< Jeremiah 32 >

1 The worde that came vnto Ieremiah from the Lord, in the tenth yere of Zedekiah king of Iudah, which was the eightenth yeere of Nebuchad-nezzar.
Ito ang salitang dumating kay Jeremias mula kay Yahweh sa ikasampung taon ni Zedekias na hari ng Juda, sa ikalabing-walong taon ni Nebucadnezar.
2 For then the King of Babels hoste besieged Ierusalem: And Ieremiah the Prophet was shutte vp in the court of the prison, which was in the King of Iudahs house.
Sa panahong iyon, sinasalakay ng hukbo ng hari ng Babilonia ang Jerusalem, at si Jeremias na propeta ay nakakulong sa patyo ng bantay sa tahanan ng hari ng Juda.
3 For Zedekiah King of Iudah had shut him vp, saying, Wherefore doest thou prophesie, and say, Thus saith the Lord, Beholde, I will giue this citie into the handes of the King of Babel, and he shall take it?
Ikinulong siya ni Zedekias na hari ng Juda at sinabi, “Bakit ka nagpapahayag at sinasabi, ito ang sinasabi ni Yahweh: Tingnan mo, ibibigay ko ang lungsod na ito sa kamay ng hari ng Babilonia at sasakupin niya ito.
4 And Zedekiah the King of Iudah shall not escape out of the hande of the Caldeans, but shall surely be deliuered into the handes of the King of Babel, and shall speake with him mouth to mouth, and his eyes shall beholde his face,
Hindi makatatakas si Zedekias na hari ng Juda sa kamay ng mga Caldeo, sapagkat tunay ngang ipinasakamay siya sa hari ng Babilonia. Ang bibig niya ay makikipag-usap sa bibig ng hari, at makikita ng kaniyang mga mata ang mga mata ng hari.
5 And he shall lead Zedekiah to Babel, and there shall he be, vntil I visit him, saith ye Lord: though ye fight with the Caldeans, ye shall not prosper.
Sapagkat pupunta si Zedekias sa Babilonia at mananatili siya roon hanggang sa may gawin ako sa kaniya, ito ang pahayag ni Yahweh, sapagkat nilabanan ninyo ang mga Caldeo. Hindi kayo magiging matagumpay.”
6 And Ieremiah said, The word of the Lord came vnto me, saying,
Sinabi ni Jeremias, “Ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi,
7 Beholde, Hanameel, the sonne of Shallum thine vncle, shall come vnto thee and say, Bye vnto thee my fielde, that is in Anathoth: for the title by kindred appertaineth vnto thee to bye it.
'Tingnan mo, pupunta sa iyo si Hanamel ang lalaking anak ng iyong tiyuhin na si Salum at sasabihin, “Bilhin mo ang aking bukid na nasa Anatot para sa iyong sarili, sapagkat nasa iyo ang karapatang bilhin ito.'”
8 So Hanameel, mine vncles sonne, came to mee in the court of the prison, according to the word of the Lord, and said vnto me, Bye my field, I pray thee, that is in Anathoth, which is in the countrey of Beniamin: for the right of the possession is thine, and the purchase belongeth vnto thee: bye it for thee. Then I knewe that this was the worde of the Lord.
At gaya ng ipinahayag ni Yahweh, pumunta sa akin si Hanamel na lalaking anak ng aking tiyuhin sa patyo ng mga bantay, at sinabi sa akin, 'Bilhin mo ang aking bukid na nasa Anatot sa lupain ng Benjamin, sapagkat nasa iyo ang karapatan sa mana, at nasa iyo ang karapatang bilhin ito. Bilhin mo ito para sa iyong sarili.' At alam ko na salita ito ni Yahweh.
9 And I bought the field of Hanameel, mine vncles sonne, that was in Anathoth, and weighed him the siluer, euen seuen shekels, and tenne pieces of siluer.
Kaya binili ko ang bukid na nasa Anatot mula kay Hanamel, ang lalaking anak ng aking tiyuhin, at tinimbang ko ang pilak para sa kaniya, labing-pitong siklo.
10 And I writ it in the booke and signed it, and tooke witnesses, and weighed him the siluer in the balances.
At sumulat ako sa isang kasulatang binalumbon at sinelyuhan ko ito, at may mga saksing nakasaksi nito. At tinimbang ko ang pilak sa timbangan.
11 So I tooke the booke of the possession, being sealed according to the Lawe, and custome, with the booke that was open,
Pagkatapos, kinuha ko ang katibayan ng pagkabili na naselyuhan, bilang pagsunod sa utos at sa mga kautusan, gayon din ang hindi naselyuhang katibayan.
12 And I gaue the booke of the possession vnto Baruch the sonne of Neriah, the sonne of Maaseiah, in the sight of Hanameel mine vncles sonne, and in the presence of the witnesses, written in the booke of the possession, before al the Iewes that sate in the court of the prison.
Ibinigay ko ang selyadong kasulatang nakabalumbon kay Baruc na lalaking anak ni Nerias na anak naman ni Maaseias sa harapan ni Hanamel, ang lalaking anak ng aking tiyuhin, at ng mga saksing nakasulat sa selyadong kasulatang binalumbon, at sa harapan ng lahat ng taga-Juda na nakaupo sa patyo ng bantay.
13 And I charged Baruch before them, saying,
Kaya nagbigay ako ng isang utos kay Baruc sa harap nila. Sinabi ko,
14 Thus saith the Lord of hostes, the God of Israel, Take the writings, euen this booke of the possession, both that is sealed, and this booke that is open, and put them in an earthen vessell, that they may continue a long time.
'Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: Kunin mo ang mga kasulatang binalumbon na ito kasama ang resibo ng pagbili na naselyuhan at itong hindi naselyuhan na kasulatang binalumbon. Ilagay mo ang mga ito sa bagong lalagyan upang tumagal ang mga ito sa mahabang panahon.
15 For the Lord of hostes, the God of Israel saith thus, Houses and fieldes, and vineyardes shall be possessed againe in this land.
Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: Ang mga tahanan, mga bukirin, at mga ubasan ay muling bibilhin sa lupaing ito.'
16 Now when I had deliuered the booke of the possession vnto Baruch, the sonne of Neriah, I prayed vnto the Lord, saying,
Pagkatapos kong ibigay ang resibo ng pagbili kay Baruc na lalaking anak ni Nerias, nanalangin ako kay Yahweh at sinabi,
17 Ah Lord God, beholde, thou hast made the heauen and the earth by thy great power, and by thy stretched out arme, and there is nothing hard vnto thee.
'Oh, Panginoong Yahweh! Tingnan mo! Ikaw lamang ang lumikha sa kalangitan at sa lupa sa pamamagitan ng iyong dakilang lakas at sa pamamagitan ng iyong nakataas na braso. Wala kang sinabi na napakahirap para sa iyo na gawin.
18 Thou shewest mercie vnto thousands, and recompensest the iniquitie of the fathers into the bosome of their children after them: O God the great and mightie, whose Name is ye Lord of hostes,
Nagpakita ka ng tipan ng katapatan sa libu-libo at ibinuhos mo ang kasamaan ng mga tao sa mga kandungan ng kanilang magiging mga anak. Ikaw ang dakila at makapangyarihang Diyos, Yahweh ng mga hukbo ang iyong pangalan.
19 Great in counsell, and mightie in worke, (for thine eyes are open vpon all the wayes of ye sonnes of men, to giue to euery one according to his wayes, and according to the fruite of his workes)
Ikaw ay dakila sa karunungan at makapangyarihan sa mga gawa, sapagkat bukas ang iyong mga mata sa lahat ng ginagawa ng mga tao, upang ibigay sa bawat tao kung ano ang nararapat sa kaniyang pag-uugali at mga gawa.
20 Which hast set signes and wonders in the land of Egypt vnto this day, and in Israel, and among all men, and hast made thee a Name, as appeareth this day,
Gumawa ka ng mga tanda at mga kababalaghan sa lupain ng Egipto. Maging sa kasalukuyang panahon dito sa Israel at sa lahat ng sangkatauhan, ginawa mong tanyag ang iyong pangalan.
21 And hast brought thy people Israel out of the land of Egypt with signes, and with wonders, and with a strong hand, with a stretched out arme, and with great terrour,
Sapagkat inilabas mo ang iyong mga Israelita sa lupain ng Egipto sa pamamagitan ng mga tanda at mga kamangha-mangha, sa isang malakas na kamay, isang nakataas na braso, at nang may matinding takot.
22 And hast giuen them this land, which thou diddest sweare to their fathers to giue them, euen a land, that floweth with milke and hony,
At ibinigay mo sa kanila ang lupaing ito, na iyong ipinangako sa kanilang mga ninuno na ibibigay sa kanila, isang lupaing umaapaw sa gatas at pulot-pukyutan.
23 And they came in, and possessed it, but they obeyed not thy voyce, neither walked in thy Law: all that thou commaundedst them to doe, they haue not done: therefore thou hast caused this whole plague to come vpon them.
Kaya pumasok sila at inangkin ito. Ngunit hindi nila sinunod ang iyong tinig o namuhay sa pagsunod sa iyong kautusan. Wala silang ginawa sa mga iniutos mo na kanilang gagawin, kaya dinala mo sa kanila ang lahat ng sakunang ito.
24 Beholde, the mounts, they are come into the citie to take it, and the citie is giuen into the hande of the Caldeans, that fight against it by meanes of the sword, and of the famine, and of the pestilence, and what thou hast spoken, is come to passe, and beholde, thou seest it.
Tingnan mo! Ang mga bunton ng paglusob ay nakaabot sa lungsod upang sakupin ito. Sapagkat dahil sa espada, taggutom at salot, ang lungsod ay naipasakamay sa mga Caldeo na siyang na nakikipaglaban dito. Sapagkat nangyayari na ang sinabi mong mangyayari, at tingnan mo, pinanonood mo.
25 And thou hast sayd vnto me, O Lord God, Bye vnto thee the fielde for siluer, and take witnesses: for the citie shall be giuen into the hand of the Caldeans.
At ikaw mismo ang nagsabi sa akin, “Bumili ka ng isang bukid para sa iyong sarili sa pamamagitan ng pilak at tumawag ng mga saksi upang saksihan ito, bagaman ibinigay ang lungsod na ito sa mga Caldeo.””
26 Then came the worde of the Lord vnto Ieremiah, saying,
Ito ang salita ni Yahweh na dumating kay Jeremias at sinabi,
27 Beholde, I am the LORD GOD of all flesh: is there any thing too hard for me?
“Tingnan mo! Ako si Yahweh, ang Diyos ng sangkatauhan. Mayroon bang bagay na napakahirap gawin para sa akin?
28 Therefore thus saith the Lord, Beholde, I wil giue this citie into the hand of the Caldeans, and into the hand of Nebuchad-nezzar, King of Babel, and he shall take it.
Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Tingnan, ibibigay ko ang lungsod na ito sa kamay ng mga Caldeo at kay Nebucadnezar, ang hari ng Babilonia. Sasakupin niya ito.
29 And the Caldeans shall come and fight against this citie, and set fire on this citie and burne it, with the houses, vpon whose rouses they haue offred incense vnto Baal, and powred drinke offrings vnto other gods, to prouoke me vnto anger.
Darating ang mga Caldeo na nakikipaglaban sa lungsod na ito at susunugin ang lungsod na ito, kasama ang mga bahay kung saan ang mga bubungan ay pinagsambahan ng mga tao kay Baal at pinagbuhusan ng mga inuming handog sa ibang diyos upang galitin ako.
30 For the children of Israel, and the children of Iudah haue surely done euill before me from their youth: for the children of Israel haue surely prouoked me to anger with the workes of their hands, saith the Lord.
Sapagkat tiyak na ang mga Israelita at ang mga taga-Juda ay mga tao na gumagawa ng kasamaan sa harap ng aking mga mata mula pa sa kanilang pagkabata. Ang mga Israelita ay talagang sinaktan ako sa pamamagitan ng mga gawa ng kanilang mga kamay. Ito ang pahayag ni Yahweh.
31 Therefore this citie hath bene vnto me as a prouocation of mine anger, and of my wrath, from the day, that they built it, euen vnto this day, that I should remoue it out of my sight,
sapagkat ang lungsod na ito ang nagpaalab ng aking poot at matinding galit mula noong araw na itinayo nila ito. Ganito pa rin hanggang sa kasalukuyan. Kaya aalisin ko ito mula sa aking harapan
32 Because of all the euill of the children of Israel, and of the children of Iudah, which they haue done to prouoke mee to anger, euen they, their Kings, their Princes, their Priests, and their Prophets, and the men of Iudah, and the inhabitants of Ierusalem.
dahil sa lahat ng kasamaan ng mga tao sa Israel at Juda, ang mga bagay na kanilang ginawa upang galitin ako... sila, ang kanilang mga hari, mga prinsipe, mga pari, mga propeta, at bawat tao sa Juda at mga naninirahan sa Jerusalem.
33 And they haue turned vnto me the backe and not the face: though I taught them rising vp earely, and instructing them, yet they were not obedient to receiue doctrine,
Tinalikuran nila ako, sa halip na harapin, kahit pa masigasig ko silang tinuruan. Sinubukan kong turuan sila, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakinig upang tumanggap ng pagtutuwid.
34 But they set their abominations in ye house (whereupon my Name was called) to defile it,
At inilagay nila ang kanilang mga kasuklam-suklam na bagay sa tahanan upang dumihan ito, sa tahanan kung saan tinawag ang aking pangalan.
35 And they built the hie places of Baal, which are in the valley of Ben-hinnom, to cause their sonnes and their daughters to passe through the fire vnto Molech, which I commanded them not, neither came it into my minde, that they should doe such abomination, to cause Iudah to sinne.
Pagkatapos, nagtayo sila ng dambana para kay Baal sa lambak ng Ben Hinom upang ialay ang kanilang mga anak na lalaki at babae kay Molec, isang bagay na hindi ko iniutos na gawin nila, isang bagay na hindi kailanman sumagi sa aking puso't isipan. Itong kasuklam-suklam na bagay para gawin nila upang magkasala ang Juda.'
36 And nowe therefore, thus hath the Lord God of Israel spoken, concerning this citie, whereof ye say, It shalbe deliuered into the hand of the King of Babel by the sword, and by the famine, and by the pestilence,
At kaya ngayon, akong si Yahweh, ang Diyos ng Israel ang nagsasabi nito tungkol sa lungsod na ito, ang lungsod na sinasabi ninyong, 'Naipasakamay na ito sa hari ng Babilonia sa pamamagitan ng espada, taggutom, at salot.'
37 Beholde, I will gather them out of all countreys, wherein I haue scattered them in mine anger, and in my wrath, and in great indignation, and I wil bring them againe vnto this place, and I will cause them to dwell safely.
Tingnan mo, malapit ko na silang tipunin sa bawat lupain kung saan itinaboy ko sila sa aking galit, poot, at matinding galit. Malapit ko na silang ibalik sa lugar na ito at mamumuhay sila nang matiwasay.
38 And they shall be my people, and I will be their God.
At sila ay magiging aking mga tao, at ako ay magiging Diyos nila.
39 And I wil giue them one heart and one way that they may feare me for euer for ye wealth of them, and of their children after them.
Bibigyan ko sila ng isang puso at isang paraan upang parangalan ako sa bawat araw kaya magiging mabuti ito para sa kanila at sa magiging mga kaapu-apuhan nila.
40 And I wil make an euerlasting couenant with them, that I wil neuer turne away from them to doe them good, but I wil put my feare in their hearts, that they shall not depart from me.
At magtatatag ako ng isang panghabang panahon na kasunduan sa kanila kaya hindi ko na sila tatalikuran. Gagawin ko ito upang magdala ng kabutihan sa kanila at maglagay sa kanilang mga puso ng parangal para sa akin. Kaya hindi na sila tatalikod sa pagsunod sa akin.
41 Yea, I wil delite in them to do them good, and I wil plant them in this land assuredly with my whole heart, and with all my soule.
At magagalak ako sa paggawa ng kabutihan sa kanila. Matapat ko silang patitirahin sa lupaing ito nang buong puso at buong buhay ko.
42 For thus sayth the Lord, Like as I haue brought all this great plague vpon this people, so wil I bring vpon them all the good that I haue promised them.
Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Tulad ng pagdala ko sa lahat ng matitinding sakunang ito sa mga taong ito, gayon din, dadalhin ko sa kanila ang lahat ng mabubuting bagay na sinabi kong gagawin ko para sa kanila.
43 And the fields shalbe possessed in this land, whereof ye say, It is desolate without man or beast, and shalbe giuen into the hand of the Caldeans.
At bibilhin ang mga bukirin sa lupaing ito, na inyong sinasabi, “Ito ay nawasak na lupain, na walang tao o hayop. Naipasakamay na ito sa mga Caldeo.”
44 Men shall buy fields for siluer, and make writings and seale them, and take witnesses in the land of Beniamin, and round about Ierusalem, and in the cities of Iudah, and in the cities of the mountaines, and in the cities of the plaine, and in the cities of the South: for I wil cause their captiuitie to returne, saith the Lord.
Bibili sila ng mga bukirin sa pamamagitan ng pilak at isusulat sa mga selyadong kasulatang binalumbon. Titipunin nila ang mga saksi sa lupain ni Benjamin, sa palibot ng buong Jerusalem at sa mga lungsod ng Juda, sa mga lungsod sa maburol na bansa at sa mga mababang lugar, at sa mga lungsod ng Negeb. Sapagkat ibabalik ko ang kanilang kayamanan. Ito ang pahayag ni Yahweh.”'

< Jeremiah 32 >