< Canticum Canticorum 8 >

1 Quis mihi det te fratrem meum, sugentem ubera matris meæ, ut inveniam te foris, et deosculer te, et jam me nemo despiciat?
Hinahangad kong maging tulad ka ng aking kapatid na lalaki, na sumuso sa dibdib ng aking ina. At, sa tuwing nakikita kita sa labas, mahahalikan kita, at walang maaaring humamak sa akin.
2 Apprehendam te, et ducam in domum matris meæ: ibi me docebis, et dabo tibi poculum ex vino condito, et mustum malorum granatorum meorum.
Pangungunahan kita at dadalhin kita sa bahay ng aking ina, at ako ay tuturuan mo. Bibigyan kita ng alak na hinaluan ng pampalasa para inumin at kaunting katas ng aking mga bunga na granada. Ang dalagang babae ay nagsasalita sa kaniyang sarili.
3 Læva ejus sub capite meo, et dextera illius amplexabitur me.
Hinahawakan ng kaniyang kaliwang kamay ang aking ulo; niyayapos niya ako ng kaniyang kanang kamay. Ang babae ay nagsasalita sa ibang kababaihan.
4 Adjuro vos, filiæ Jerusalem, ne suscitetis, neque evigilare faciatis dilectam, donec ipsa velit.
Nais kong manumpa kayo, mga anak na babae ng kalalakihan ng Jerusalem, na hindi ninyo gagambalain ang aming pagtatalik hanggang ito ay matapos. Ang mga kababaihan ng Jerusalem ay nagsasalita
5 Quæ est ista quæ ascendit de deserto, deliciis affluens, innixa super dilectum suum? Sub arbore malo suscitavi te; ibi corrupta est mater tua, ibi violata est genitrix tua.
Sino ito na dumarating mula sa ilang, na sumasandal sa kaniyang minamahal? Ang dalaga ay nagsasalita sa kaniyang mangingibig ginising kita sa ilalim ng puno ng aprikot kung saan ipinagbuntis ka ng iyong ina, kung saan ka niya isinilang.
6 Pone me ut signaculum super cor tuum, ut signaculum super brachium tuum, quia fortis est ut mors dilectio, dura sicut infernus æmulatio: lampades ejus lampades ignis atque flammarum. (Sheol h7585)
Ilagay mo ako bilang isang tatak sa iyong puso, katulad ng isang selyo sa iyong bisig, dahil ang pag-ibig ay kasing lakas tulad ng kamatayan. Ang madamdaming debosyon ay tulad ng pagpupumilit ng sheol; ang mga apoy nito ay lumalagablab; ito ay isang nagliliyab na apoy, isang apoy na mas mainit kaysa sa anumang apoy. (Sheol h7585)
7 Aquæ multæ non potuerunt extinguere caritatem, nec flumina obruent illam. Si dederit homo omnem substantiam domus suæ pro dilectione, quasi nihil despiciet eam.
Hindi kayang pawiin ng mga tubig na dumadaluyong ang pag-ibig, kahit mga baha ay hindi kayang tangayin nito. Kung ibinigay ng isang lalaki ang lahat ng mga pag-aari sa kaniyang tahanan para sa pag-ibig, ang inaalok niya ay maaaring lubos na hamakin. Ang mga kapatid na lalaki ng dalagang babae ay nagsasalita sa kanilang mga sarili.
8 Soror nostra parva, et ubera non habet; quid faciemus sorori nostræ in die quando alloquenda est?
Kami ay mayroong isang batang kapatid na babae, at hindi pa lumalaki ang kaniyang mga dibdib. Ano ang magagawa namin para sa aming kapatid na babae sa araw na siya ay ipapangakong ikakasal?
9 Si murus est, ædificemus super eum propugnacula argentea; si ostium est, compingamus illud tabulis cedrinis.
Kung siya ay isang pader, magtatayo kami sa kaniya ng isang tore na pilak. Kung siya ay isang pintuan, siya ay aming pagagandahin na may mga tabla ng cedar. Ang dalaga ay nagsasalita sa kaniyang sarili.
10 Ego murus, et ubera mea sicut turris, ex quo facta sum coram eo, quasi pacem reperiens.
Ako ay isang pader, pero ang dibdib ko ay katulad ng kuta ng mga tore; kaya ako ay ganap ng hinog sa kaniyang paningin. Ang dalaga ay nagsasalita sa kaniyang sarili.
11 Vinea fuit pacifico in ea quæ habet populos: tradidit eam custodibus; vir affert pro fructu ejus mille argenteos.
May isang ubasan si Solomon sa Baal Hamon; pinaupahan niya ang ubasan sa mga nais mag-alaga nito. Bawa't isa ay magdadala ng isang libong halaga ng pilak para sa bunga nito.
12 Vinea mea coram me est. Mille tui pacifici, et ducenti his qui custodiunt fructus ejus.
Ang aking ubasan ay talagang akin; ang libong pera ay iyong pag-aari, minamahal kong Solomon, at ang dalawang daang pera ay para sa mga nag-aalaga para sa bunga nito. Ang kasintahan ng babae ay nagsasalita sa kaniya
13 Quæ habitas in hortis, amici auscultant; fac me audire vocem tuam.
Ikaw na naninirahan sa mga hardin, ang aking mga kasama ay nakikinig sa iyong tinig; hayaan mong ako ay makarinig din nito. Ang dalaga ay nagsasalita sa kaniyang kasintahan
14 Fuge, dilecte mi, et assimilare capreæ, hinnuloque cervorum super montes aromatum.
Magmadali ka, aking minamahal, at maging katulad ng isang gasel o isang batang usang barako sa mga bundok ng mga sangkap ng pabango.

< Canticum Canticorum 8 >