< Книга пророка Иеремии 2 >
1 И бысть слово Господне ко мне глаголющее: иди и вопий во ушы Иерусалиму, рекий: сия глаголет Господь:
Dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
2 помянух милость юности твоея и любовь совершенства твоего, егда последовал еси в пустыни ненасеянней Святому Израилеву, глаголет Господь.
“Pumunta ka at ipahayag mo sa pandinig ng Jerusalem. Sabihin mo, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Alang-alang sa iyo, inaalala ko ang iyong pangako ng katapatan sa iyong kabataan, ang iyong pag-ibig nang magkasundo tayong magpakasal, nang sundan mo ako sa ilang, ang lupain na walang tanim.
3 Свят Израиль Господеви, начаток плодов Его: вси поядающии его согрешат, злая приидут на них, рече Господь.
Nakalaan ang Israel para kay Yahweh, ang unang bunga ng mga ani! Nagkakasala ang lahat ng kumain mula sa mga unang bunga! Darating ang kasamaan sa kanila. Ito ang pahayag ni Yahweh.”
4 Услышите слово Господне, доме Иаковль и вся племена дому Израилева.
Pakinggan ninyo ang salita ni Yahweh, sambahayan ni Jacob at bawat pamilya sa sambahayan ng Israel.
5 Сия глаголет Господь: кое обретоша отцы ваши во Мне погрешение, яко удалишася от Мене и ходиша вслед суетных и осуетишася,
Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Ano ang pagkakamaling nakita sa akin ng inyong mga ama upang lumayo sila sa pagsunod sa akin? At sumunod sila sa mga walang kabuluhang diyus-diyosan at sila mismo ay naging walang kabuluhan?
6 и не рекоша: где есть Господь, изведый нас от земли Египетския, преведый нас по пустыни, по земли необитанней и непроходней, по земли безводней и неплодней, по земли, по нейже не ходил муж никогдаже и не обитал человек тамо?
Hindi nila sinabi, 'Nasaan si Yahweh, ang nagpalaya sa atin mula sa lupain ng Egipto? Nasaan si Yahweh, ang nanguna sa atin sa ilang sa lupain ng Araba, sa may tuyong hukay at madilim na lupain, ang lupaing hindi nilalakaran at walang sinuman ang naninirahan?'
7 И введох вас в землю Кармил, да снесте плоды его и благая того: и внидосте, и осквернили есте землю Мою, и достояние Мое поставили есте в мерзость.
Ngunit dinala ko kayo sa lupain ng Carmel upang kainin ang mga bunga nito at iba pang mga magagandang bagay! Ngunit nang dumating kayo, dinungisan ninyo ang aking lupain, ginawa ninyong kasuklam-suklam ang aking mana!
8 Священницы не рекоша: где есть Господь? И держащии закон не ведеша Мя, и пастырие нечествоваша на Мя, и пророцы пророчествоваша в Ваала и идолом последоваша.
Hindi sinabi ng pari, 'Nasaan si Yawheh?' at hindi ako inalala ng mga dalubhasa sa batas! Lumabag ang mga pastol laban sa akin. Nagpahayag ang mga propeta para kay Baal at lumakad sa hindi kapaki-pakinabang na mga bagay.
9 Сего ради еще судом претися имам с вами, рече Господь, и с сыны вашими препрюся.
Kaya pararatangan ko pa rin kayo at ang anak ng inyong mga anak. Ito ang pahayag ni Yahweh.
10 Того ради приидите во островы Хеттим и видите, и в Кидар послите и разсмотрите прилежно и видите, аще сотворена быша таковая?
Tumawid kayo sa baybayin ng Chittim at inyong tingnan. Magpadala kayo ng mga mensahero sa Cedar upang malaman at makikita ninyo kung mayroong nangyari noon na gaya nito.
11 Аще премениша языцы боги своя, и тии не суть бози? Людие же Мои премениша славу свою на то, от негоже не упользуются.
May bansa bang ipinagpalit ang mga diyos kahit hindi naman sila mga diyos? Ngunit ipinagpalit ng aking mga tao ang kanilang kaluwalhatian sa hindi makakatulong sa kanila.
12 Ужасеся небо о сем и вострепета попремногу зело, глаголет Господь.
Manginig kayo, mga kalangitan dahil dito! Masindak kayo at mangilabot. Ito ang pahayag ni Yahweh.
13 Два бо зла сотвориша людие Мои: Мене оставиша источника воды живы, и ископаша себе кладенцы сокрушеныя, иже не возмогут воды содержати.
Sapagkat nakagawa sa akin ang aking mga tao ng dalawang kasamaan. Pinabayaan nila ang mga bukal na nagbibigay-buhay sa paggawa ng mga balon para sa kanilang mga sarili, mga sirang balon na walang tubig!
14 Еда раб есть Израиль, или домочадец есть? Вскую бысть в пленение?
Alipin ba ang Israel? Hindi ba siya isinilang sa tahanan? Kung gayon, bakit siya ninakawan?
15 На него рыкаша львове и издаша глас свой, иже поставиша землю его в пустыню, и грады его сожжени суть, еже не обитати в них.
Umaatungal ang mga batang leon laban sa kaniya. Nagsihiyawan sila at ginawang katakot-takot ang kaniyang lupain! Nawasak ang kaniyang mga lungsod ng walang sinuman ang naninirahan.
16 И сынове Мемфиса и Тафны познаша тя и поругашася тебе.
Inahitan rin ng mga taga-Memfis at taga-Tafnes ang iyong bungo at ginawa kang alipin!
17 Не сия ли сотвори тебе то, яко оставил еси Мене? Глаголет Господь Бог твой.
Hindi mo ba ito ginawa sa iyong sarili nang talikuran mo si Yahweh na iyong Diyos habang pinangungunahan ka niya sa iyong paglalakbay?
18 И ныне что тебе и пути Египетскому, еже пити воду Геонскую? И что тебе и пути Ассирийскому, да пиеши воду речную?
Kaya ngayon, bakit ka pupunta sa Egipto at iinom ng tubig sa Sikor? Bakit ka pupunta sa Asiria at iinom ng tubig sa Ilog ng Eufrates?
19 Накажет тя отступление твое и злоба твоя обличит тя и увеждь и виждь, яко зло и горько ти есть, еже оставити мя, глаголет Господь Бог твой: и не благоволих от тебе, глаголет Господь Бог твой.
Sinasaway ka ng iyong kasamaan at pinarurusahan ka ng iyong kataksilan. Kaya pag-isipan mo ito, unawain mo na masama at mapait para sa iyo na talikuran ako at hindi na ako katakutan, akong si Yahweh na iyong Diyos. Ito ang pahayag ni Yahweh, ang Panginoon ng mga hukbo.
20 Понеже от века сокрушил еси иго твое и растерзал еси узы твоя и рекл еси: не имам тебе служити, но пойду на всякий холм высокий и под всяким древом лиственным тамо разлиюся в блуде моем.
Sapagkat sinira ko ang iyong pamatok na mayroon ka noong mga sinaunang araw, sinira ko ang iyong mga tanikala. Ngunit sinabi mo pa rin, 'Hindi ako maglilingkod!' sapagkat yumuko ka sa bawat matataas na burol at sa ilalim ng bawat madahong puno, ikaw na mangangalunya.
21 Аз же насадих тя виноград плодоносен, весь истинен: како превратился еси в горесть, виноград чуждий?
Ngunit ako mismo ang nagtanim sa iyo bilang isang piniling puno ng ubas, na isang tunay na binhi. Ngunit papaanong nagbago ka sa akin, isang hindi tapat mula sa ibang puno ng ubas!
22 Аще умыешися нитром и умножиши себе травы борифовы, порочен еси во беззакониих твоих предо Мною, рече Господь Бог.
Sapagkat kahit linisin mo ang iyong sarili sa ilog o maghugas ka ng matapang na sabon, ang iyong pagkakasala ay isang bahid sa aking harapan. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
23 Како речеши: не осквернихся и вслед Ваала не ходих? Виждь пути твоя на месте многогробищнем и увеждь, что сотворил еси. В вечер глас его рыдаше,
Paano mo nasasabi, “Hindi ako nadungisan! Hindi ako sumunod sa mga Baal? Tingnan mo ang iyong pag-uugali sa mga lambak! Unawain mo ang iyong ginawa, para kang kamelyo na nagmamadaling tumakbo sa sarili nitong daan!
24 пути своя разшири на воды пустынныя, в похотех души своея ветром ношашеся, предан бысть, кто обратит его? Вси ищущии его не утрудятся, во смирении его обрящут его.
Isa kang mailap na asno, na sanay sa ilang, nananabik sa buhay at humihingal sa walang kabuluhang hangin! Sino ang makapagbabalik sa kaniya kapag siya ay nag-iinit? Hindi mapapagod ang sinumang maghahanap sa kaniya. Pinupuntahan siya sa kabuwanan ng kaniyang pag-iinit.
25 Отврати ногу твою от пути стропотна и гортань твой от жажди. И рече: возмужаюся, яко возлюби чуждих и вслед их хождаше.
Dapat mong iwasan na walang suot ang iyong mga paa at ang iyong lalamunan sa pagkauhaw! Ngunit sinabi mo, 'Walang pag-asa! Hindi, iniibig ko ang mga dayuhan at sasama ako sa kanila!'
26 Якоже стыд татю, егда ят будет, тако постыдятся сынове Израилевы, тии и царие их, и началницы их и священницы их и пророцы их.
Katulad ng kahihiyan ng isang magnanakaw kapag siya ay nahuli, gayon din ang kahihiyan ng sambahayan ng Israel. Sila, ang kanilang mga hari, mga prinsipe, mga pari, at mga propeta!
27 Древу рекоша: яко отец мой еси ты: и камени: ты мя родил еси: и обратиша ко Мне хребты, а не лица своя: и во время озлобления своего рекут: востани и избави нас.
Sila ang mga nagsabi sa puno, 'Ikaw ang aking ama,' at sa bato, 'Ipinanganak mo ako.' Sapagkat nakaharap sa akin ang kanilang likuran at hindi ang kanilang mga mukha. Gayunpaman, sinasabi nila sa oras ng mga kaguluhan, 'Tumayo ka at iligtas mo kami!'
28 И где суть бози твои, яже сотворил еси тебе? Да востанут и избавят тя во время озлобления твоего: по числу бо градов твоих быша бози твои, Иудо, и по числу путий Иерусалимских жряху Ваалу.
Ngunit nasaan ang mga diyos na inyong ginawa para sa inyong mga sarili? Patayuin ninyo sila kung nais nila kayong iligtas sa oras ng inyong mga kaguluhan, sapagkat kasindami ng inyong diyos ang inyong mga lungsod, oh Juda!
29 Вскую глаголете ко Мне? Вси вы нечествовасте и вси вы беззаконновасте ко Мне, глаголет Господь.
Kaya bakit ninyo ako pinararatangan na gumagawa ng masama? Nagkasala kayong lahat sa akin. Ito ang pahayag ni Yahweh.
30 Всуе поразих чада ваша, наказания не приясте, мечь пояде пророки вашя, аки лев погубляяй, и не убоястеся.
Pinarusahan ko ang inyong mga tao ng walang kabuluhan. Hindi nila tinanggap ang pagtutuwid. Nilamon ng inyong mga tabak ang mga propeta gaya ng mapaminsalang leon!
31 Слышите слово Господне, тако глаголет Господь: еда пустыня бых Израилю, или земля неплодна? Вскую реша людие Мои: обладаеми не будем и потом не приидем к Тебе?
Kayong mga nabibilang sa salinlahing ito! Bigyan ninyo ng pansin ang aking salita, ang salita ni Yahweh! Naging ilang ba ako sa Israel? O naging lupain ng matinding kadiliman? Bakit sinasabi ng aking mga tao, 'Maglibot tayo, hindi na kami pupunta sa iyo kailanman'?
32 Еда забудет невеста красоту свою, и дева мониста персий своих? Людие же Мои забыша Мене дни безчисленны.
Makakalimutan ba ng isang birhen ang kaniyang alahas, o ang talukbong ng babaing ikakasal? Ngunit nakalimutan na ako ng aking mga tao sa hindi na mabilang na mga araw!
33 Что еще добро ухитриши на путех твоих, еже взыскати любве? Не тако: но и ты лукавновала еси, еже осквернити пути твоя,
Ganoon ka na lamang kahusay na humanap ng pag-ibig. Itinuro mo pa ang iyong mga pamamaraan sa mga makasalanang kababaihan.
34 и в руках твоих обретеся кровь душ (убогих) неповинных: не в ровех обретох их, но во всяцей дубраве.
Nakita sa iyong mga kasuotan ang dugo ng mga dukha at walang kasalanang tao. Sila ang mga taong hindi nahuli sa mga gawaing pagnanakaw.
35 И рекла еси: неповинна есмь, но да отвратится ярость Твоя от мене. Се, Аз суждуся с тобою, внегда рещи тебе: не согреших:
Sa halip, sa lahat ng bagay na ito, patuloy mong sinasabi, 'Wala akong kasalanan, tiyak na hindi ibabaling ni Yahweh ang galit sa akin.' Ngunit tingnan mo! Mahahatulan ka sapagkat sinabi mo, 'Hindi ako nagkasala.'
36 понеже презрела еси зело, еже повторити пути твоя: и от Египта постыдишися, якоже постыдена еси от Ассура:
Bakit ninyo itinuturing na napakadali ng pagbabagong ito sa inyong pamamaraan? Bibiguin ka rin ng Egipto gaya ng ginawa sa iyo ng Asiria.
37 яко и оттуду изыдеши, и руце твои на главе твоей: яко отрину Господь надеяние твое, и не благопоспешится тебе в нем.
Malulungkot ka ring lalabas mula roon na nakapatong ang iyong mga kamay sa iyong ulo, sapagkat tinanggihan ni Yahweh ang iyong mga pinagkatiwalaan upang hindi ka nila matulungan.”