< Jeremiah 37 >
1 AND king Zedekiah the son of Josiah reigned instead of Coniah the son of Jehoiakim, whom Nebuchadrezzar king of Babylon made king in the land of Judah.
Ngayon, si Zedekias na anak ni Josias ang namuno bilang hari sa halip na si Jehoiakin na anak ni Jehoiakim. Ginawang hari ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia si Zedekias sa buong lupain ng Juda.
2 But neither he, nor his servants, nor the people of the land, did hearken unto the words of the Lord, which he spake by the prophet Jeremiah.
Ngunit si Zedekias, ang kaniyang mga lingkod, at ang mga tao sa lupain ay hindi nakinig sa mga salita ni Yahweh na kaniyang ipinahayag sa pamamagitan ng kamay ni Jeremias na propeta.
3 And Zedekiah the king sent Jehucal the son of Shelemiah and Zephaniah the son of Maaseiah the priest to the prophet Jeremiah, saying, Pray now unto the Lord our God for us.
Kaya si Haring Zedekias, at Jehucal na anak ni Selemias, at Zefanias na anak ni Maasias na pari ay nagpadala ng isang mensahe kay Jeremias na propeta. Sinabi nila, “Manalangin ka para sa amin kay Yahweh na ating Diyos.”
4 Now Jeremiah came in and went out among the people: for they had not put him into prison.
Ngayon, paparating na si Jeremias at pupunta sa mga tao, sapagkat hindi pa siya nakakulong.
5 Then Pharaoh’s army was come forth out of Egypt: and when the Chaldeans that besieged Jerusalem heard tidings of them, they departed from Jerusalem.
Lumabas ang mga hukbo ng Faraon mula sa Egipto at ng narinig ng mga Caldeo na sumalakay sa Jerusalem ang mga balita tungkol sa kanila, at umalis sa Jerusalem.
6 Then came the word of the Lord unto the prophet Jeremiah, saying,
At dumating ang salita ni Yahweh kay Jeremias na propeta at sinabi,
7 Thus saith the Lord, the God of Israel; Thus shall ye say to the king of Judah, that sent you unto me to inquire of me; Behold, Pharaoh’s army, which is come forth to help you, shall return to Egypt into their own land.
“Ito ang sinasabi ni Yahweh na Diyos ng Israel: Ito ang sasabihin mo sa hari ng Juda, sapagkat ipinadala ka niya upang humingi ng payo mula sa akin, 'Tingnan ninyo, ang hukbo ng Faraon na dumating upang tulungan kayo ay pabalik na sa Egipto sa kanilang sariling lupain.
8 And the Chaldeans shall come again, and fight against this city, and take it, and burn it with fire.
Babalik ang mga Caldeo. Makikipaglaban sila laban sa lungsod na ito, bibihagin at susunugin ito.'
9 Thus saith the Lord; Deceive not yourselves, saying, The Chaldeans shall surely depart from us: for they shall not depart.
Ito ang sinasabi ni Yahweh: Huwag ninyong linlangin ang inyong mga sarili sa pamamagitan ng pagsasabi, 'Tiyak na iiwanan tayo ng mga Caldeo,' ngunit hindi sila aalis.
10 For though ye had smitten the whole army of the Chaldeans that fight against you, and there remained but wounded men among them, yet should they rise up every man in his tent, and burn this city with fire.
Kahit na matalo ninyo ang buong hukbo ng Caldeo na nakipaglaban sa inyo, kaya, ang mga sugatan na kalalakihan na natitira sa kanilang mga tolda, babangon sila at susunugin ang lungsod na ito.”
11 And it came to pass, that when the army of the Chaldeans was broken up from Jerusalem for fear of Pharaoh’s army,
At nang paalis na ang hukbo ng mga Caldeo sa Jerusalem, paparating din ang hukbo na Faraon,
12 Then Jeremiah went forth out of Jerusalem to go into the land of Benjamin, to separate himself thence in the midst of the people.
at lumabas si Jeremias mula sa Jerusalem upang pumunta sa lupain ng Benjamin. Ninais niyang kunin ang kaunting bahagi ng isang ari-arian sa lupain doon sa kaniyang mga tao.
13 And when he was in the gate of Benjamin, a captain of the ward was there, whose name was Irijah, the son of Shelemiah, the son of Hananiah; and he took Jeremiah the prophet, saying, Thou fallest away to the Chaldeans.
Habang nasa Tarangkahan siya ng Benjamin, nandoon ang isang pinunong bantay. Ang kaniyang pangalan ay Irijas na anak ni Selemias na anak ni Hananias. Hinawakan niya ng mahigpit si Jeremias na propeta at sinabi, “Tumatakas ka upang kumampi sa mga Caldeo.”
14 Then said Jeremiah, It is false; I fall not away to the Chaldeans. But he hearkened not to him: so Irijah took Jeremiah, and brought him to the princes.
Ngunit sinabi ni Jeremias, “Hindi iyan totoo. Hindi ako tumatakas upang kumampi sa mga Caldeo.” Ngunit hindi nakinig si Irijas sa kaniya. Kinuha niya si Jeremias at dinala siya sa mga opisyal.
15 Wherefore the princes were wroth with Jeremiah, and smote him, and put him in prison in the house of Jonathan the scribe: for they had made that the prison.
Nagalit ang mga opisyal kay Jeremias. Binugbog nila siya at inilagay sa bilangguan na tahanan ni Jonatan na eskriba, sapagkat ginawa nila itong bilangguan.
16 When Jeremiah was entered into the dungeon, and into the cabins, and Jeremiah had remained there many days;
Kaya inilagay si Jeremias sa seldang nasa ilalim ng lupa, kung saan siya nanatili ng maraming araw.
17 Then Zedekiah the king sent, and took him out: and the king asked him secretly in his house, and said, Is there any word from the Lord? And Jeremiah said, There is: for, said he, thou shalt be delivered into the hand of the king of Babylon.
At nagpadala si Haring Zedekias ng isang tao na nagdala sa kaniya sa palasyo. Sa kaniyang tahanan, tinanong siya ng hari ng sarilinan, “Mayroon bang ibang salita mula kay Yahweh?” Sumagot si Jeremias, “Mayroon pang isang salita: Ibibigay kayo sa kamay ng hari ng Babilonia.”
18 Moreover Jeremiah said unto king Zedekiah, What have I offended against thee, or against thy servants, or against this people, that ye have put me in prison?
At sinabi ni Jeremias kay Haring Zedekias, “Paano ako nagkasala laban sa iyo, sa iyong mga lingkod o sa mga taong ito upang ilagay mo ako sa bilangguan?
19 Where are now your prophets which prophesied unto you, saying, The king of Babylon shall not come against you, nor against this land?
Nasaan ang iyong mga propeta, ang mga nanghula para sa iyo at sinabing ang hari ng Babilonia ay hindi darating laban sa iyo o laban sa lupaing ito?
20 Therefore hear now, I pray thee, O my lord the king: let my supplication, I pray thee, be accepted before thee; that thou cause me not to return to the house of Jonathan the scribe, lest I die there.
Ngunit ngayon, makinig ka aking panginoon na hari! Hayaan mo na ang aking pagsamo ay makarating sa iyong harapan. Huwag mo akong ibalik sa tahanan ni Jonatan na eskriba, kung hindi mamamatay ako roon.”
21 Then Zedekiah the king commanded that they should commit Jeremiah into the court of the prison, and that they should give him daily a piece of bread out of the bakers’ street, until all the bread in the city were spent. Thus Jeremiah remained in the court of the prison.
Kaya nagbigay ng isang utos si Haring Zedekias. ipinasok ng kaniyang lingkod si Jeremias sa loob ng patyo ng mga bantay. Binibigyan siya ng isang tinapay araw-araw mula sa lansangan ng mga panadero, hanggang maubos ang lahat ng tinapay sa lungsod. Kaya nanatili si Jeremias sa patyo ng mga bantay.