< Anden Krønikebog 5 >

1 Saa blev alt Arbejdet færdigt, som Salomo lod gøre til Herrens Hus; og Salomo førte det ind, som David, hans Fader, havde helliget, og Sølvet og Guldet og alle Redskaberne lagde han i Guds Hus's Skatkammer.
Ganito natapos ang gawaing ginawa ni Salomon sa bahay ng Panginoon. At ipinasok ni Salomon ang mga bagay na itinalaga ni David na kaniyang ama; sa makatuwid baga'y ang pilak, at ang ginto, at ang lahat ng mga kasangkapan, at inilagay sa mga ingatang-yaman ng bahay ng Dios.
2 Da samlede Salomo til Jerusalem de Ældste i Israel og alle Stammernes Øverster, Fyrster for Fædrenehusene iblandt Israels Børn, for at føre Herrens Pagts Ark op fra Davids Stad, det er Zion.
Nang magkagayo'y pinulong ni Salomon ang mga matanda ng Israel, at ang lahat na pangulo ng mga lipi, ang mga prinsipe ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga anak ni Israel, sa Jerusalem, upang iahon ang kaban ng tipan ng Panginoon mula sa bayan ni David na siyang Sion.
3 Og alle Israels Mænd samledes til Kongen paa Højtiden, det er, i den syvende Maaned.
At ang lahat na lalake ng Israel ay nangakipagpulong sa hari sa kapistahan, na sa ikapitong buwan.
4 Og alle Israels Ældste kom, og Leviterne bare Arken.
At ang lahat ng mga matanda sa Israel ay nagsiparoon; at pinasan ng mga Levita ang kaban;
5 Og de førte Arken op tillige med Forsamlingens Paulun og alle de hellige Redskaber, som vare i Paulunet; Præsterne, Leviterne, førte dem op.
At kanilang iniahon ang kaban, at ang tabernakulo ng kapisanan, at ang lahat ng mga banal na kasangkapan na nangasa Tolda; ang mga ito'y iniahon ng mga saserdote na mga Levita.
6 Men Kong Salomo og al Israels Menighed, de, som vare samlede om ham foran Arken, ofrede smaat Kvæg og stort Kvæg, som ikke kunde tælles eller regnes for Mangfoldighed.
At ang haring Salomon at ang buong kapisanan ng Israel, na nangakipagpulong sa kaniya, ay nangasa harap ng kaban na nagsisipaghain ng mga tupa at mga baka, na hindi masasaysay o mabibilang man dahil sa karamihan.
7 Saa førte Præsterne Herrens Pagts Ark til dens Sted, ind i Koret udi Huset i det Allerhelligste, hen under Kerubernes Vinger.
At ipinasok ng mga saserdote ang kaban ng tipan ng Panginoon sa dako niyaon, sa loob ng sanggunian ng bahay, sa kabanalbanalang dako, sa makatuwid baga'y sa ilalim ng mga pakpak ng mga querubin.
8 Og Keruberne udbredte Vingerne over Arkens Sted, og Keruberne dækkede over Arken og over dens Stænger oventil.
Sapagka't ibinubuka ng mga querubin ang kanilang mga pakpak sa dako ng kaban, at ang mga querubin ay nagsisitakip sa kaban, at sa mga pingga niyaon sa ibabaw.
9 Og man drog Stængerne langt ud, saa at man saa Knapperne paa Arkens Stænger lige for Koret, men udentil saa man dem ikke; og den blev der indtil denne Dag.
At ang mga pingga ay nangapakahaba na ang mga dulo ng mga pingga ay nakikita mula sa kaban sa harap ng sanggunian: nguni't hindi nangakikita sa labas: at nandoon hanggang sa araw na ito.
10 Der var intet i Arken uden de to Tavler, som Mose lagde deri ved Horeb, der Herren gjorde Pagt med Israels Børn, der de droge ud af Ægypten.
Walang anomang bagay sa kaban liban sa dalawang tapyas na bato na inilagay ni Moises sa Horeb, nang ang Panginoon ay nakipagtipan sa mga anak ni Israel, nang sila'y magsilabas sa Egipto.
11 Og det skete, der Præsterne gik ud af det Hellige (thi alle Præster, som fandtes, havde helliget sig, saa at de ikke holdt sig efter Skifterne;
At nangyari, nang ang mga saserdote ay magsilabas sa banal na dako (sapagka't ang lahat na saserdote na nangahaharap ay nangagpakabanal, at hindi sinunod ang kanilang pagkakahalihalili;
12 og Leviterne, Sangerne, alle sam men, baade Asaf, Heman og Jeduthun og deres Børn og deres Brødre, iførte kosteligt Linklæde, med Cymbler og med Psaltre og Harper, stode Østen ved Alteret og hos dem hundrede og tyve Præster, som blæste i Basunerne);
Ang mga Levita rin naman na mga mangaawit, silang lahat, sa makatuwid baga'y si Asaph, si Heman, si Jeduthun, at ang kanilang mga anak, at ang kanilang mga kapatid na may suot na mainam na kayong lino, na may mga simbalo at mga salterio at mga alpa, ay nangakatayo sa dakong sulok na silanganan ng dambana, at kasama nila'y isang daan at dalawang pung saserdote na nagpapatunog ng mga pakakak: )
13 ja det skete, der de som een Mand blæste i Basuner og sang for enstemmigt at lade sig høre med Lov og Tak til Herren, og der de opløftede Røsten med Basuner og med Cymbler og med andre Sanginstrumenter, og der de lovede Herren, at han er god, og hans Miskundhed er evindelig: Da blev Huset i Herrens Hus fyldt med en Sky.
Nangyari nga, nang ang mga nangagpapakakak at mga mangaawit ay nangagkakatugma, upang mangagpatunog ng isang tunog na maririnig sa pagdalangin at pasasalamat sa Panginoon; at nang kanilang itaas ang kanilang tinig na katugma ng mga pakakak, at mga simbalo, at mga panugtog ng tugtugin at magsipuri sa Panginoon, na magsipagsabi, Sapagka't siya'y mabuti; sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man: na nang magkagayo'y ang bahay ay napuno ng ulap; sa makatuwid bagay ang bahay ng Panginoon,
14 Og Præsterne kunde ikke staa og gøre Tjeneste for Skyen; thi Herrens Herlighed fyldte Guds Hus.
Na anopa't ang mga saserdote ay hindi mangakatayo na mangakapangasiwa dahil sa ulap: sapagka't napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Dios.

< Anden Krønikebog 5 >