< Joshua 17 >

1 THERE was also a lot for the tribe of Manasseh; for he was the firstborn of Joseph; to wit, for Machir the firstborn of Manasseh, the father of Gilead: because he was a man of war, therefore he had Gilead and Bashan.
Ito ang lupaing itinalaga para sa lipi ng Manases (panganay na anak na lalaki ni Jose) —iyon ay, para kay Makir, na panganay ni Manases na siya mismong ama ng Galaad. Itinalaga ang lupain ng Galaad at Basan sa mga kaapu-apuhan ni Makir, dahil naging mandirigma si Makir.
2 There was also a lot for the rest of the children of Manasseh by their families; for the children of Abiezer, and for the children of Helek, and for the children of Asriel, and for the children of Shechem, and for the children of Hepher, and for the children of Shemida: these were the male children of Manasseh the son of Joseph by their families.
Ang lupain itinalaga sa natirang lipi ni Manases, ibinigay sa kanilang mga angkan—Abiezer, Helek, Asriel, Secem, Heper, at Semida. Ito ang mga lalaking kaapu-apuhan ni Manases anak na lalaki ni Jose, iniharap sa kanilang mga angkan.
3 But Zelophehad, the son of Hepher, the son of Gilead, the son of Machir, the son of Manasseh, had no sons, but daughters: and these are the names of his daughters, Mahlah, and Noah, Hoglah, Milcah, and Tirzah.
Ngayon si Zelopehad na anak na lalaki ni Heper na anak na lalaki ni Galaad anak na lalaki ni Makir anak na lalaki ni Manases ay walang mga anak na lalaki, pero mga anak na babae lamang. Ito ang mga pangalan ng kaniyang mga anak na babae: Mala, Noe, Hogla, Milka, and Tirza.
4 And they came near before Eleazar the priest, and before Joshua the son of Nun, and before the princes, saying, The Lord commanded Moses to give us an inheritance among our brethren. Therefore according to the commandment of the Lord he gave them an inheritance among the brethren of their father.
Nilapitan nila si Eleazar na pari, Josue anak na lalaki ni Nun at ang mga pinuno, at kanilang sinabi, “Iniutos ni Yahweh kay Moises na ibigay sa amin ang isang pamana kasama ng aming mga kapatid na lalaki.” Kaya, sa pagsunod sa kautusan ni Yahweh, binigyan niya ang mga kababaihang iyon ng isang pamana kasama ng mga kapatid na lalaki ng kanilang ama.
5 And there fell ten portions to Manasseh, beside the land of Gilead and Bashan, which were on the other side Jordan;
Itinalaga ang sampung piraso ng lupa kay Manases sa Galaad at Basan, na nasa kabilang dako ng Jordan,
6 Because the daughters of Manasseh had an inheritance among his sons: and the rest of Manasseh’s sons had the land of Gilead.
dahil nakatanggap ng pamana ang mga anak na babae ni Manases kasama ng kaniyang mga anak na lalaki. Itinalaga ang lupain ng Galaad sa natitirang lipi ni Manases.
7 And the coast of Manasseh was from Asher to Michmethah, that lieth before Shechem; and the border went along on the right hand unto the inhabitants of En-tappuah.
Umabot mula Aser hanggang Micmetat ang lupain ni Manases, na nasa silangan ng Secem. Pagkatapos umabot ang hangganan patimog sa mga naninirahan na malapit sa bukal ng Tappua.
8 Now Manasseh had the land of Tappuah: but Tappuah on the border of Manasseh belonged to the children of Ephraim;
(Ang lupain ng Tappua ay pag-aari ng Manases, pero ang bayan ng Tappua sa hangganan ng Manases ay pag-aari ng lipi ni Efraim.)
9 And the coast descended unto the river Kanah, southward of the river: these cities of Ephraim are among the cities of Manasseh: the coast of Manasseh also was on the north side of the river, and the outgoings of it were at the sea:
Nagtuloy ang hangganan sa batis ng Kana. Ang mga katimugang lungsod ng batis na ito kasama ng mga bayan ni Manases ay pag-aari ni Efraim. Ang hangganan ng Manases na nasa tagiliran ng hilagang batis, at nagtapos ito sa dagat.
10 Southward it was Ephraim’s, and northward it was Manasseh’s, and the sea is his border; and they met together in Asher on the north, and in Issachar on the east.
Ang lupain sa timog ay pag-aari ni Efraim, at ang lupain sa hilaga ay kay Manases; ang dagat ay ang hangganan. Sa hilagang dako mararating ang Aser, at sa silangan, ang Isacar.
11 And Manasseh had in Issachar and in Asher Beth-shean and her towns, and Ibleam and her towns, and the inhabitants of Dor and her towns, and the inhabitants of Endor and her towns, and the inhabitants of Taanach and her towns, and the inhabitants of Megiddo and her towns, even three countries.
Gayundin sa Isacar at sa Aser, Inangkin ni Manases ang Beth San at nayon nito, Ibleam at nayo nito, ang mga maninirahan sa Dor at nayon nito, ang mga naninirahan sa Endor at nayon nito, ang mga naninirahan sa Taanac at nayon nito, ang mga naninirahan sa Megiddo at nayon nito (at ang ikatlong lungsod ay Napet).
12 Yet the children of Manasseh could not drive out the inhabitants of those cities; but the Canaanites would dwell in that land.
Gayon pa man hindi maangkin ng lipi ni Manases ang mga lungsod na iyon, dahil patuloy na naninirahan sa lupaing ito ang mga Cananaeo.
13 Yet it came to pass, when the children of Israel were waxen strong, that they put the Canaanites to tribute; but did not utterly drive them out.
Nang lumakas ang bayan ng Israel, pinagtrabaho nila nang sapilitan ang mga Cananaeo, pero hindi sila ganap na napaalis.
14 And the children of Joseph spake unto Joshua, saying, Why hast thou given me but one lot and one portion to inherit, seeing I am a great people, forasmuch as the Lord hath blessed me hitherto?
Pagkatapos sinabi ng mga kaapu-apuhan ni Jose kay Josue, sinabing, “Bakit isang lupain lamang ang iyong itinalaga sa amin at isang bahagi bilang pamana, yamang kami ay isang bayang marami ang bilang at sa lahat ng pagkakataon kami ay pinagpala ni Yahweh?”
15 And Joshua answered them, If thou be a great people, then get thee up to the wood country, and cut down for thyself there in the land of the Perizzites and of the giants, if mount Ephraim be too narrow for thee.
Sinabi ni Josue sa kanila, “Kung kayo ay isang bayan na marami ang bilang, umakyat kayo mismo sa kagubatan at doon linisin ang lupa para sa inyong mga sarili sa lupain ng mga Perezeo at ng Rephaim. Gawin ito, yamang napakaliit ng maburol na lupain ng Efraim para sa inyo.”
16 And the children of Joseph said, The hill is not enough for us: and all the Canaanites that dwell in the land of the valley have chariots of iron, both they who are of Beth-shean and her towns, and they who are of the valley of Jezreel.
Sinabi ng mga kaapu-apuhan ni Jose, “Hindi sapat para sa amin ang maburol na lupain. Pero may mga karwaheng bakal ang lahat ng Cananaeo na naninirahan sa lambak, kapwa ang nasa Beth San at mga nayon nito at ang mga nasa lambak ng Jezreel.”
17 And Joshua spake unto the house of Joseph, even to Ephraim and to Manasseh, saying, Thou art a great people, and hast great power: thou shalt not have one lot only:
Pagkatapos sinabi ni Josue sa sambahayan ni Jose—para kay Efraim at Manases, “Kayo ay isang bayan na marami ang bilang, at may malakas kayong kapangyarihan. Hindi dapat isang pirasong lupain lamang ang italaga sa inyo.
18 But the mountain shall be thine; for it is a wood, and thou shalt cut it down: and the outgoings of it shall be thine: for thou shalt drive out the Canaanites, though they have iron chariots, and though they be strong.
Magiging inyo rin ang maburol na lupaing ito. Kahit na kagubatan ito, lilinisin ninyo ito at aangkinin ito hanggang sa pinakamalayong hangganan nito. Palalayasin ninyo ang mga Cananaeo, kahit sila ay may mga karwaheng bakal at kahit na malakas sila.”

< Joshua 17 >