< Mark 10 >
1 And he arose from thence, and went into the coastes of Iudea by the farre side of Iordan, and the people resorted vnto him againe, and as he was wont, he taught them againe.
At siya'y umalis doon, at pumasok sa mga hangganan ng Judea at sa dako pa roon ng Jordan: at ang mga karamihan ay muling nakipisan sa kaniya; at, ayon sa kaniyang kinaugalian, ay muling tinuruan niya sila.
2 Then the Pharises came and asked him, if it were lawfull for a man to put away his wife, and tempted him.
At nagsilapit sa kaniya ang mga Fariseo, at siya'y tinanong, Matuwid baga sa lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa? na siya'y tinutukso.
3 And he answered, and sayde vnto them, What did Moses commaund you?
At sumagot siya at sa kanila'y sinabi, Ano ang iniutos sa inyo ni Moises?
4 And they sayd, Moses suffered to write a bill of diuorcement, and to put her away.
At sinabi nila, Ipinahintulot ni Moises na ilagda ang kasulatan sa paghihiwalay, at ihiwalay siya.
5 Then Iesus answered, and sayd vnto them, For the hardnesse of your heart he wrote this precept vnto you.
Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Dahil sa katigasan ng inyong puso ay inilagda niya ang utos na ito.
6 But at the beginning of the creation God made them male and female:
Nguni't buhat nang pasimula ng paglalang, Lalake at babaing ginawa niya sila.
7 For this cause shall man leaue his father and mother, and cleaue vnto his wife.
Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa;
8 And they twaine shalbe one flesh: so that they are no more twaine, but one flesh.
At ang dalawa ay magiging isang laman; kaya hindi na sila dalawa, kundi isang laman.
9 Therefore, what God hath coupled together, let not man separate.
Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao.
10 And in the house his disciples asked him againe of that matter.
At sa bahay ay muling tinanong siya ng mga alagad tungkol sa bagay na ito.
11 And he sayd vnto them, Whosoeuer shall put away his wife and marrie another, committeth adulterie against her.
At sinabi niya sa kanila, Ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya laban sa unang asawa:
12 And if a woman put away her husband, and be married to another, she committeth adulterie.
At kung ihiwalay ng babae ang kaniyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala siya ng pangangalunya.
13 Then they brought litle children to him, that he should touch them, and his disciples rebuked those that brought them.
At dinadala nila sa kaniya ang maliliit na bata, upang sila'y kaniyang hipuin: at sinaway sila ng mga alagad.
14 But when Iesus sawe it, he was displeased, and said to them, Suffer the litle children to come vnto me, and forbid them not: for of such is the kingdome of God.
Datapuwa't nang ito'y makita ni Jesus, ay nagdalang galit siya, at sinabi sa kanila, Pabayaan ninyong magsilapit sa akin ang maliliit na bata; huwag ninyo silang pagbawalan: sapagka't sa mga ganito nauukol ang kaharian ng Dios.
15 Verely I say vnto you, Whosoeuer shall not receiue the kingdome of God as a litle childe, he shall not enter therein.
Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sinomang hindi tumanggap ng kaharian ng Dios na tulad sa isang maliit na bata, ay hindi siya papasok doon sa anomang paraan.
16 And he tooke them vp in his armes, and put his hands vpon them, and blessed them.
At kinalong niya sila, at sila'y pinagpala, na ipinapatong ang kaniyang mga kamay sa kanila.
17 And when hee was gone out on the way, there came one running, and kneeled to him, and asked him, Good Master, what shall I doe, that I may possesse eternall life? (aiōnios )
At nang siya'y umalis na lumalakad sa daan, ay may isang tumakbong lumapit sa kaniya, at lumuhod sa harap niya, at siya'y tinanong, Mabuting Guro, ano ang gagawin ko upang ako'y magmana ng buhay na walang hanggan? (aiōnios )
18 Iesus sayde to him, Why callest thou me good? there is none good but one, euen God.
At sinabi sa kaniya ni Jesus, Bakit tinatawag mo akong mabuti? walang mabuti kundi isa lamang, ang Dios.
19 Thou knowest the comandements, Thou shalt not commit adulterie. Thou shalt not kill. Thou shalt not steale. Thou shalt not beare false witnesse. Thou shalt hurt no man. Honour thy father and mother.
Nalalaman mo ang mga utos, Huwag kang pumatay, Huwag kang mangalunya, Huwag kang magnakaw, Huwag kang sumaksi sa di katotohanan, Huwag kang magdaya, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina.
20 Then he answered, and said to him, Master, all these things I haue obserued from my youth.
At sinabi niya sa kaniya, Guro, ang lahat ng mga bagay na ito'y aking ginanap mula sa aking kabataan.
21 And Iesus looked vpon him, and loued him, and sayde vnto him, One thing is lacking vnto thee. Go and sell all that thou hast, and giue to the poore, and thou shalt haue treasure in heauen, and come, follow me, and take vp the crosse.
At pagtitig sa kaniya ni Jesus, ay giniliw siya, at sinabi sa kaniya, Isang bagay ang kulang sa iyo: yumaon ka, ipagbili mo ang lahat mong tinatangkilik, at ibigay mo sa dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit: at pumarito ka, sumunod ka sa akin.
22 But hee was sad at that saying, and went away sorowfull: for he had great possessions.
Datapuwa't siya'y nahapis sa sabing ito, at siya'y yumaong namamanglaw: sapagka't siya'y isang may maraming mga pag-aari.
23 And Iesus looked round about, and sayd vnto his disciples, Howe hardly doe they that haue riches, enter into the kingdome of God!
At lumingap si Jesus sa palibotlibot, at sinabi sa kaniyang mga alagad, Kay hirap na magsipasok sa kaharian ng Dios ang mga may kayamanan!
24 And his disciples were afraide at his words. But Iesus answered againe, and sayd vnto them, Children, how hard is it for them that trust in riches, to enter into the kingdome of God!
At nangagtaka ang mga alagad sa kaniyang mga salita. Datapuwa't si Jesus ay muling sumagot at nagsabi sa kanila, Mga anak, kay hirap na magsipasok sa kaharian ng Dios ang mga magsisiasa sa mga kayamanan!
25 It is easier for a camel to goe through the eye of a needle, then for a riche man to enter into the kingdome of God.
Magaan pa sa isang kamelyo ang dumaan sa butas ng isang karayom, kay sa isang mayaman ang pumasok sa kaharian ng Dios.
26 And they were much more astonied, saying with themselues, Who then can be saued?
At sila'y nangagtatakang lubha, na sinasabi sa kaniya, Sino nga kaya ang makaliligtas?
27 But Iesus looked vpon them, and sayd, With men it is impossible, but not with God: for with God all things are possible.
Pagtingin ni Jesus sa kanila'y nagsabi, Hindi maaari ito sa mga tao, datapuwa't hindi gayon sa Dios: sapagka't ang lahat ng mga bagay ay may pangyayari sa Dios.
28 Then Peter began to say vnto him, Loe, we haue forsaken all, and haue folowed thee.
Si Pedro ay nagpasimulang magsabi sa kaniya, Narito, iniwan namin ang lahat, at nagsisunod sa iyo.
29 Iesus answered, and sayd, Verely I say vnto you, there is no man that hath forsaken house, or brethren, or sisters, or father, or mother, or wife, or children, or lands for my sake and the Gospels,
Sinabi ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Walang taong nagiwan ng bahay, o mga kapatid na lalake, o mga kapatid na babae, o ina, o ama, o mga anak, o mga lupa, dahil sa akin, at dahil sa evangelio,
30 But he shall receiue an hundred folde, now at this present, houses, and brethren, and sisters, and mothers, and children, and lands with persecutions, and in the world to come, eternall life. (aiōn , aiōnios )
Na hindi siya tatanggap ng tigisang daan ngayon sa panahong ito, ng mga bahay, at mga kapatid na lalake, at mga kapatid na babae, at mga ina, at mga anak, at mga lupa, kalakip ng mga paguusig; at sa sanglibutang darating ay ng walang hanggang buhay. (aiōn , aiōnios )
31 But many that are first, shall be last, and the last, first.
Datapuwa't maraming nangauuna ay mangahuhuli; at nangahuhuli na mangauuna.
32 And they were in the way going vp to Hierusalem, and Iesus went before them and they were troubled, and as they followed, they were afraide, and Iesus tooke the twelue againe, and began to tell them what things should come vnto him,
At sila'y nangasa daan, na nagsisiahon sa Jerusalem; at nangunguna sa kanila si Jesus: at sila'y nangagtaka; at ang nangagsisisunod ay nangatakot. At muling kinuha niya ang labingdalawa, at nagpasimulang sinabi sa kanila ang mga bagay na sa kaniya'y mangyayari,
33 Saying, Beholde, we goe vp to Hierusalem, and the Sonne of man shall be deliuered vnto the hie Priests, and to the Scribes, and they shall condemne him to death, and shall deliuer him to the Gentiles.
Na sinasabi, Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem; at ibibigay ang Anak ng tao sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba; at siya'y kanilang hahatulang patayin, at ibibigay siya sa mga Gentil:
34 And they shall mocke him, and scourge him, and spit vpon him, and kill him: but the third day he shall rise againe.
At siya'y kanilang aalimurahin, at siya'y luluraan, at siya'y hahampasin, at siya'y papatayin; at pagkaraan ng tatlong araw ay magbabangon siyang muli.
35 Then Iames and Iohn the sonnes of Zebedeus came vnto him, saying, Master, we would that thou shouldest doe for vs that we desire.
At nagsilapit sa kaniya si Santiago at si Juan, na mga anak ni Zebedeo, na sa kaniya'y nagsisipagsabi, Guro, ibig naming iyong gawin sa amin ang anomang aming hingin sa iyo.
36 And he sayd vnto them, What would ye I should doe for you?
At sinabi niya sa kanila, Ano ang ibig ninyong sa inyo'y aking gawin?
37 And they said to him, Graunt vnto vs, that we may sit, one at thy right hand, and the other at thy left hand in thy glory.
At sinabi nila sa kaniya, Ipagkaloob mo sa amin na mangakaupo kami, ang isa'y sa iyong kanan, at ang isa'y sa iyong kaliwa, sa iyong kaluwalhatian.
38 But Iesus sayd vnto them, Ye knowe not what ye aske. Can ye drinke of the cup that I shall drinke of, and be baptized with the baptisme that I shall be baptized with?
Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Mangakaiinom baga kayo sa sarong aking iinuman? o mangababautismuhan sa bautismo na ibinautismo sa akin?
39 And they said vnto him, We can. But Iesus sayd vnto them, Ye shall drinke in deede of the cup that I shall drinke of, and be baptized with the baptisme wherewith I shalbe baptized:
At sinabi nila sa kaniya, Kaya namin. At sinabi sa kanila ni Jesus, Ang sarong aking iinuman ay iinuman ninyo; at sa bautismo na ibinautismo sa akin ay babautismuhan kayo;
40 But to sit at my right hand, and at my left, is not mine to giue, but it shalbe giuen to them for whome it is prepared.
Datapuwa't ang maupo sa aking kanan o sa aking kaliwa ay hindi ako ang magbibigay; datapuwa't yaon ay para sa kanila na mga pinaghahandaan.
41 And when the ten heard that, they began to disdaine at Iames and Iohn.
At nang marinig ito ng sangpu, ay nangagpasimula silang mangagalit kay Santiago at kay Juan.
42 But Iesus called them vnto him, and sayd to them, Ye know that they which are princes among the Gentiles, haue domination ouer them, and they that be great among them, exercise authoritie ouer them.
At sila'y pinalapit ni Jesus sa kaniya, at sa kanila'y sinabi, Nalalaman ninyo na yaong mga inaaring mga pinuno ng mga Gentil ay nangapapapanginoon sa kanila; at ang sa kanila'y mga dakila ay nagsisigamit ng kapamahalaan sa kanila.
43 But it shall not be so among you: but whosoeuer will be great among you, shall be your seruant.
Datapuwa't sa inyo ay hindi gayon: kundi ang sinomang ibig na dumakila sa inyo, ay magiging lingkod ninyo;
44 And whosoeuer will be chiefe of you, shall be the seruant of all.
At ang sinoman sa inyo ang magibig manguna, ay magiging alipin ng lahat.
45 For euen the Sonne of man came not to be serued, but to serue, and to giue his life for the raunsome of many.
Sapagka't ang Anak ng tao rin naman ay hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at ibigay ang kaniyang buhay na pangtubos sa marami.
46 Then they came to Iericho: and as he went out of Iericho with his disciples, and a great multitude, Bartimeus the sonne of Timeus, a blinde man, sate by the wayes side, begging.
At nagsidating sila sa Jerico: at habang nililisan niya ang Jerico, na kasama ng kaniyang mga alagad at ng lubhang maraming mga tao, ang anak ni Timeo, si Bartimeo, na isang pulubing bulag, ay nakaupo sa tabi ng daan.
47 And when hee heard that it was Iesus of Nazareth, he began to crye, and to say, Iesus the Sonne of Dauid, haue mercy on me.
At nang marinig niya na yao'y si Jesus na Nazareno, siya'y nagpasimulang magsisigaw, at nagsabi, Jesus, ikaw na anak ni David, mahabag ka sa akin.
48 And many rebuked him, because he should holde his peace: but hee cryed much more, O Sonne of Dauid, haue mercy on me.
At siya'y pinagwikaan ng marami upang siya'y tumahimik: datapuwa't siya'y lalong sumisigaw, Ikaw na Anak ni David, mahabag ka sa akin.
49 Then Iesus stood still, and commanded him to be called: and they called the blind, saying vnto him, Be of good comfort: arise, he calleth thee.
At tumigil si Jesus, at sinabi, Tawagin ninyo siya. At tinawag nila ang lalaking bulag, na sinasabi sa kaniya, Laksan mo ang iyong loob; ikaw ay magtindig, tinatawag ka niya.
50 So he threwe away his cloke, and rose, and came to Iesus.
At siya, pagkatapon ng kaniyang balabal, ay nagmadaling tumindig, at lumapit kay Jesus.
51 And Iesus answered, and said vnto him, What wilt thou that I doe vnto thee? And the blinde sayd vnto him, Lord, that I may receiue sight.
At sumagot sa kaniya si Jesus, at sinabi, Ano ang ibig mong gawin ko sa iyo? At sinabi ng lalaking bulag, Raboni, na tanggapin ang aking paningin.
52 Then Iesus sayde vnto him, Goe thy way: thy fayth hath saued thee. And by and by, he receiued his sight, and folowed Iesus in the way.
At sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka ng iyong lakad; pinagaling ka ng iyong pananampalataya. At pagdaka'y tinanggap niya ang kaniyang paningin, at siya'y sumunod sa kaniya sa daan.