< Jueces 15 >
1 Después de algún tiempo, en los días de la siega del trigo, Sansón visitó a su mujer, llevando un cabrito, y dijo: “Me llegaré a mi mujer, en su aposento.” Pero el padre de ella no le dejó entrar.
Pagkatapos ng ilang mga araw, sa panahon ng pag-aani ng trigo, kumuha si Samson ng isang batang kambing at umalis para bisitahin ang kaniyang asawa. Sinabi niya sa kaniyang sarili, “Pupunta ako sa kuwarto ng aking asawa.” Pero hindi siya pinayagang pumasok ng ama ng kaniyang asawa.
2 Pues dijo su padre: “Yo pensaba que tú no le tienes más que odio; por tanto se la di a uno de tus compañeros. ¿No es su hermana menor más hermosa que ella? Sea ella tuya, en su lugar.”
Sinabi ng ama ng kaniyang asawa, “Akala ko galit ka sa kaniya, kaya ibinigay ko siya sa kaibigan mo. Ang kaniyang nakababatang kapatid na babae ay mas maganda kaysa sa kaniya, hindi ba? Siya nalang ang kunin mo.”
3 Pero Sansón les dijo: “Esta vez no pueden quejarse de mí los filisteos, si les hago mal.”
Sinabi ni Samson sa kanila, sa oras na ito hindi ako magkakasala patungkol sa mga Palestina kapag sinaktan ko sila.
4 Fue Sansón y tomó trescientas zorras y teas, y atándoles cola con cola, puso una tea entre cada dos colas.
Kaya umalis si Samson at humuli ng tatlong daang soro at kaniyang itinali ng sama-sama ang bawat pares, buntot sa buntot. Pagkatapos kumuha siya ng mga sulo at itinali niya ang mga ito sa gitna ng bawat pares ng mga buntot.
5 Luego, encendiendo las teas, las soltó entre las mieses de los filisteos; y así quemó las gavillas y las mieses en pie, y hasta las viñas y los olivares.
Nang inihanda niyang sunugin ang mga sulo, hinayaan niyang ang mga sorong magpuntahan sa mga nakatayong butil ng mga Palestina, at sinimulan nilang sunugin ang bawat nakasalansan na butil at ang mga butil na nakatayo sa bukid, kasama ng mga ubasan at ang mga halamanan ng olibo.
6 Preguntaron los filisteos: “¿Quién ha hecho esto?” Y se les dijo; “Sansón, yerno del Timnateo; por cuanto este ha tomado su mujer y se la ha dado a uno de sus compañeros.” Subieron los filisteos y quemaron tanto a ella como a su padre.
Tinanong ng mga Palestina, “Sino ang gumawa nito?” Sinabi nila, “Si Samson, ang manugang ng taga-Timna, ginawa niya ito dahil kinuha ng taga-Timna ang asawa ni Samson at ibinigay siya sa kaniyang kaibigan. Pagkatapos nagpunta ang mga Palestina at sinunog siya at ang kaniyang ama.
7 Entonces les dijo Sansón: “Ya que habéis hecho esto, no cesaré hasta que haya tomado venganza de vosotros.”
Sinabi ni Samson sa kanila, “Kung ito ang ginawa ninyo, maghihiganti ako laban sa inyo, at pag nangyari na ito, hihinto na ako.
8 Les dio rudos golpes sobre muslos y lomos haciendo un destrozo grande; luego bajó y habitó en una caverna del peñón de Etam.
Pagkatapos hiniwa niya sila ng pira-piraso, balakang at hita sa pamamagitan ng isang matinding pagpatay. Pagkatapos bumaba siya at nanirahan sa isang kuweba sa talampas ng Etam.
9 Entonces subieron los filisteos y acamparon en Judá, desplegando sus fuerzas cerca de Lehí.
Pagkatapos umakyat ang mga Palestina at naghanda sila para sa pakikipaglaban sa Juda at nagtalaga ng kanilang mga hukbo sa Lehi.
10 Preguntaron los hombres de Judá: “¿Por qué habéis subido contra nosotros?” A lo que respondieron: “Hemos subido para atar a Sansón, a fin de hacer con él según él ha hecho con nosotros.”
Sinabi ng mga kalalakihan ng Juda, “Bakit kayo umakyat para salakayin kami?” Sinabi nila, “Sasalakay kami para mabihag si Samson, at gawin sa kaniya ang ginawa niya sa amin.”
11 Y bajaron tres mil hombres de Judá a la caverna del peñón de Etam, y dijeron a Sansón: “¿No sabes que los filisteos dominan sobre nosotros? ¿Qué es esto que has hecho?” Él les contestó: “Como ellos hicieron conmigo, así he hecho yo con ellos.”
Pagkatapos tatlong libong kalalakihan ng Juda ang bumaba sa kuweba sa talampas ng Etam, at sinabi nila kay Samson, “Hindi mo ba alam na ang mga Palestina ay naghahari sa amin?” Ano itong ginawa mo sa amin?” Sinabi ni Samson sa kanila, “Ginawa nila sa akin, ang ginawa ko sa kanila.”
12 Y le dijeron: “Hemos bajado para atarte, a fin de entregarte en manos de los filisteos.” Sansón les dijo: “Juradme que no me vais a matar.”
Sinabi nila kay Samson, “Bumaba kami para talian ka at ipaubaya ka sa kapangyarihan ng mga Palestina.” Sinabi ni Samson sa kanila, “Ipangako ninyo sa akin na hindi ninyo ako papatayin.”
13 Ellos le respondieron diciendo: “No, solamente te ataremos y te entregaremos en poder de ellos, pero de ninguna manera te mataremos.” Lo ataron con dos sogas nuevas, y le sacaron del peñón.
Sinabi nila sa kaniya, “Hindi, tatalian ka lang namin sa pamamagitan ng mga lubid at ibibigay sa kanila. Ipinapangako namin na hindi ka namin papatayin.” Pagkatapos siya ay tinalian nila sa pamamagitan ng dalawang bagong lubid at dinala paakyat mula sa bato.
14 Cuando llegó a Lehí, los filisteos le salieron al encuentro con grande algazara. Mas el Espíritu de Yahvé vino sobre él; las sogas que tenía sobre sus brazos fueron como hilos de lino que se queman por el fuego, y se deshicieron las ligaduras de sobre sus manos.
Nang makarating siya sa Lehi, nagsisigawang papalapit ang mga Palistana ng makita siya. Pagkatapos pumasok ang Espiritu ni Yahweh sa kaniya ng may kapangyarihan. Ang mga lubid na nasa kaniyang mga braso ay naging katulad ng nasunog na lino at bumagsak ang mga ito sa kaniyang mga kamay.
15 Y como hallase la quijada de un asno recién muerto, alargó la mano, la agarró y mató con ella a mil hombres.
Nakakita si Samsom ng isang sariwang panga ng isang asno, pinulot niya ito at pinatay ang isang libong kalalakihan sa pamamagitan nito.
16 Dijo entonces Sansón: “Con la quijada de un asno (maté) un montón, dos montones; con la quijada de un asno he matado mil hombres.”
Sinabi ni Samson, “Sa pamamagitan ng panga ng isang asno, mga tambak sa ibabaw ng mga tambak, sa pamamagitan ng isang panga ng asno pinatay ko ang isang libong kalalakihan.”
17 Dicho esto, arrojó la quijada de su mano; y llamó aquel lugar Ramat- Lehí.
Nang matapos magsalita si Samson, itinapon niya ang panga ng asno at tinawag niya ang lugar na ito na Ramat-Lehi.
18 Y teniendo grandísima sed, clamó a Yahvé, diciendo: “Tú has obrado esta gran liberación por manos de tu siervo; y ahora me muero de sed y caigo en manos de los incircuncisos.”
Uhaw na uhaw si Samson at tumawag kay Yahweh at sinabing, “Ibinigay mo itong dakilang tagumpay sa iyong lingkod, pero ngayon mamamatay ako sa pagka-uhaw at babagsak sa mga kamay ng mga hindi tuli?”
19 Entonces hendió Dios la piedra hueca que hay en Lehí, y salió de allí agua. Cuando hubo bebido, se reanimó y recobró sus fuerzas. Por tanto, fue llamado aquella fuente En Hakoré, que es la que hoy todavía existe en Lehí.
At biniyak ng Diyos ang hukay sa lugar iyon ng Lehi at lumabas ang tubig. Pagkatapos niyang uminom, nanumbalik ang kaniyang lakas at sumigla siya. Kaya tinawag niyang En Hakkore ang lugar na iyon, at ito ay nasa Lehi sa araw na ito.
20 Sansón juzgó a Israel en los días de los filisteos durante veinte años.
Hinukuman ni Samson ang Israel sa mga panahon ng mga Palestina sa loob ng dalawangpung taon.