< Daniel 1 >

1 After King Jehoiakim had been ruling in Judah for almost three years, King Nebuchadnezzar of Babylon came to Jerusalem [with his army] and surrounded the city.
Sa ikatlong taon ng paghahari ni Jehoiakim na hari ng Juda, dumating si Nebucadnezar na hari ng Babilonia sa Jerusalem at kinubkob ang lungsod upang putulin ang lahat ng mga tulong para rito.
2 [After two years, ] Yahweh allowed Nebuchadnezzar’s [soldiers] to capture Jehoiakim, [who was the] King of Judah. They also took some of the things that were in the temple of God, and took them to Babylonia. There Nebuchadnezzar put them in the temple of his god.
Binigyan ng Panginoon si Nebucadnezar ng katagumpayan laban kay Jehoiakim na hari ng Juda at ibinigay sa kaniya ang ilan sa mga sagradong bagay mula sa tahanan ng Diyos. Dinala niya ang mga ito sa lupain ng Babilonia, sa tahanan ng kaniyang diyos at inilagay ang sagradong mga bagay sa kabang-yaman ng kaniyang diyos.
3 Then Nebuchadnezzar commanded Ashpenaz, the chief official in his palace, to bring [to him] some of the Israeli men [whom they had brought to Babylon. He wanted men] who belonged to important families, including the family of the King of Judah.
At nakipag-usap ang hari kay Aspenaz, ang kaniyang pinunong opisyal upang dalhin ang ilan sa mga Israelita, sa maharlikang angkan at mga dakilang tao—
4 [King Nebuchadnezzar wanted only] men who were very healthy, handsome/good-looking, wise, well-educated, capable of learning many things, and suitable for working in the palace. He also wanted to teach them the Babylonian language and have them read things that had been written in the Babylonian language.
mga binatang walang kapintasan, kaakit-akit ang itsura, at mahusay sa lahat ng karunungan, puno ng kaalaman at pang-unawa at karapat-dapat na maglingkod sa palasyo ng hari. Tuturuan niya sila ng panitikan at wika ng mga taga-Babilonia.
5 The king commanded [his servants], “Give them the same kind of food and wine that is given to me. Train them for three years. Then they will become my servants.”
At ibinilang sila ng hari ng bahagi sa araw ng kaniyang mga pagkain at sa alak na kaniyang iinumin. Sasanayin ang mga binatang ito sa tatlong taon at pagkatapos, maglilingkod sila sa hari.
6 Among the young Israeli men [who were chosen] were [me], Daniel, and Hananiah, Mishael, and Azariah, who all came from Judah.
Kabilang sa mga ito ay sina Daniel, Hananaias, Misael, at Azarias, ilan sa mga tao ng Juda.
7 But Ashpenaz gave us [Babylonian] names. The name he gave to me was Belteshazzar, the name he gave to Hananiah was Shadrach, the name he gave to Mishael was Meshach, and the name he gave to Azariah was Abednego.
Binigyan sila ng mga pangalan ng pinunong opisyal: tinawag si Daniel na Beltesazar, tinawag si Hananias na Shadrac, si Misael na Meshac, at si Azarias na Abednego.
8 But I decided that I would not eat the kind of food that the king ate, or drink the wine that he drank, because that would make me (ritually defiled/unacceptable to God). So I asked Ashpenaz to allow me to eat and drink other things.
Ngunit ipinasiya ni Daniel sa kaniyang isipan na hindi niya dudungisan ang kaniyang sarili sa mga pagkain ng hari o sa mga alak na kaniyang iniinom. Kaya humiling siya ng pahintulot mula sa pinunong opisyal na hindi niya maaaring dungisan ang kaniyang sarili.
9 God had caused Ashpenaz to greatly respect me,
Binigyang pabor at habag ng Diyos si Daniel sa pamamagitan ng pagkakaroon ng paggalang ng pinuno ng mga opisyal sa kaniya.
10 but he was worried about what I suggested. He said, “My master, the king, has commanded that you eat the kinds of food and drink that he does. If [you eat other things and as a result] you become more thin and pale than the other young men who are your age, he will [order his soldiers to] cut off my head because of what you have done!”
Sinabi ng pinunong opisyal kay Daniel, “Natatakot ako sa aking panginoong hari. Ipinag-utos ng hari kung ano ang inyong kakainin at ang inyong iinumin. Bakit kailangan niyang makita na mukhang mahina kayo kaysa sa mga binata na kasing-edad ninyo? Pupugutan ako ng ulo ng hari dahil sa inyo.”
11 Ashpenaz had ordered a guard to watch me, Hananiah, Mishael, and Azariah.
At nakipag-usap si Daniel sa katiwala na siyang itinalaga ng pinunong opisyal kina Daniel, Hananias, Misael at Azarias.
12 So I said to this guard: “[Please] test us for ten days. [During that time] give us [only] vegetables to eat and water to drink.
Sinabi niya, “Nakikiusap ako na subukin mo kami, ang iyong mga lingkod, sa sampung araw. Bigyan mo lamang kami ng ilang mga gulay na makakain at tubig upang inumin.
13 After ten days, see how we look, and see how the other young men look, the ones who are eating the kind of food that the king eats. Then you can decide about [what food you will let us eat].”
At ihambing ang aming itsura sa itsura ng mga binatang nagsikain ng pagkain ng hari, at pakitunguhan mo kami, na iyong mga lingkod, batay sa kung ano ang iyong nakita.”
14 The guard agreed to do what I suggested, and he tested us like that for ten days.
Kaya sumang-ayon ang tagapamahala sa kaniya na gawin ito. At sinubukan niya sila sa loob ng sampung araw.
15 After ten days, [he saw that] my three friends and I looked healthier [DOU] than the young men who had been eating the food that the king wanted them to eat.
At pagkatapos ng sampung araw ang kanilang itsura ay naging mas malusog, at malakas ang pangangatawan kaysa sa lahat ng mga binata na kumain ng pagkain ng hari.
16 So after that, the guard gave us [only] vegetables to eat; he did not give us the king’s special food and wine.
Kaya kinuha ng mga katiwala ang kanilang mga pagkain at ang kanilang alak at binigyan lamang sila ng mga gulay.
17 And God gave to us four young men wisdom and the ability to study many things that Babylonians had written and studied. And [he also gave to] me the ability to understand the meaning of visions and dreams.
Para sa apat na binatang ito, pinagkalooban sila ng Diyos ng kaalaman at maliwanag na pagkaunawa sa lahat ng panitikan at karunungan at nauunawaan ni Daniel ang lahat ng uri ng mga pangitain at mga panaginip.
18 When those three years that the king had set for training us young men from Judah were ended, Ashpenaz brought all of us to King Nebuchadnezzar.
At sa pagtatapos ng araw na itinakda ng hari upang sila ay dalhin, dinala sila ng pinunong opisyal sa harapan ni Nebucadnezar.
19 The king talked with [each of] us, and realized that none of the other young men were as capable as Hananiah, Mishael, Azariah and I were. So we four became the king’s special advisors/servants.
Kinausap sila ng hari, at sa kanilang lahat walang maihahalintulad kay Daniel, Hananias, Misael, at Azarias. Nakatayo sila sa harap ng hari, nakahandang paglingkuran siya.
20 In all important matters, the king found that what we [four men] advised was ten times as good as what all the magicians and sorcerers/fortune-tellers in his kingdom advised.
At sa bawat katanungan ng karunungan at pang-unawa na itinanong sa kanila ng hari, nasumpungan niya na sila ay sampung beses na mas mainam kaysa sa lahat ng salamangkero at ang mga umaangking nakakausap ang mga patay na nasa kaniyang buong kaharian.
21 I remained [there serving the king more than 60 years], until the first year that Cyrus became king.
Namalagi si Daniel hanggang sa unang taon ng haring Ciro.

< Daniel 1 >