< 2 Samuel 22 >

1 Cantó David a Yahvé las palabras de este cántico, cuando Yahvé lo hubo librado de todos sus enemigos, y de la mano de Saúl.
Umawit si David kay Yahweh ng mga salita ng kantang ito sa araw na iniligtas siya ni Yahweh palabas sa kamay ng lahat ng kaniyang mga kaaway, at palabas sa kamay ni Saul.
2 Dijo: “Yahvé es mi Roca, mi fortaleza y mi libertador;
Nanalangin siya, “Si Yahweh ay aking bato, ang aking tanggulan, ang siyang nagliligtas sa akin.
3 Dios es mi Roca, a Él me acojo; Él es mi escudo y el cuerno de mi salvación, mi alto amparo, mi asilo. ¡Salvador mío! Tú me libraste de la violencia.
Ang Diyos ang aking muog. Kumukuha ako ng kanlungan sa kaniya. Siya ang aking panangga, ang sungay ng aking kaligtasan, aking matibay na tanggulan, at aking kanlungan, ang siyang nagliligtas sa akin mula sa karahasan.
4 Clamé alabándole, a Yahvé, y quedé salvo de mis enemigos.
Tatawag ako kay Yahweh, na karapatdapat purihin, at maliligtas ako mula sa aking mga kaaway.
5 Ya me cercaban las ondas de la muerte, me aterraban torrentes perniciosos;
Dahil nakapalibot sa akin ang mga alon ng kamatayan. Ang walangsaysay na bugso ng mga tubig tumabon sa akin.
6 ya me rodeaban las sogas del scheol, y me amenazaban los lazos de la muerte; (Sheol h7585)
Ang mga gapos ng sheol nakapalibot sa akin; binibihag ako ng patibong ng kamatayan. (Sheol h7585)
7 cuando en mi angustia clamé a Yahvé, invoqué a mi Dios; y Él desde su templo oyó mi voz, y mi clamor llegó a sus oídos.
Sa aking pagkabalisa tumawag ako kay Yahweh; Tumawag ako sa aking Diyos; dininig niya ako sa aking boses mula sa kaniyang templo, at ang aking tawag para sa tulong nakarating sa kaniyang mga tainga.
8 Se conmovió y tembló la tierra, vacilaron los cimientos de los cielos, temblaron, porque se inflamó su ira.
Pagkatapos naalog ang mundo at nayanig. Nangatog ang mga pundasyon ng kalangitan at inalog, dahil galit ang Diyos.
9 Subía humo de sus narices, y fuego devorador de su boca; ascuas encendidas salían de Él.
Lumabas ang usok mula sa mga butas ng kaniyang ilong, at lumabas ang nagliliyab na apoy sa kaniyang bibig. Umapoy ang mga uling sa pamamagitan nito.
10 E inclinó los cielos y descendió, teniendo espesa nube bajo sus pies.
Binuksan niya ang kalangitan at bumaba, at makapal na dilim ang nasa ibaba ng kaniyang mga paa.
11 Subió sobre un querubín y voló, apareció sobre las alas del viento.
Sumakay siya sa isang anghel at lumipad. Nakita siyang lumilipad sa mga pak-pak ng hangin.
12 Puso en torno suyo tinieblas por velo, masas de aguas, densos nubarrones.
At gumawa siya ng kadiliman sa toldang nakapalibot sa kaniya, nag-iipon ng mga mabibigat na ulap ulan sa himpapawid.
13 Al fulgor que le precedía se encendieron ascuas de fuego.
Mula sa kidlat sa harapan niya nahulog ang mga uling ng apoy.
14 Tronó Yahvé desde el cielo, el Altísimo hizo resonar su voz.
Kumulog si Yahweh mula sa kalangitan. Sumigaw ang Kataas-taasan.
15 Disparó saetas y los dispersó, rayos, y los consternó.
Nagpatama siya ng mga pana at kinalat ang kaniyang mga kaaway — mga boltahe ng kidlat at ikinalat ito.
16 Entonces apareció el fondo del mar se descubrieron los cimientos del orbe ante la voz increpadora de Yahvé, ante el resuello del furor de su ira.
Pagkatapos nagkaroon ng mga daluyan ng tubig; ang mga pundasyon ng mundo ay nagkalat sa sigaw ng digmaan ni Yahweh, sa bugso ng hininga ng mga butas ng kaniyang ilong.
17 Extendió su mano desde lo alto, me tomó y me sacó de grandes aguas.
Inabot niya pababa mula sa itaas; hinawakan niya ako! Hinila niya ako palabas ng umaalon na tubig.
18 Me libró de mi feroz enemigo, de los que me aborrecían, porque eran más fuertes que yo.
Iniligtas niya ako mula sa malakas kong kaaway, mula doon sa napopoot sa akin, dahil masyado silang malakas sa akin.
19 Me habían sorprendido en el día de mi calamidad; pero Yahvé fue mi sostén.
Dumating sila laban sa akin sa araw ng aking pagkabalisa, pero si Yahweh ang umalalay sa akin.
20 Me sacó fuera, a un lugar ancho, salvándome porque me amaba.
Dinala rin niya ako sa isang malawak na lugar. Iniligtas niya ako dahil nasiyahan siya sa akin.
21 Yahvé me ha recompensado según merecía mi justicia; según la inocencia de mis manos me dio el pago;
Ginantimpalaan ako ni Yahweh sa sukat ng aking katuwiran; binalik niya ako sa sukat ng kalinisan ng aking mga kamay.
22 pues he guardado los caminos de Yahvé, no me he apartado impíamente de mi Dios.
Dahil pinanatili ko ang mga kaparaanan ni Yahweh at hindi gumawa ng kasamaan sa pamamagitan ng pagtalikod mula sa aking Diyos.
23 Tenía ante mis ojos todos sus preceptos, y no me apartaba de sus mandamientos.
Dahil ang lahat ng kaniyang matuwid na mga utos ay nasa harapan ko; para sa kaniyang mga batas, hindi ako tumalikod palayo sa mga ito.
24 Sin reproche anduve en su presencia, me guardé de hacer iniquidad.
Naging walang sala rin ako sa harapan niya, at pinanatili kong malayo ako mula sa kasalanan.
25 Yahvé me ha retribuido conforme a mi justicia, según mi inocencia ante sus ojos.
Kaya ibinalik ako ni Yahweh sa sukat ng aking katuwiran, sa antas ng aking kalinisan sa kaniyang paningin.
26 Con el piadoso Tú te portas piadoso, con el nombre recto, rectamente;
Sa isang tapat, ipinakita mo ang iyong sarili na maging tapat; sa isang tao na walang sala, ipinakita mo ang iyong sarili na maging walang sala.
27 Tú eres limpio con el limpio, y al perverso lo tratas como tal.
Sa mga dalisay ipinakita mo ang iyong sariling dalisay, pero ikaw ay matigas sa baluktot.
28 Tú salvas al pueblo humilde, y con tu mirada abates a los altivos.
Iniligtas mo ang mga taong nasaktan, pero laban ang iyong mga mata sa mayayabang, at ibinababa mo sila.
29 Tú, Yahvé, eres mi antorcha; Yahvé ilumina mis tinieblas.
Dahil ikaw ang aking lampara, Yahweh. Inilawan ni Yahweh ang aking kadiliman.
30 Contigo me arrojo sobre ejércitos, con mi Dios salto murallas.
Dahil sa pamamagitan kaya kong tumakbo sa ibabaw ng barikada; sa pamamagitan ng aking Diyos makakatalon ako sa ibabaw ng isang pader.
31 El camino de Dios es perfecto, y acrisolada la palabra de Yahvé; Él es un escudo para cuantos en Él confían.
Para sa Diyos, ang kaniyang paraan ay tama. Ang salita ni Yahweh ay dalisay. Siya ay isang panangga sa bawat taong nagkukubli sa kaniya.
32 Pues ¿quién es Dios sino solo Yahvé? ¿Quién es Roca fuera de nuestro Dios?
Dahil sino ang Diyos maliban kay Yahweh? At sino ang isang bato maliban sa ating Diyos?
33 Mi fortaleza inexpugnable es Dios, quien hace perfecto mi camino.
Ang Diyos ay aking kanlungan, at pinamunuan niya ang walang salang tao sa kaniyang daraanan.
34 Me dio pies ligeros cual de ciervo y me colocó sobre las alturas;
Ginawa niyang matulin ang aking mga paa gaya ng isang usa at inilagay ako sa mga bundok.
35 adiestró mis manos para la guerra, y mis brazos doblan el arco de bronce.
Sinanay niya ang aking mga kamay para sa digmaan, at ang aking mga braso para iyuko ang isang tanso na pana.
36 Me diste el escudo de tu salvación, y tu benignidad me ha hecho grande.
Ibinigay mo sa akin ang panangga ng iyong kaligtasan, at ang iyong biyaya ay gumawa sa akin ng dakila bagay.
37 Ensanchaste el camino bajo mis pies, para que no resbalasen.
Gumawa ka ng isang malapad na lugar para sa aking mga paa na tinatapakan ko, para hindi dumulas ang aking mga paa.
38 Así perseguí a mis enemigos hasta destruirlos, y no me volví hasta acabar con ellos.
Hinabol ko ang aking mga kaaway at winasak sila. Hindi ako tumalikod hanggang sila ay mawasak.
39 Sí, acabé con ellos y los aplasté, de modo que no pueden ya levantarse; han caído debajo de mis pies.
Nilamon ko sila at binasag sila; hindi sila makakabangon. Bumagsak sila sa ilalim ng aking mga paa.
40 Me ceñiste de fortaleza para luchar, sometiste mis enemigos a mi poder,
Nilagyan mo ako ng lakas gaya ng isang sinturon para sa labanan; inilagay mo ako sa ibaba sa mga lumalaban sa akin.
41 pusiste en fuga a mis contrarios; y así destrocé a los que me odiaban.
Binigay mo sa akin ang likod ng aking mga kaaway; Winasak ko ang mga galit sa akin.
42 Miraban en derredor, mas no hubo quien los salvase, (clamaban) a Yahvé, pero no los oía;
Umiyak sila para tulungan, pero walang isang naligtas sa kanila; umiyak sila kay Yahweh, pero hindi siya sumagot sa kanila.
43 triturábalos como polvo de la tierra; cual barro de las calles los aplastaba y los hollaba.
Hinampas ko sila hanggang maging mga piraso tulad ng alikabok sa lupa, pinulbos ko sila gaya ng putik sa mga kalye.
44 Me libraste también de los revoltosos de mi pueblo, para jefe de naciones me elegiste. Pueblos que no conocía me sirven.
Iniligtas mo rin ako mula sa mga alitan ng sarili kong mga tao. Pinanatili mo ako bilang ulo ng mga bansa. Sa mga tao na hindi ko alam kung pinaglilingkuran ako.
45 Hombres extranjeros me dicen lisonjas, apenas oyen de mí, me obedecen.
Pinilit ang mga dayuhan na yumuko sa akin. Nang panahon na narinig nila ako, sinunod nila ako.
46 Los extranjeros palidecen y temblando salen de sus refugios.
Dumating na nanginginig ang mga dayuhan palabas sa kanilang mga kuta.
47 ¡Viva Yahvé, y bendita sea mi Roca! Ensalzado sea Dios, la Roca de mi salvación,
Buhay si Yahweh! Nawa'y purihin ang aking bato. Nawa'y maitaas ang Diyos, ang bato ang aking kaligtasan.
48 el Dios que me otorga venganza, y somete los pueblos a mis pies;
Ito ang Diyos na nagsasagawa ng paghihiganti para sa akin, ang siyang nagdadala pababa sa mga tao sa ilalim ko.
49 el que me salva de mis enemigos. Pues Tú me ensalzas sobre los que se levantan contra mí; me libras del hombre violento.
Ginawa niya akong malaya mula sa aking mga kaaway. Sa katunayan, itinaas mo ako sa ibabaw ng mga lumalaban sa akin. Iniligtas mo ako mula sa marahas na kalalakihan.
50 Por eso, te alabaré entre las naciones, y cantaré loores a tu nombre, Yahvé.
Kung kaya magbibigay ako ng pasasalamat sa iyo, Yahweh, sa piling ng mga bansa; Aawit ako ng mga pasasalamat sa iyong pangalan.
51 Él salva maravillosamente a su rey, y usa de misericordia con su ungido David y su descendencia para siempre.”
Nagbibigay ng dakilang tagumpay ang Diyos sa kaniyang hari, at ipinapakita niya ang kaniyang katapatang tipan sa kaniyang hinirang, kay David at sa kaniyang kaapu-apuhan magpakailanman.”

< 2 Samuel 22 >