< Księga Sędziów 18 >

1 W one dni nie było króla w Izraelu, a tegoż czasu pokolenie Dan szukało sobie dziedzictwa do mieszkania; albowiem nie przypadło im było aż do onego dnia w pośrodku pokoleń Izraelskich dziedzictwo.
Sa panahong iyon walang hari sa Israel. Naghahanap ang tribo ng mga kaapu-apuhan ni Dan ng isang teritoryo para tirahan, hanggang sa araw na iyon hindi sila nakatanggap ng anumang pamana mula sa mga lipi ng Israel.
2 Przetoż wyprawili synowie Dan z pokolenia swego pięciu mężów z granic swoich, mężów walecznych z Saraa i Estaol, aby przepatrzyli ziemię i wyszpiegowali ją, i rzekli do nich: Idźcież, wyszpiegujcie ziemię; i przyszli na górę Efraim aż do domu Michasowego i nocowali tam.
Ang bayan ng Dan ay nagpadala ng limang kalalakihan mula sa kabuuang bilang ng kanilang lipi, kalalakihan na bihasang mandirigma mula sa Zora at mula sa Estaol, para manmanan ang lupain habang naglalakad, at titingnan ito. Sinabi nila sa kanila, “Humayo at tingnan ang lupain.” Nakarating sila sa burol na bansa ng Efraim, hanggang sa bahay ni Mikias, at nagpalipas sila ng gabi roon.
3 A gdy byli blisko domu Michasowego, poznali głos młodzieńca Lewity, i zstąpiwszy tam, rzekli mu: Którz cię tu przywiódł? a co tu czynisz? i co tu masz za sprawę?
Nang malapit na sila sa bahay ni Mikias, nakilala nila ang pananalita ng binatang Levita. Kaya huminto sila at nagtanong sa kaniya, “Sino ang nagdala sa iyo dito? Ano ang ginagawa mo sa lugar na ito? Bakit ka nandito?”
4 A on im odpowiedział: Tak a tak postanowił ze mną Michas, i najął mię, abym u niego był za kapłana.
Sinabi niya sa kanila, “Ito ang ginawa ni Mikias sa akin: Inupahan niya ako para maging kaniyang pari.”
5 I rzekli do niego: Prosimy poradź się Boga, abyśmy wiedzieli, poszczęścili się nam ta droga nasza, którą idziemy.
Sinabi nila sa kaniya, “Pakiusap alamin ang payo ng Diyos, para malaman namin kung magtatagumpay ba kami sa pupuntahang paglalakbay.
6 I odpowiedział im kapłan: Idźcie w pokoju; albowiem sprawuje Pan drogę waszę, którą idziecie.
Ang sinabi ng pari sa kanila, “Umalis kayo nang payapa. Papatnubayan kayo ni Yahweh sa landas na dapat ninyong lakaran.”
7 A tak poszedłszy onych pięć mężów, przyszli do Lais, a ujrzeli lud, który w nim był, mieszkający bezpiecznie według zwyczaju Sydończyków w próżnowaniu i w bezpieczeństwie; bo nie był, kto by ich trapił w onej ziemi, albo posiadał królestwo ich; nadto odległymi byli od Sydończyków, i żadnej sprawy z nikim nie mieli.
Kaya umalis ang limang kalalakihan at nakarating sa Lais, at nakita nila ang mga tao na naninirihan doon ng ligtas—katulad din sa pamamaraan ng mga Sidoneo na naninirahang matiwasay at ligtas. Wala ni isa ang siyang sumakop sa kanila sa lupain, o gumulo sa kanila sa anumang paraan. Nanirahan sila ng malayo mula sa mga Sidoneo, at hindi sila nakipag-ugnayan kaninuman.
8 Gdy się tedy wrócili do braci swych do Saraa i do Estaol, rzekli im bracia ich: Cóżeście sprawili?
Bumalik sila sa kanilang lipi sa Zora at Estaol. Tinanong sila ng kanilang mga kamag-anak, “Ano ang inyong balita?”
9 I rzekli: Wstańcie, a ciągnijmy przeciwko nim; bośmy widzieli ziemię, a oto, bardzo dobra. A wy nie dbacie? NIe leńcież się iść, a przyszedłszy osieść tę ziemię.
Sinabi nila, “Halina! salakayin natin sila! Nakita namin ang lupain at ito'y napakabuti. Wala ba kayong ginagawa? Huwag bagalan ang pagsalakay at pagsakop sa lupain.
10 Gdy wnijdziecie, przyjdziecie do ludu bezpiecznego, do ziemi przestronnej; bo ją dał Bóg w ręce wasze, miejsce, kędy nie masz żadnego niedostatku wszystkich rzeczy, które są na ziemi.
Kapag pupunta kayo, makakarating kayo sa mga taong nag-iisip na ligtas sila, at malawak ang lupain! Ibinigay ito sa inyo ng Diyos— isang lugar na hindi nagkukulang sa anumang bagay sa mundo.”
11 I wyszło stamtąd z pokolenia Dan, z Saraa i z Estaol, sześć set mężów gotowych do boju.
Anim na raang kalalakihan ng lipi ng Dan, mga armado ng mga pandigmang sandata, na umalis mula sa Zora at Estaol.
12 A idąc położyli się obozem u Karyjatyjarym w Juda; przetoż nazwali ono miejsce obóz Danów aż do dnia dzisiejszego, a jest za Karyjatyjarym.
Umakyat sila at nagkampo sa Kiriath Jearim, sa Juda. Ito ang dahilan kung bakit tinawag ng mga tao ang lugar na Mahaneh Dan hanggang sa araw na ito; nasa kanluran ito ng Kiriath Jearim.
13 A ruszywszy się stamtąd na górę Efraim przyszli aż do domu Michasowego;
Umalis sila mula sa burol na bansa ng Efraim at nakarating sa bahay ni Mikias.
14 I mówili oni pięć mężowie, którzy chodzili na szpiegi do ziemi Lais, i rzekli do braci swych: Wiecież, iż w tym domu jest Efod i Terafim, i obraz ryty i lany? przetoż teraz wiedzcie, co macie czynić.
Pagkatapos ang limang kalalakihang nagmamanman sa bansa ng Lais ay nagsabi sa kanilang kamag-anak, “Alam ba ninyo na sa mga bahay na ito ay may isang epod, mga sambahayan ng diyos, isang inukit na anyo, at isang hinulmang metal na anyo? Magpasya na ngayon kung ano ang inyong gagawin.”
15 A zstąpiwszy tam, przyszli do domu młodzieńca Lewity, w dom Michasów, i pozdrowili go w pokoju.
Kaya bumalik sila roon at nakarating sa bahay ng binatang Levita, sa bahay ni Mikias, at kanilang binati siya.
16 Ale sześć set mężów gotowych do boju, którzy byli z synów Danowych, stali przed drzwiami.
Ngayon ang anim na raang Daneo, armado ng mga sandatang pandigma, nakatayo sa pasukan ng tarangkahan.
17 A tak wszedłszy tam oni pięć mężów, którzy chodzili na wyszpiegowanie ziemi, wzięli obraz ryty, i Efod, i Terafim, i obraz lany; a kapłan stał przede drzwiami bramy z sześcią set mężów gotowych do boju.
Pumunta doon ang limang kalalakihan na nagmanman sa lupain at kinuha nila ang inukit na anyo, ang epod, at ang mga pansambahayang diyos, at ang hinulmang metal na anyo, habang nakatayo ang pari sa bungad ng tarangkahan kasama ang anim na raang armadong kalalakihan ng mga sandatang pandigma.
18 A ci, którzy weszli do domu Michasowego, wzięli obraz ryty, Efod i Terafim, i obraz lany; i rzekł do nich kapłan: Cóż to czynicie?
Nang ang mga ito ay pumunta sa bahay ni Mikias at kinuha ang inukit na anyo, ang epod, mga pansambahayang diyos, at hinulmang metal na anyo, sinabi ng pari sa kanila, “Ano ang ginagawa ninyo?”
19 A oni mu odpowiedzieli: Milcz, włóż rękę twą na usta twoje, a pójdź z nami, a bądź nam za ojca i za kapłana; cóżci lepiej, być kapłanem w domu męża jednego, czyli być kapłanem pokolenia i domu Izraelskiego?
Sinabi nila sa kaniya, “Tumahimik kayo! Ilagay ang iyong kamay sa iyong bibig at sumama sa amin, at maging ama at pari sa amin. Mas mabuti ba sa iyo na maging pari sa bahay ng isang lalaki, o maging pari para sa isang lipi at isang angkan sa Israel?”
20 I uradowało się serce kapłanowe, a wziąwszy Efod i Terafim, i obraz ryty, wszedł w pośrodek onego ludu.
Nagalak ang puso ng pari. Kinuha niya ang epod, mga sambahayan ng diyos at ang inukit na anyo, at sumama sa mga tao.
21 A oni obróciwszy się poszli, a puścili przed sobą dziatki i bydło, i co było kosztowniejszego.
Kaya tumalikod sila at umalis. Nilagay nila ang maliit na mga bata sa kanilang harapan, pati na rin ang mga baka at ang kanilang mga ari-arian.
22 A gdy byli opodal od domu Michasowego, tedy mężowie, którzy mieszkali w domach bliskich domu Michasowego, zebrawszy się gonili syny Dan.
Nang malayo na sila mula sa bahay ni Mikias, ang mga kalalakihan na nasa mga bahay na malapit sa bahay ni Mikias ay magkasamang pinatawag, at inabutan nila ang mga Daneo.
23 I wołali za synami Dan, którzy obejrzawszy się rzekli do Michasa: Cóż ci, żeś się tak skupił?
Sumigaw sila sa mga Daneo, at tumalikod sila at sinabi kay Mikias, “Bakit kayo magkasamang pinatawag?”
24 I odpowiedział: Bogi moje, którem sprawił, pobraliście, i kapłana, a odeszliście, i cóż więcej mieć będę? a jeszcze mówicie: Cóż ci?
Sinabi niya, “Ninakaw ninyo ang mga diyos na ginawa ko, kinuha ninyo ang aking pari at aalis kayo. Ano pa ang maiiwan sa akin? Bakit ninyo ako tinatanong, 'Ano ang gumugulo sa iyo?'”
25 Na to mu odpowiedzieli synowie Dan: Niech nie słyszymy głosu twego za sobą, by się snać nie rzucili na was mężowie rozgniewani, a straciłbyś duszę twoję i duszę domu twego.
Sinabi ng mga tao ng Dan sa kaniya, “Hindi mo kami dapat hayaang marinig ka naming magsabi ng anumang bagay, o sasalakayin ka ng ilang galit na galit na mga kalalakihan at ikaw at iyong pamilya ay mapapatay.”
26 I poszli synowie Dan drogą swoją; a widząc Michas, że byli możniejsi niźli on, wrócił się i szedł do domu swego.
Pagkatapos nagpatuloy ang mga tao ng Dan sa kanilang pinaroroonan. Nang nakita ni Mikias na sila ay napakalakas para sa kaniya, tumalikod siya at bumalik sa kaniyang bahay.
27 Tedy oni wziąwszy to, co był sprawił Michas, i z kapłanem, którego miał, przyszli do Lais, do ludu próżnującego i bezpiecznego, i wysiekli je ostrzem miecza, a miasto spalili ogniem.
Kinuha ng bayan ng Dan kung ano ang ginawa ni Mikias, kasama rin pati ang kaniyang pari, at nakarating sila sa Lais, sa mga tao na siyang panatag at ligtas at pinatay nila sila gamit ang espada at sinunog ang lungsod.
28 A nie był, kto by ich ratował; albowiem byli daleko od Sydonu, i nie mieli żadnej sprawy z nikim, a to miasto leżało w dolinie, która jest w Betrohob, które znowu pobudowawszy mieszkali w niem.
Wala ni isang naligtas sa kanila dahil malayo pa ito mula sa Sidon, at hindi sila nagkaroon ng pakikipag-ugnayan sa kaninuman. Nasa lambak ito malapit sa Beth-Rehob. Ipinatayong muli ng mga Daneo ang lungsod at nanirahan doon.
29 I nazwali imię miasta onego Dan według imienia Dana, ojca swego, który się był urodził Izraelowi; a przedtem imię miasta onego było Lais.
Pinangalanan nila ang lungsod ng Dan, ang pangalan ni Dan na kanilang ninuno, na siyang isa sa mga anak na lalaki ng Israel. Pero ang dating pangalan ng lungsod ay Lais.
30 A tak postawili sobie synowie Dan obraz ryty; a Jonatan, syn Gersona Manasesowego, on i synowie jego, byli kapłanami w pokoleniu Dan aż do czasu pojmania obywateli onej ziemi.
Inilagay ng bayan ng Dan ang inukit na anyo para sa kanilang sarili. At si Jonatan, anak ni Gersom, anak ni Moises, siya at ang kaniyang mga anak na lalaki ay mga pari sa mga lipi ng Daneo hanggang sa araw ng pagbihag sa lupain.
31 Wystawili tedy sobie on obraz ryty, który był uczynił Michas, po wszystkie dni, póki był dom Boży w Sylo.
Kaya sinamba nila ang inukit na anyo na ginawa ni Mikias hangga't ang bahay ng Diyos ay nasa Silo.

< Księga Sędziów 18 >