< 1 Kings 20 >
1 Ben-Hadad, the king of Syria, gathered all his army, and he persuaded 32 other kings to join him with their armies and horses and chariots. They marched to Samaria [city, the capital of Israel], and surrounded it, and [prepared to] attack it.
At pinisan ni Ben-adad na hari sa Siria ang buong hukbo niya: at may tatlong pu't dalawang hari na kasama siya, at mga kabayo, at mga karo: at siya'y umahon at kinubkob ang Samaria, at nilabanan yaon.
2 Ben-Hadad sent messengers into the city to King Ahab, to say this to him: “This is what King Ben-Hadad says:
At siya'y nagsugo ng mga sugo kay Achab na hari sa Israel, sa loob ng bayan, at sinabi niya sa kaniya, Ganito ang sabi ni Ben-adad,
3 ‘[You must give to] me all your silver and gold, your (good-looking/most beautiful) wives/women and strongest children.’”
Ang iyong pilak at ang iyong ginto ay akin: pati ng iyong mga asawa at ng iyong mga anak, ang mga pinaka mahusay, ay akin.
4 The king of Israel replied to them, “Tell this to King Ben-Hadad: ‘I agree to do what you requested. You can have me and everything that I own.’”
At ang hari ng Israel ay sumagot, at nagsabi, Ayon sa iyong sabi, panginoon ko, Oh hari; ako'y iyo, at lahat ng aking tinatangkilik.
5 [The messengers told that to] Ben-Hadad, and he [sent them back with] another message: “I sent a message to you saying that you must give me all your silver and gold and your wives and your children.
At ang mga sugo ay bumalik, at nagsabi, Ganito ang sinasalita ni Ben-adad na sinasabi, Ako'y tunay na nagsugo sa iyo, na nagpapasabi, Iyong ibibigay sa akin ang iyong pilak, at ang iyong ginto, at ang iyong mga asawa, at ang iyong mga anak;
6 But [in addition to that], about this time tomorrow, I will send some of my officials to search your palace and the houses of your officials, and to bring to me everything that pleases them.”
Nguni't susuguin ko sa iyo kinabukasan ang aking mga lingkod; sa may ganitong panahon, at kanilang sasaliksikin ang iyong bahay, at ang mga bahay ng iyong mga lingkod, at mangyayari, na anomang maligaya sa harap ng iyong mga mata ay hahawakan nila ng kanilang kamay, at dadalhin.
7 King Ahab summoned all the leaders of Israel, and said to them, “You can see/realize for yourselves that this man is trying to cause much trouble. He sent me a message insisting that I must give him my wives and my children, my silver and my gold, and I agreed to do that.”
Nang magkagayo'y tinawag ng hari ng Israel ang lahat na matanda sa lupain, at sinabi, Isinasamo ko sa inyo na inyong tandaan at tingnan kung paanong ang taong ito'y humahanap ng pakikipagkaalit: sapagka't kaniyang ipinagbilin ang aking mga asawa, at aking mga anak, at aking pilak, at aking ginto; at hindi ko ipinahindi sa kaniya.
8 The leaders and all the other people said to him, “Do not pay any attention to him! Do not do what he is requesting!”
At sinabi sa kaniya ng lahat na matanda at ng buong bayan, Huwag mong dinggin, o tulutan man.
9 So Ahab said to Ben-Hadad’s messengers, “Tell the king that I agree to give him the things that he first requested, but I do not agree to allow his officials to take anything that they want from my palace and from the houses of my officials.” So the messengers [reported that to King Ben-Hadad, and they] returned with another message from Ben-Hadad.
Kaya't kaniyang sinabi sa mga sugo ni Ben-adad, Saysayin ninyo sa aking panginoon na hari, Ang lahat na iyong ipinasugo sa iyong lingkod ng una ay aking gagawin: nguni't ang bagay na ito ay hindi ko magagawa. At ang mga sugo ay nagsialis at nagsipagbalik ng salita sa kaniya.
10 In that message he said, “[We will destroy] your city [completely, with the result that] there will not be enough dust and rubble left for each of my soldiers to have one handful! I hope/wish that the gods will strike me dead if we do not do that!”
At si Ben-adad ay nagsugo sa kaniya, at nagsabi, Gawing gayon ng mga dios sa akin, at lalo na kung ang alabok sa Samaria ay magiging sukat na dakutin ng buong bayan na sumusunod sa akin.
11 King Ahab replied [to the messengers], “Tell King Ben-Hadad that a soldier who is putting on his armor [preparing to fight a battle] [MTY] should not boast at that time; he [should wait until] after he wins the battle.”
At ang hari sa Israel ay sumagot, at nagsabi, Saysayin ninyo sa kaniya na huwag maghambog ang nagbibigkis ng sakbat na gaya ng naghuhubad.
12 Ben-Hadad heard that message while he and the other rulers were drinking [wine] in their temporary shelters. He told his men to prepare to attack [MTY] the city. So his men did that.
At nangyari, nang marinig ni Ben-adad ang pasugong ito, sa paraang siya'y umiinom, siya, at ang mga hari sa mga kulandong, na kaniyang sinabi sa kaniyang mga lingkod, Magsihanay kayo. At sila'y nagsihanay laban sa bayan.
13 At that moment, a prophet came to King Ahab and said to him, “This is what Yahweh says: ‘[Do not be at all afraid of] [RHQ] the large enemy army that you see! I will enable your army to defeat them today, and you will know that it is I, Yahweh, [who have the power to do what I say that I will do].’”
At, narito, isang propeta ay lumapit kay Achab na hari sa Israel, at nagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, Nakita mo ba ang lubhang karamihang ito? narito, aking ibibigay sa iyong kamay sa araw na ito; at iyong makikilala na ako ang Panginoon.
14 Ahab asked, “What group [of our army] will defeat them?” The prophet replied, “The young soldiers who are commanded by the district governors will do it.” The king asked, “Who should lead the attack?” The prophet replied, “You should!”
At sinabi ni Achab, Sa pamamagitan nino? At kaniyang sinabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, Sa pamamagitan ng mga bataan ng mga prinsipe sa mga lalawigan. Nang magkagayo'y sinabi niya, Sino ang magpapasimula ng pagbabaka? At siya'y sumagot, Ikaw.
15 So Ahab gathered the young soldiers who were commanded by the district governors. There were 232 of those men. Then he also summoned all the Israeli army. There were [only] 7,000 soldiers.
Nang magkagayo'y kaniyang hinusay ang mga bataan ng mga prinsipe sa mga lalawigan, at sila'y dalawang daan at tatlong pu't dalawa; at pagkatapos ay kaniyang pinisan ang buong bayan, ang lahat ng mga anak ni Israel, na may pitong libo.
16 They started to attack at noon, while Ben-Hadad and the other rulers were getting drunk in their temporary shelters.
At sila'y nagsialis ng katanghaliang tapat. Nguni't si Ben-adad ay umiinom na lango sa mga kulandong, siya, at ang mga hari, na tatlong pu't dalawang hari na nagsisitulong sa kaniya.
17 The young soldiers advanced first. Some scouts who had been sent out by Ben-Hadad reported to him, “There are men coming out of Samaria [city]”!
At ang mga bataan ng mga prinsipe sa mga lalawigan ay nagsilabas na una; at si Ben-adad ay nagsugo, at isinaysay nila sa kaniya, na sinabi, May mga taong nagsilabas na mula sa Samaria.
18 He said, “It does not matter whether they are coming to fight against us or to ask for peace. Capture them, but do not kill them
At kaniyang sinabi, Maging sila'y magsilabas sa ikapapayapa, ay hulihin ninyong buhay; o maging sila'y magsilabas sa pakikidigma, ay hulihin ninyong buhay.
19 The young Israeli soldiers went out of the city to attack [the Syrian army], and the other soldiers in the Israeli army followed them.
Sa gayo'y ang mga ito ay lumabas sa bayan, ang mga bataan ng mga prinsipe sa mga lalawigan, at ang hukbong sumusunod sa kanila.
20 Each [Israeli soldier] killed a [Syrian] soldier. The rest of the Syrian army then ran away, and the Israeli soldiers pursued them. But King Ben-Hadad escaped riding his horse, along with some other men riding horses.
At pinatay ng bawa't isa ang kanikaniyang kalabang lalake; at ang mga taga Siria ay nagsitakas, at hinabol sila ng Israel; at si Ben-adad na hari sa Siria ay tumakas na nakasakay sa isang kabayo na kasama ng mga mangangabayo.
21 Then the king of Israel went out [of the city], and he and his soldiers captured [all] the [other Syrian] horses and chariots, and also killed a large number of Syrian soldiers.
At ang hari sa Israel ay lumabas, at sinaktan ang mga kabayo at mga karo, at pinatay ang mga taga Siria ng malaking pagpatay.
22 Then that same prophet went to King Ahab and said to him, “Go back and prepare your soldiers, and think carefully about what will be necessary for you to do, because the king of Syria with attack with his army again in the springtime of next year.”
At ang propeta ay lumapit sa hari sa Israel, at nagsabi sa kaniya, Ikaw ay yumaon, magpakalakas ka, at iyong tandaan, at tingnan mo kung ano ang iyong ginagawa; sapagka't sa pagpihit ng taon ay aahon ang hari sa Siria laban sa iyo.
23 [After the Syrian army was defeated, ] Ben-Hadad’s officials said to him, “The gods that the Israelis [worship] are gods [who live] in the hills. [Samaria is built on a hill, and] that is why their soldiers were able to defeat us. But if we fight against them in the plains/lowlands, we certainly will be able to defeat them.
At sinabi ng mga lingkod ng hari sa Siria sa kaniya, Ang kanilang dios ay dios sa mga burol; kaya't sila'y nagsipanaig sa atin: nguni't magsilaban tayo laban sa kanila sa kapatagan, at walang pagsalang tayo'y magiging lalong malakas kay sa kanila.
24 So, this is what you should do: You must remove the 32 kings [who are leading your troops] and replace them with army commanders.
At gawin mo ang bagay na ito; alisin mo ang mga hari sa kanikaniyang kalagayan, at maglagay ka ng mga punong kawal na kahalili nila:
25 Then gather an army like the army that was defeated. Gather an army that has as many horses and chariots as the first army had. Then we will fight the Israelis in the plains/lowlands, and we will surely defeat them.” Ben-Hadad agreed with them, and he did what they suggested.
At bumilang ka sa iyo ng isang hukbo, na gaya ng hukbo na iyong ipinahamak, kabayo kung kabayo, at karo kung karo: at tayo'y magsisilaban sa kanila sa kapatagan, at walang pagsalang tayo'y magiging lalong malakas kay sa kanila. At kaniyang dininig ang kanilang tinig at ginawang gayon.
26 In the spring of the following year, he gathered his soldiers and marched [with them] to Aphek [city east of Galilee Lake], to fight against the Israeli army.
At nangyari, sa pagpihit ng taon, na hinusay ni Ben-adad ang mga taga Siria at umahon sa Aphec upang lumaban sa Israel.
27 The Israeli army was also gathered together, and they were equipped with the things that they needed [for the battle]. Then they marched out and formed two groups facing the Syrian army. Their army was very small; they resembled two small flocks of goats, whereas the Syrian army [was very large and] spread all over the countryside.
At ang mga anak ng Israel ay nangaghusay rin, at nangagbaon, at nagsiyaon laban sa kanila: at ang mga anak ng Israel ay humantong sa harap nila na wari dalawang munting kawang anak ng kambing; nguni't linaganapan ng mga taga Siria ang lupain.
28 A prophet came to King Ahab and said to him, “This is what Yahweh says: ‘The Syrians say that I am a god who lives in the hills, and that I am not a god who lives in the valleys. So I will [show that they are wrong by] enabling your men to defeat this huge army [IDM] [in the valley], and you will know that I, Yahweh, [have done it].’”
At isang lalake ng Dios ay lumapit at nagsalita sa hari ng Israel at nagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, Sapagka't sinabi ng mga taga Siria, Ang Panginoon ay dios sa mga burol, nguni't hindi siya dios sa mga libis: kaya't aking ibibigay ang buong malaking karamihang ito sa iyong kamay, at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
29 The two armies stayed in their tents for seven days, in groups that faced each other. Then, on the seventh day, they started fighting. The Israeli army killed 100,000 Syrian soldiers.
At sila'y humantong na ang isa ay tapat sa isa na pitong araw. At nagkagayon, nang sa ikapitong araw, ay sinimulan ang pagbabaka; at ang mga anak ni Israel ay nagsipatay sa mga taga Siria ng isang daang libong nangaglalakad sa isang araw.
30 The other Syrian soldiers ran away into Aphek City. Then the wall of the city collapsed and killed 27,000 more Syrian soldiers. Ben-Hadad also escaped into the city, and hid in the back room of a house.
Nguni't ang nangatira ay nagsitakas sa Aphec sa loob ng bayan; at ang kuta ay nabuwal sa dalawang pu't pitong libong lalake na nangatira. At si Ben-adad ay tumakas at pumasok sa bayan, sa isang silid na pinakaloob.
31 His officials went to him and said, “We have heard a report that the Israelis act mercifully. So allow us to go to the king of Israel, wearing coarse sacks around our waists and ropes on our heads/necks [to indicate that we will be his slaves]. Perhaps [if we do that, ] he will allow you to remain alive.”
At sinabi ng kaniyang mga lingkod sa kaniya, Narito, ngayon, aming narinig na ang mga hari sa sangbahayan ng Israel ay maawaing mga hari: isinasamo namin sa iyo na kami ay papagbigkisin ng magaspang na kayo sa aming mga balakang, at mga lubid sa aming mga leeg at labasin namin ang hari ng Israel: marahil, kaniyang ililigtas ang iyong buhay.
32 [The king permitted them to do that, ] so they wrapped coarse sacks around their waists and put ropes on their heads/necks, and they went to the king of Israel and said to him, “Ben-Hadad, who greatly respects you, says, ‘Please do not kill me.’” Ahab replied, “Is he still alive? He is like a brother to me!”
Sa gayo'y nagsipagbigkis sila ng magaspang na kayo sa kanilang mga balakang, at mga lubid sa kanilang mga leeg, at nagsiparoon sa hari ng Israel, at nagsipagsabi, Sinasabi ng iyong lingkod na si Ben-adad, Isinasamo ko sa iyo, na tulutan mong ako'y mabuhay. At sinabi niya, Siya ba'y buhay pa? siya'y aking kapatid.
33 Ben-Hadad’s officials were trying to find out if Ahab would act mercifully, and when Ahab said “brother,” they (were optimistic/thought that Ahab would be merciful). So they replied, “Yes, he is like your brother!” Ahab said, “Go and bring him to me.” So they [went and] brought Ben-Hadad to him. [When Ben-Hadad arrived, ] Ahab told him to get in his chariot [and sit with him].
Minatyagan ngang maingat ng mga lalake, at nagsipagmadaling hinuli kung sa ano nandoon ang kaniyang pagiisip: at kanilang sinabi, Ang iyong kapatid na si Ben-adad. Nang magkagayo'y sinabi niya, Kayo'y magsiyaon, dalhin ninyo siya sa akin. Nang magkagayo'y nilabas siya ni Ben-adad; at kaniyang pinasampa sa karo.
34 Ben-Hadad said to him, “I will give back to you the towns that my father’s army took from your father. And I will allow you to set up market areas for your merchants in Damascus [my capital], just as my father did in Samaria [your capital].” Ahab replied, “Because you agree to do that, I will not execute you.” So Ahab made an agreement with Ben-Hadad, and allowed him to go home.
At sinabi ni Ben-adad sa kaniya, Ang mga bayan na sinakop ng aking ama sa iyong ama ay aking isasauli; at ikaw ay gagawa sa ganang iyo ng mga lansangan sa Damasco, gaya ng ginawa ng aking ama sa Samaria. At ako, sabi ni Achab, payayaunin kita sa tipang ito. Sa gayo'y nakipagtipan siya sa kaniya, at pinayaon niya siya.
35 Then Yahweh spoke to a member of a group of prophets and said to him, “Ask one of your fellow prophets to strike and wound you.” [So he did what Yahweh told him to do]. [He said to one of his fellow prophets, ‘Strike me and wound me].’ But that man refused to do it.
At isang lalake sa mga anak ng mga propeta ay nagsabi sa kaniyang kasama sa pamamagitan ng salita ng Panginoon, Isinasamo ko sa iyo na saktan mo ako. At tumanggi ang lalake na saktan niya.
36 So the prophet said to him, “Because you refused to obey what Yahweh told you to do, a lion will kill you as soon as you leave me.” And as soon as he left that prophet, a lion suddenly pounced on him and killed him.
Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniya, Sapagka't hindi mo sinunod ang tinig ng Panginoon, narito, pagkahiwalay mo sa akin, ay papatayin ka ng isang leon. At pagkahiwalay niya sa kaniya, ay nasumpungan siya ng isang leon, at pinatay siya.
37 Then the prophet found another prophet, and said to him, “Strike me!” So that man hit him [very hard] and injured him.
Nang magkagayo'y nakasumpong siya ng isang lalake, at nagsabi, Isinasamo ko sa iyo na saktan mo ako. At sinaktan siya ng lalake, na sinaktan at sinugatan siya.
38 Then the prophet put a large bandage/cloth over his face so that no one would recognize him. Then he went and stood alongside the road, waiting for the king to come by.
Sa gayo'y umalis ang propeta at hinintay ang hari sa daan, at nagpakunwari na may isang piring sa kaniyang mga mata.
39 When the king passed by, the prophet cried out to him, saying “Your majesty, [after I was wounded] while I was fighting in a battle, a soldier brought to me one of our enemies that he had captured, and said to me, ‘Guard this man! If he escapes, you must pay me 3,000 pieces of silver, and if you do not pay that, you will be executed!’
At pagdadaan ng hari ay kaniyang sinigawan ang hari: at kaniyang sinabi, Ang iyong lingkod ay lumabas sa gitna ng pagbabaka; at, narito, isang lalake ay lumihis, at nagdala ng isang lalake sa akin, at nagsabi, Ingatan mo ang lalaking ito: kung sa anomang paraan ay makatanan siya, ang iyo ngang buhay ang mapapalit sa kaniyang buhay, o magbabayad ka kaya ng isang talentong pilak.
40 But while I was busy doing other things, the man escaped!” The king of Israel said to him, “That is your problem! You yourself have said that you deserve to be punished.”
At sa paraang ang iyong lingkod ay may ginagawa rito at doon, siya'y nakaalis. At sinabi ng hari ng Israel sa kaniya, Magiging ganyan ang iyong kahatulan: ikaw rin ang magpasiya.
41 The prophet immediately took off the bandage, and the king of Israel recognized that he was one of the prophets.
At siya'y nagmadali, at inalis niya ang piring sa kaniyang mga mata; at nakilala siya ng hari ng Israel na siya'y isa sa mga propeta.
42 And the prophet said to him, “This is what Yahweh says: ‘You have allowed that man [Ben-Hadad] to escape after I commanded you to be sure to execute him! Since you did not do that, you will be killed instead. And your army will be destroyed because you allowed [some of] his army to escape!’”
At sinabi niya sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Sapagka't iyong pinabayaang makatanan sa iyong kamay ang lalake na aking itinalaga sa kamatayan, ang iyo ngang buhay ay papanaw na kapalit ng kaniyang buhay, at ang iyong bayan ng kaniyang bayan.
43 The king went back home to Samaria, very angry and depressed/dejected.
At ang hari ng Israel ay umuwi sa kaniyang bahay na yamot at lunos at, naparoon sa Samaria.