< Книга Судей 9 >

1 Авимелех, сын Иероваалов, пошел в Сихем к братьям матери своей и говорил им и всему племени отца матери своей, и сказал:
Nagpunta si Abimelec na anak ni Jerub Baal sa mga kamag-anak ng kaniyang ina sa Shekem at sinabi niya sa kanila at sa buong angkan ng pamilya ng kaniyang ina,
2 внушите всем жителям Сихемским: что лучше для вас, чтобы владели вами все семьдесят сынов Иеровааловых, или чтобы владел один? и вспомните, что я кость ваша и плоть ваша.
“Pakiusap sabihin mo ito, para makarinig ang lahat ng mga pinuno ng Shekem, 'Ano ang mas mabuti para sa inyo: maghari sa inyo ang lahat ng pitumpung anak na lalaki ni Jerub Baal, o isa lang ang maghari sa inyo?' Alalahaning ako ay inyong buto at inyong laman.”
3 Братья матери его внушили о нем все сии слова жителям Сихемским; и склонилось сердце их к Авимелеху, ибо говорили они: он брат наш.
Nagsalita para sa kaniya ang mga kamag-anak ng kaniyang ina sa mga pinuno ng Shekem, at napagkasunduan nilang sundan si Abimelec, dahil sinabi nila, “Kapatid natin siya.”
4 И дали ему семьдесят сиклей серебра из дома Ваалверифа; Авимелех нанял на оные праздных и своевольных людей, которые и пошли за ним.
Binigyan nila siya ng pitumpung piraso ng pilak mula sa bahay ni Baal Berit, at ginamit ito ni Abimelec para kumuha ng mga lalaking lumalabag sa batas at walang pag-iingat na asal, na sumunod sa kaniya.
5 И пришел он в дом отца своего в Офру и убил братьев своих, семьдесят сынов Иеровааловых, на одном камне. Остался только Иофам, младший сын Иероваалов, потому что скрылся.
Pumunta siya sa bahay ng kaniyang ama sa Ofra at sa isang bato pinatay niya ang pitumpung kapatid niyang lalaki, mga anak na lalaki ni Jerub Baal. Tanging si Jotam ang naiwan, ang pinakabatang anak na lalaki ni Jerub Baal, dahil itinago niya ang kaniyang sarili.
6 И собрались все жители Сихемские и весь дом Милло, и пошли и поставили царем Авимелеха у дуба, что близ Сихема.
Nagsama-samang dumating lahat ng mga pinuno ng Shekem at Betmilo at nagtungo sila at ginawang hari si Abimelec, sa tabi ng kahoy na puno malapit sa haliging nasa Shekem.
7 Когда рассказали об этом Иофаму, он пошел и стал на вершине горы Гаризима и, возвысив голос свой, кричал и говорил им: послушайте меня, жители Сихема, и послушает вас Бог!
Nang sabihan si Jotam tungkol dito, pumunta siya at tumayo sa tuktok ng Bundok Gerizim. Sumigaw siya at sinabi sa kanila, “Makinig kayo sa akin, kayong mga pinuno ng Shekem, para pakinggan kayo ng Diyos.
8 Пошли некогда дерева помазать над собою царя и сказали маслине: царствуй над нами.
Minsang lumabas ang mga puno para magpahid sa isang hari sa ibabaw nila. At sinabi nila sa puno ng olibo, 'Maghari ka sa amin.'
9 Маслина сказала им: оставлю ли я тук мой, которым чествуют богов и людей и пойду ли скитаться по деревам?
Pero sinabi ng puno ng olibo sa kanila, 'Dapat ko bang bitawan ang aking langis, na ginagamit para parangalan ang mga diyos at sangkatauhan, para umalis ako pabalik, para lang umuyog sa ibabaw ng ibang mga puno?'
10 И сказали дерева смоковнице: иди ты, царствуй над нами.
Sinabi ng mga puno sa puno ng igos, 'Halika at maghari sa amin.'
11 Смоковница сказала им: оставлю ли я сладость мою и хороший плод мой и пойду ли скитаться по деревам?
Pero sinabi ng puno ng igos sa kanila, 'Dapat ko bang bitawan ang aking tamis at aking maayos na bunga, para lang makabalik ako at umuyog sa ibabaw ng ibang mga puno?'
12 И сказали дерева виноградной лозе: иди ты, царствуй над нами.
Sinabi ng mga puno sa puno ng ubas, 'Halika at maghari sa amin.'
13 Виноградная лоза сказала им: оставлю ли я сок мой, который веселит богов и человеков, и пойду ли скитаться по деревам?
Sinabi ng puno ng ubas sa kanila, 'Dapat ko bang bitawan ang aking bagong alak, na nagpapaligaya sa mga diyos at sangkatauhan, at bumalik at umuyog sa ibabaw ng ibang mga puno?'
14 Наконец сказали все дерева терновнику: иди ты, царствуй над нами.
Pagkatapos sinabi ng lahat ng mga puno sa palumpong na tinik, 'Halika at maghari sa amin.'
15 Терновник сказал деревам: если вы по истине поставляете меня царем над собою, то идите, покойтесь под тенью моею; если же нет, то выйдет огонь из терновника и пожжет кедры Ливанские.
Sinabi ng palumpong na tinik sa mga puno, 'Kung tunay na gusto ninyong pahiran ako bilang hari sa inyo, sa gayon pumunta sa akin at maging ligtas sa ilalim ng aking lilim. Kung hindi, hayaang lumabas ang apoy sa palumpong na tinik at hayaan itong sumunog sa mga sedar ng Lebanon.'
16 Итак смотрите, по истине ли и по правде ли вы поступили, поставив Авимелеха царем? И хорошо ли вы поступили с Иероваалом и домом его, и сообразно ли с его благодеяниями поступили вы?
Kaya ngayon, kung kumilos kayo sa katotohanan at katapatan, nang ninyong ginawang hari si Abimelec, at kung nakagawa kayo ng mabuti tungkol kay Jerub Baal at kaniyang bahay, at kung nagparusa kayo sa kaniya ng karapat-dapat—
17 За вас отец мой сражался, не дорожил жизнью своею и избавил вас от руки Мадианитян;
—at para isipin na lumaban ang aking ama para sa inyo, ipinagsapalaran ang kaniyang buhay, at iniligtas kayo mula sa kamay ng Midian—
18 а вы теперь восстали против дома отца моего, и убили семьдесят сынов отца моего на одном камне, и поставили царем над жителями Сихемскими Авимелеха, сына рабыни его, потому что он брат ваш.
pero sa araw na ito nag-alsa kayo laban sa bahay ng aking ama at pinatay ang kaniyang mga anak na lalaki, pitumpung tao, sa ibabaw ng isang bato. At ginawa ninyo si Abimelec ang lalaking anak ng kaniyang babaeng lingkod, na hari sa lahat ng mga pinuno ng Shekem, dahil kamag-anak ninyo siya.
19 Если вы ныне по истине и по правде поступили с Иероваалом и домом его, то да будет на вас благословение и радуйтесь об Авимелехе, и он пусть радуется о вас;
Kung kumilos kayo ng may katapatan at karangalan kay Jerub Baal at sa kaniyang bahay, dapat kayong magalak kay Abimelec, at hayaan siyang magalak din sa inyo.
20 если же нет, то да изыдет огонь от Авимелеха и да пожжет жителей Сихемских и весь дом Милло и да изыдет огонь от жителей Сихемских и от дома Милло, и да пожжет Авимелеха.
Pero kung hindi, hayaan na lumabas ang apoy mula kay Abimelec at sunugin ang mga kalalakihan ng Shekem at bahay ng Millo. Hayaang lumabas ang apoy mula sa mga kalalakihan ng Shekem at Bet Millo, para sumunod kay Abimelec.”
21 И побежал Иофам, и убежал и пошел в Беэр, и жил там, укрываясь от брата своего Авимелеха.
Tumakas si Jotam at tumakbo palayo, At nagtungo siya sa Beer. Nanirahan siya doon dahil malayo iyon mula kay Abimelec, na kaniyang kapatid.
22 Авимелех же царствовал над Израилем три года.
Namuno si Abimelec sa buong Israel sa loob ng tatlong taon.
23 И послал Бог злого духа между Авимелехом и между жителями Сихема, и не стали покоряться жители Сихемские Авимелеху,
Nagpadala ang Diyos ng masamang espiritu sa pagitan ni Abimelec at mga pinuno ng Shekem. Pinagtaksilan ng mga pinuno ng Sechem ang tiwalang mayroon sila kay Abimelec.
24 дабы таким образом совершилось мщение за семьдесят сынов Иеровааловых, и кровь их обратилась на Авимелеха, брата их, который убил их, и на жителей Сихемских, которые подкрепили руки его, чтоб убить братьев своих.
Ginawa ito ng Diyos para mapaghigantihan ang karahasan na nagawa sa pitumpung anak na lalaki ni Jerub Baal, at si Abimelec ang managot sa pagpatay sa kanila, at managot ang mga kalalakihan ng Shekem dahil tinulungan nilang patayin ang kaniyang mga kapatid na lalaki.
25 Жители Сихемские посадили против него в засаду людей на вершинах гор, которые грабили всякого проходящего мимо их по дороге. О сем донесено было Авимелеху.
Kaya nagtalaga ang mga pinuno ng Shekem ng mga kalalakihan na mag-aabang sa mga tuktok ng mga burol para tambangan nila siya, at ninakawan nila lahat ng dumaan sa kanila sa tabi ng daan. Ibinalita ito kay Abimelec.
26 Пришел же и Гаал, сын Еведов, с братьями своими в Сихем, и ходили они по Сихему, и жители Сихемские положились на него.
Dumating si Gaal anak na lalaki ni Ebed kasama ng kaniyang mga kamag anak at pumunta sila sa Shekem. Nagkaroon ng lakas ng loob ang mga pinuno ng Shekem sa kaniya.
27 И вышли в поле, и собирали виноград свой, и давили в точилах, и делали праздники, ходили в дом бога своего, и ели и пили, и проклинали Авимелеха.
Lumabas sila sa bukirin at nagtipon ng mga ubas mula sa mga ubasan, at tumapak sa mga ito. Nagdaos sila ng pagdiriwang sa bahay ng kanilang diyos, kung saan kumain sila at uminom, at isinumpa nila si Abimelec.
28 Гаал, сын Еведов, говорил: кто Авимелех и что Сихем, чтобы нам служить ему? Не сын ли он Иероваалов, и не Зевул ли главный начальник его? Служите лучше потомкам Еммора, отца Сихемова, а ему для чего нам служить?
Si Gaal anak ni Ebed ay nagsabing, “Sino si Abimelec, at sino si Shekem, na dapat natin siyang paglingkuran? hindi ba siya ang anak ni Jerub Baal? At hindi ba opisyal niya si Zebul? Paglingkuran ang mga kalalakihan ng Hamor, ama ng Shekem! Bakit kailangan natin siyang paglingkuran?
29 Если бы кто дал народ сей в руки мои, я прогнал бы Авимелеха. И сказано было Авимелеху: умножь войско твое и выходи.
Hiling kong ang mga taong ito ay nasa ilalim ng aking kautusan! Pagkatapos aalisin ko si Abimelec. Sasabihin ko kay Abimelec, 'Tawagin mo ang lahat ng iyong mga hukbo.'''
30 Зевул, начальник города, услышал слова Гаала, сына Еведова, и воспылал гнев его.
Nang marinig ni Zebul, opisyales ng lungsod, ang mga salita ni Gaal anak ni Ebed ang kaniyang galit ay nag-alab.
31 Он хитрым образом отправляет послов к Авимелеху, чтобы сказать: вот, Гаал, сын Еведов, и братья его пришли в Сихем, и вот, они возмущают против тебя город;
Nagpadala siya ng mga mensahero kay Abimelec para manlinlang, sa pagsasabing, “Tingnan, parating sa Shekem si Gaal anak ni Ebed at kaniyang mga kamag-anak, at pinupukaw ang lungsod laban sa iyo.
32 итак, встань ночью, ты и народ, находящийся с тобою, и поставь засаду в поле;
Ngayon, tumayo ka sa gabi, ikaw at ang mga sundalong kasama mo, at maghanda ng isang pananambang sa mga bukirin.
33 поутру же, при восхождении солнца, встань рано и приступи к городу; и когда он и народ, который у него, выйдут к тебе, тогда делай с ними, что может рука твоя.
Pagkatapos sa umaga, sa sandaling sumikat ang araw, bumangon ng maaga at maglunsad ng isang pagsalakay sa lungsod. At kapag siya at ang mga taong kasama niya ay lumabas laban sa iyo, gawin ang anumang bagay na magagawa mo sa kanila.”
34 И встал ночью Авимелех и весь народ, находившийся с ним, и поставили в засаду у Сихема четыре отряда.
Kaya tumayo si Abimelec sa gabi, siya at lahat ng kalalakihan na kasama niya, at naglunsad sila ng pananambang laban sa Shekem—hinati sa apat na pangkat.
35 Поутру Гаал, сын Еведов, вышел и стал у ворот городских; и встал Авимелех и народ, бывший с ним, из засады.
Lumabas si Gaal anak ni Ebed at tumayo sa pasukan ng tarangkahan ng lungsod. Lumabas sa kanilang pinagtataguan sina Abimelec at mga kalalakihang kasama niya.
36 Гаал, увидев народ, говорит Зевулу: вот, народ спускается с вершины гор. А Зевул сказал ему: тень гор тебе кажется людьми.
Nang makita ni Gaal ang mga kalalakihan, sinabi niya kay Zebul, “Tingnan, bumababa ang mga kalalakihan mula sa tuktok ng mga burol!” Sinabi ni Zebul sa kaniya, “Nakikita mo ang mga anino sa mga burol na para bang sila ay mga lalaki.”
37 Гаал опять говорил и сказал: вот, народ спускается с возвышенности, и один отряд идет от дуба Меонним.
Nagsalita ulit si Gaal at sinabing, “Tingnan mo, bumababa ang mga lalaki sa gitna ng lupain, at ang isang pangkat ay padating sa daan ng kahoy ng mga manghuhula.”
38 И сказал ему Зевул: где уста твои, которые говорили: “кто Авимелех, чтобы мы стали служить ему?” Это тот народ, который ты пренебрегал; выходи теперь и сразись с ним.
Pagkatapos sinabi ni Zebul sa kaniya, “Nasaan na ang iyong mapagmalaking mga salita ngayon, ikaw na nagsabing, 'Sino si Abimelec na dapat namin paglingkuran?' Hindi ba ito ang mga lalaking kinamumuhian mo? Lumabas ka ngayon at makipaglaban sa kanila.”
39 И пошел Гаал впереди жителей Сихемских и сразился с Авимелехом.
Lumabas si Gaal at pinangungunahan niya ang mga lalaki ng Shekem, at nakipag-away siya kay Abimelec.
40 И погнался за ним Авимелех, и побежал он от него, и много пало убитых до самых ворот города.
Hinabol siya ni Abimelec, at tumakas si Gaal sa kaniya. At marami ang bumagsak sa pasukan ng tarangkahan ng lungsod.
41 И остался Авимелех в Аруме, а Гаала и братьев его Зевул выгнал, чтоб они не жили в Сихеме.
Nanatili si Abimelec sa Aruma. Pinilit ni Zebul si Gaal at kaniyang mga kamag-anak palabas ng Shekem.
42 На другой день вышел народ в поле, и донесли о сем Авимелеху.
Sa sumunod na araw lumabas ang mga tao ng Shekem sa kabukiran, at ibinalita ito kay Abimelec.
43 Он взял свой народ и разделил его на три отряда и поставил в засаду в поле. И увидев, что народ вышел из города, восстал на них и побил их.
Dinala niya ang kaniyang mga tao, inihanay sila sa tatlong mga pangkat, at naglagay sila ng pananambang sa bukirin. Tumingin siya at nakitang parating ang mga tao mula sa lungsod. At sinalakay niya sila at pinatay sila.
44 Между тем как Авимелех и отряды, бывшие с ним, приступили и стали у ворот городских, другие два отряда напали на всех, бывших в поле, и убивали их.
Sumalakay sina Abimelec at ang mga pangkat na kasama niya at hinarang ang pasukan ng tarangkahan ng lungsod. Sumalakay ang iba pang dalawang mga pangkat sa lahat ng nasa bukirin at pinatay sila.
45 И сражался Авимелех с городом весь тот день, и взял город, и побил народ, бывший в нем, и разрушил город и засеял его солью.
Lumaban si Abimelec sa lungsod sa buong araw na iyon. Binihag ang lungsod, at pinatay ang mga tao na naroon. Giniba niya ang mga pader ng lungsod at nagkalat ng asin sa ibabaw nito.
46 Услышав об этом, все бывшие в башне Сихемской ушли в башню капища Ваал-Верифа.
Nang marinig ng lahat ng mga pinuno ng tore ng Shekem iyon, pumasok sila sa matibay na tanggulan ng bahay ng El Berit.
47 Авимелеху донесено, что собрались туда все бывшие в башне Сихемской.
Sinabihan si Abimelec na magkakasamang nagtipon ang lahat ng mga pinuno sa tore ng Shekem.
48 И пошел Авимелех на гору Селмон, сам и весь народ, бывший с ним, и взял Авимелех топоры с собою и нарубил сучьев древесных, и положил на плечи свои, и сказал народу, бывшему с ним: вы видели, что я делал; скорее делайте и вы то же, что я.
Umakyat si Abimelec sa Bundok ng Zalmon, siya at lahat ng lalaking kasama niya. Kumuha si Abimelec ng palakol at pumutol ng mga sanga. Inilagay niya ito sa kaniyang balikat at inutusan ang mga lalaking kasama niya, “Kung ano ang nakita ninyong ginagawa ko, bilisan at gawin gaya ng ginawa ko.”
49 И нарубил каждый из всего народа сучьев, и пошли за Авимелехом, и положили к башне, и сожгли посредством их башню огнем, и умерли все бывшие в башне Сихемской, около тысячи мужчин и женщин.
Kaya nagputol ang bawat isa ng mga sanga at sinunod si Abimelec. Pinagpatong-patong nila sa ibabaw ng pader ng tore, at niliyaban nila ito, paramamatay din ang mga tao ng tore ng Shekem, humigit-kumulang sa isang libong lalaki at babae.
50 Потом пошел Авимелех в Тевец и осадил Тевец и взял его.
Pagkatapos nagtungo si Abimelec sa Tebez, at nagkampo siya laban sa Tebez at binihag ito.
51 Среди города была крепкая башня, и убежали туда все мужчины и женщины и все жители города, и заперлись и взошли на кровлю башни.
Pero may matibay na tore sa lungsod, at lahat ng mga lalaki at mga babae at lahat ng mga pinuno ng lungsod ay tumakas papunta roon at ikinulong ang kanilang sarili. Pagkatapos umakyat sila sa bubong ng tore.
52 Авимелех пришел к башне и окружил ее и подошел к дверям башни, чтобы сжечь ее огнем.
Dumating si Abimelec sa tore at nakipaglaban dito, at umakyat siya malapit sa pinto ng tore para sunugin ito.
53 Тогда одна женщина бросила обломок жернова на голову Авимелеху и проломила ему череп.
Pero isang babae ang naghulog ng batong pang-giling sa ulo ni Abimelec at nabiyak nito ang kaniyang bungo.
54 Авимелех тотчас призвал отрока, оруженосца своего, и сказал ему: обнажи меч твой и умертви меня, чтобы не сказали обо мне: женщина убила его. И пронзил его отрок его, и он умер.
Pagkatapos madalian siyang tumawag sa batang lalaking taga-dala ng kaniyang baluti, at sinabi sa kaniya, “Ilabas mo ang iyong espada at patayin ako, para walang magsalita tungkol sa akin na, 'Isang babae ang pumatay sa kaniya.”' Kaya sinaksak siya ng kaniyang batang lalaki, at namatay siya.
55 Израильтяне, видя, что умер Авимелех, пошли каждый в свое место.
Nang makita ng mga kalalakihan ng Israel na patay na si Abimelec, umuwi na sila.
56 Так воздал Бог Авимелеху за злодеяние, которое он сделал отцу своему, убив семьдесят братьев своих.
At sa ganun napaghigantihan ng Diyos ang kasamaan ni Abimelec na ginawa niya sa kaniyang ama sa pamamagitan ng pagpatay sa kaniyang pitumpung kapatid na lalaki.
57 И все злодеяния жителей Сихемских обратил Бог на голову их; и постигло их проклятие Иофама, сына Иероваалова.
Ibinalik ng Diyos ang lahat ng kasamaan ng mga tao ng Shekem sa kanilang sarili at dumating sa kanila ang sumpa ni Jotam anak na lalaki ni Jerub Baal.

< Книга Судей 9 >