tinapay; ibinigay nila ang kanilang mga maligayang bagay na kapalit ng pagkain upang paginhawahin ang kaluluwa. Iyong tingnan, Oh Panginoon, at masdan mo; sapagka't ako'y naging hamak.
All her people sigh, they seek bread; they have given their precious things for food to refresh the soul. "Look, Jehovah, and see, for I am despised."
12 Wala bagang anoman sa inyo, sa inyong lahat na nagsisipagdaan? Inyong masdan, at inyong tingnan kung may anomang kapanglawan na gaya ng aking kapanglawan, na nagawa sa akin, na idinalamhati sa akin ng Panginoon sa kaarawan ng kaniyang mabangis na galit.
Is it nothing to you, all you who pass by? Look, and see if there is any sorrow like my sorrow, which is brought on me, with which Jehovah has afflicted me in the day of his fierce anger.
13 Mula sa itaas ay nagsugo siya ng apoy sa aking mga buto, at mga pinananaigan; kaniyang ipinagladlad ng silo ang aking mga paa, kaniyang ibinalik ako: kaniyang ipinahamak ako at pinapanglupaypay buong araw.
From on high he has sent fire into my bones, and it overcame them. He has spread a net for my feet, he has turned me back. He has made me desolate and faint all the day.
14 Pamatok ng aking mga pagsalangsang ay hinigpit ng kaniyang kamay; mga nagkalakiplakip, nagsiabot sa aking leeg; kaniyang pinanglupaypay ang aking kalakasan: ibinigay ako ng Panginoon sa kanilang mga kamay, laban sa mga hindi ko matatayuan.
My transgressions are bound into a yoke; by his hand they are fastened together, they are set upon my neck; he has made my strength to fail. Jehovah has delivered me into their hands, against whom I am not able to stand.
15 Iniuwi ng Panginoon sa wala ang lahat na aking mga makapangyarihang lalake sa gitna ko; siya'y tumawag ng isang takdang kapulungan laban sa akin upang pagwaraywarayin ang aking mga binata: niyapakan ng Panginoon na parang pisaan ng ubas ang anak na dalaga ng Juda.
Jehovah has rejected all my mighty men in my midst; he has called a solemn assembly against me to crush my young men. Jehovah has trodden as in a winepress the virgin daughter of Judah.
16 Dahil sa mga bagay na ito ay umiiyak ako; ang mata ko, ang mata ko ay dinadaluyan ng luha; sapagka't ang mangaaliw na marapat magpaginhawa ng aking kaluluwa ay malayo sa akin: ang mga anak ko ay napahamak, sapagka't nanaig ang kaaway.
For these things I weep; my eyes flow with tears; because the comforter who should refresh my soul is far from me. My children are desolate, because the enemy has prevailed.
17 Iginawad ng Sion ang kaniyang mga kamay; walang umaliw sa kaniya; nagutos ang Panginoon tungkol sa Jacob, na silang nangasa palibot niya ay magiging kaniyang mga kalaban: ang Jerusalem ay parang maruming bagay sa gitna nila.
Zion spreads forth her hands; there is none to comfort her. Jehovah has commanded concerning Jacob, that those who are around him should be his adversaries. Jerusalem is among them as an unclean thing.
18 Ang Panginoon ay matuwid; sapagka't ako'y nanghimagsik laban sa kaniyang utos: inyong pakinggan, isinasamo ko sa inyo, ninyong lahat na bayan, at inyong masdan ang aking kapanglawan: ang aking mga dalaga at ang aking mga binata ay pumasok sa pagkabihag.
Jehovah is righteous, for I have rebelled against his commandment. Please listen all you people, and see my suffering. My virgins and my young men have gone into captivity.
19 Aking tinawagan ang mga mangingibig sa akin, nguni't dinaya nila: nalagot ang hininga ng aking mga saserdote at ng aking mga matanda sa bayan, habang nagsisihanap sila ng pagkain upang paginhawahin ang kanilang kaluluwa.
I called for my lovers, but they deceived me. My priests and my elders perished in the city, while they searched for food to refresh their souls.
20 Masdan mo, Oh Panginoon; sapagka't ako'y nasa kapanglawan; ang aking puso ay namamanglaw; ang aking puso ay nagugulumihanan; sapagka't ako'y lubhang nanghimagsik: sa labas ay tabak ang lumalansag, sa loob ay may parang kamatayan.
See, Jehovah, for I am in distress; my stomach churns; my heart is turned within me; for I have grievously rebelled. Outside the sword bereaves, in the house it is like death.
21 Nabalitaan nila na ako'y nagbubuntong-hininga; walang umaliw sa akin; Lahat ng aking mga kaaway ay nangakarinig ng aking kabagabagan; sila'y nangatuwa na iyong ginawa: iyong pararatingin ang araw na iyong itinanyag, at sila'y magiging gaya ko.
They have heard that I groan; there is none to comfort me. All my enemies have heard of my trouble; they are glad that you have done it. Bring the day that you have proclaimed, so that they shall end up like me.
22 Magsidating nawa ang lahat nilang kasamaan sa harap mo; at gawin mo sa kanila, ang gaya ng ginawa mo sa akin dahil sa lahat kong mga pagsalangsang: sapagka't ang aking mga buntong-hininga ay marami, at ang aking puso ay nanglulupaypay.
Let all their wickedness come before you. Do to them, as you have done to me for all my transgressions. For my groans are many, and my heart is faint.