< Mark 8 >
1 In those days, there being again a great multitude, and they having nothing to eat, he called the disciples to him, and saith to them,
Sa mga araw na iyon, naroon muli ang maraming tao at wala silang makain. Tinawag ni Jesus ang kaniyang mga alagad at sinabi sa kanila,
2 I have compassion on the multitude, because they have remained with me now three days, and they have nothing to eat.
“Naaawa ako sa mga tao dahil patuloy nila akong sinamahan ng tatlong araw at wala silang makain.
3 And if I send them away fasting to their houses, they will faint on the road; and some of them have come from altar.
Kung pauuwiin ko sila sa kanilang mga tahanan na hindi pa nakakakain, maaari silang himatayin sa daan. At nagmula pa sa malayo ang ilan sa kanila.”
4 And his disciples answered him, Whence can ally one satisfy these men with bread here in a wilderness?
Sinagot siya ng kaniyang mga alagad, “Saan tayo maaaring makakuha ng sapat na tinapay sa isang ilang na lugar upang busugin ang mga taong ito?”
5 And he asked them, How many loaves have ye? And they said, Seven.
Tinanong sila ni Jesus, “Ilang tinapay ang mayroon kayo?” Sinabi nila, “Pito.”
6 And he ordered the multitude to lie down on the ground; and he took the seven loaves, and gave thanks, and broke, and gave to his disciples to set before them; and they set them before the multitude.
Inutusan niyang umupo sa lupa ang mga tao. Kinuha niya ang pitong tinapay, nagpasalamat at hinati-hati ang mga ito. Ibinigay niya ang mga ito sa kaniyang mga alagad upang ipamigay nila, at ipinamigay nila ang mga ito sa mga tao.
7 And they had a few small fishes; and having blessed them, he set them before them.
Mayroon din silang ilang maliliit na isda, at matapos siyang makapagpasalamat para sa mga ito, inutusan niya ang kaniyang mga alagad na ipamahagi din ito.
8 And they ate, and were filled; and they took up of the fragments that remained, seven baskets.
Kumain sila at nabusog. At kinuha nila ang mga natirang pinaghati-hati, umabot ang mga ito sa pitong malalaking basket.
9 And they were about four thousand; and he sent them away.
May apat na libo ang mga taong naroroon. At pinauwi niya sila.
10 And immediately going on board the boat with his disciples, he came into the region of Dalmanutha.
Agad siyang sumakay sa bangka kasama ang kaniyang mga alagad at pumunta sila sa rehiyon ng Dalmanuta.
11 And the Pharisees came out, and began to question with him, seeking of him a sign from heaven, trying him.
At pumunta ang mga Pariseo at nagsimulang makipagtalo sa kaniya. Humingi sila sa kaniya ng palatandaan mula sa langit upang subukin siya.
12 And sighing deeply in his spirit, he saith, Why doth this generation seek for a sign? Truly do I say to you, A sign will not he given to this generation.
Napabuntong-hininga siya sa kaniyang espiritu at kaniyang sinabi, “Bakit naghahanap ng palatandaan ang salinlahing ito? Totoong sinasabi ko sa inyo, walang palatandaang ibibigay sa salinlahing ito.”
13 And leaving them, he again went on board and crossed to the other side.
Pagkatapos ay iniwan sila ni Jesus, muling sumakay sa bangka, at pumunta sa kabilang dako.
14 And they had forgotten to take bread, and had not in the boat with them more than one loaf.
Ngayon nakalimutan ng mga alagad na magdala ng tinapay. Mayroon lamang silang natitirang isang tinapay sa bangka.
15 And he charged them, saying, Take heed, beware of the leaven of the Pharisees, and the leaven of Herod.
Binalaan niya sila at sinabi, “Magmasid kayo at magbantay laban sa lebadura ng mga Pariseo at sa lebadura ni Herodes.”
16 And they reasoned among themselves, saying, It is because we have no bread.
Nangatwiran ang mga alagad sa isa't isa, “Ito ay dahil wala tayong tinapay.”
17 And knowing it, he saith to them, Why are ye reasoning, because ye have no bread? Do ye not yet perceive nor understand? Have ye your mind still blinded?
Batid ito ni Jesus, at sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo ipinangangatwirang wala kayong tinapay? Hindi pa ba ninyo nababatid? Hindi ba ninyo nauunawaan? Naging tigang na ba ang inyong mga puso?
18 Having eyes, do ye not see? and having ears, do ye not hear? And do ye not remember,
Mayroon kayong mga mata, hindi ba ninyo nakikita? Mayroon kayong mga tainga, hindi ba ninyo naririnig? Hindi pa rin ba ninyo naaalala?
19 when I broke the five loaves among the five thousand, and how many baskets full of fragments ye took up? They say to him, Twelve.
Nang hinati ko ang limang tinapay para sa limang libo, ilang basket ang inyong napuno ng mga hinati-hating tinapay?” Sinabi nila sa kaniya, “Labindalawa.”
20 When also the seven among the four thousand, how many baskets full of fragments did ye take up? And they say, Seven.
“At nang hinati-hati ko ang pitong tinapay para sa apat na libo, ilang basket ang inyong napuno?” Sinabi nila sa kaniya, “Pito.”
21 And he said to them, Do ye not yet understand?
Sinabi niya, “Hindi pa rin ba ninyo nauunawaan?”
22 And they come to Bethsaida. And they bring to him a blind man, and beseech him to touch him.
Nakarating sila sa Betsaida. Dinala sa kaniya ng mga tao doon ang isang lalaking bulag at pinakiusapan nila si Jesus na hawakan siya.
23 And taking the blind man by the hand, he led him out of the village; and spitting on his eyes, and putting his hands on him, he asked him if he saw anything.
Inalalayan ni Jesus ang lalaking bulag at dinala siya palabas ng nayon. Nang niluraan niya ang kaniyang mga mata at pinatong ang kaniyang kamay sa kaniya, tinanong niya ito, “May nakikita ka bang anumang bagay?”
24 And he looked up, and said, I can see men, for I see them as trees, walking.
Tumingin siya at sinabi, “Nakakakita ako ng mga taong parang mga punong naglalakad.”
25 Then he again put his hands on his eyes, and he saw clearly, and was restored, and saw all things distinctly.
Kaya ipinatong niyang muli ang kaniyang mga kamay sa kaniyang mga mata, at iminulat ng lalaki ang kaniyang mga mata, nanumbalik ang kaniyang paningin, at malinaw niyang nakita ang lahat ng mga bagay.
26 And he sent him away to his house, saying, Go not into the village.
Pinauwi siya ni Jesus sa kaniyang tahanan at sinabi, “Huwag kang papasok sa bayan.”
27 And Jesus went out, and his disciples, into the villages of Caesarea Philippi. And on the way he asked his disciples, saying to them, Who do men say that I am?
Umalis si Jesus at ang kaniyang mga alagad patungo sa nayon ng Cesarea Filipos. Sa daan tinanong niya ang kaniyang mga alagad, “Sino ako ayon sa mga sinasabi ng mga tao?”
28 And they answered him, saying, John the Baptist; and others, Elijah; and others, One of the prophets.
Sumagot sila at sinabi, “Si Juan na Tagabautismo. Sinasabi ng iba, 'si Elias,' at ang iba, 'Isa sa mga propeta.'”
29 And he asked them, But who do ye say that I am? Peter answering saith to him, Thou art the Christ.
Tinanong sila ni Jesus, “Ngunit para sa inyo, sino ako?” Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Ikaw ang Cristo.”
30 And he strictly charged them to tell no one concerning him.
Binalaan sila ni Jesus na huwag ipagsabi sa kahit kanino ang tungkol sa kaniya.
31 And he began to teach them that the Son of man must suffer many things, and be rejected by the elders and the chief priests and the scribes, and be put to death, and after three days rise again;
At nagsimula siyang magturo sa kanila na ang Anak ng Tao ay kailangang magdusa ng maraming bagay, at hindi tatanggapin ng mga nakatatanda, ng mga punong pari at ng mga eskriba, at ipapapatay, at muling babangon matapos ang tatlong araw.
32 and he told them this plainly. And Peter, taking him aside, began to rebuke him.
Malinaw niya itong sinabi. At dinala siya ni Pedro sa isang tabi at nagsimula siyang pagsabihan.
33 But he turning about and looking at his disciples, rebuked Peter, and saith, Get thee behind me, Satan! for thy thoughts are not on the things of God, but on those of men.
Ngunit lumingon si Jesus at tumingin sa kaniyang mga alagad at sinaway niya si Pedro at sinabi, “Layuan mo ako Satanas! Hindi mo pinahahalagahan ang mga bagay tungkol sa Diyos ngunit pinahahalagahan mo ang mga bagay tungkol sa mga tao.”
34 And calling the multitude to him with his disciples also, he said to them, Whoever chooseth to follow me, let him deny himself, and take up his cross, and follow me.
Pagkatapos tinawag niya ang maraming tao, kasama ng kaniyang mga alagad, at sinabi niya sa kanila, “Kung sinuman ang nagnanais sumunod sa akin, kailangan niyang ikaila ang kaniyang sarili, pasanin ang kaniyang krus at sumunod sa akin.
35 For whoever chooseth to save his life, will lose it; but whoever shall lose his life for the sake of me and of the glad tidings, will save it.
Sapagkat ang sinumang nais magligtas ng kaniyang buhay ay mawawalan nito at sinumang mawawalan ng kaniyang buhay alang-alang sa akin at para sa ebanghelyo ay makapagliligtas nito.
36 For what doth it profit a man to gain the whole world, and forfeit his life?
Ano ang mapapala ng isang tao, na makuha ang buong mundo at pagkatapos ay mawala ang kaniyang sariling buhay?
37 For what can a man give as an exchange for his life?
Ano ang maibibigay ng isang tao kapalit ng kaniyang buhay?
38 For whoever shall be ashamed of me and of my words in this adulterous and sinful generation, of him will also the Son of man be ashamed, when he cometh in the glory of his Father with the holy angels.
Kapag ikinahiya ako at ang aking salita ng sinuman sa mapangalunya at makasalanang salinlahing ito, ikakahiya rin siya ng Anak ng Tao kapag dumating na siya sa kaluwalhatian ng kaniyang Ama kasama ang mga banal na anghel.”