< 2 Petrův 2 >
1 Bývali pak i falešní proroci v lidu, jakož i mezi vámi budou falešní učitelé, kteříž chytře uvedou sekty zatracení, i toho Pána, kterýž je vykoupil, zapírajíce, uvodíce na sebe rychlé zahynutí.
May mga bulaang propeta na nagpunta sa mga Israelita at may mga bulaang guro ang pupunta sa inyo. Palihim silang magdadala ng mga mapanirang maling pananampalataya at itatatwa nila ang Panginoon na bumili sa kanila. Sila ay nagdadala ng kanilang agarang pagkawasak.
2 A mnozí následovati budou jejich zahynutí, skrze něž cesta pravdy bude v porouhání dávána.
Marami ang susunod sa kanilang kahalayan at sa pamamagitan nila malalapastanganan ang daan ng katotohanan.
3 A lakomě skrze vymyšlené řeči vámi kupčiti budou; kterýchžto odsouzení již dávno nemešká, a zahynutí jejich nespí.
Sa kanilang pagkagahaman ay sasamantalahin nila kayo sa pamamagitan ng mga mapanlinlang na mga salita. Naghihintay ang kahatulan laban sa kanila; ang kanilang pagkawasak ay darating.
4 Nebo poněvadžť Bůh andělům, kteříž zhřešili, neodpustil, ale strhna je do žaláře, řetězům mrákoty oddal, aby k odsouzení chováni byli, (Tartaroō )
Sapagkat hindi kinaawaan ng Diyos ang mga anghel na nagkasala. Sa halip ay ipinasakamay niya ang mga ito sa Tartarus upang igapos sa mga tanikala hanggang sa paghuhukom. (Tartaroō )
5 I onomu prvnímu světu neodpustil, ale sama osmého Noé, kazatele spravedlnosti, zachoval, když potopu na svět bezbožníků uvedl.
At hindi rin niya kinaawaan ang sinaunang mundo. Sa halip, itinira niya si Noe, ang mensahero ng katuwiran, kasama ang pitong iba pa, nang nagdala ng baha ang Diyos sa mundo ng mga hindi maka-diyos.
6 A města Sodomských a Gomorských v popel obrátiv, podvrácením odsoudil, příklad budoucím bezbožníkům na nich ukázav,
At pinulbos ng Diyos ang mga lungsod ng Sodoma at Gomora at hinatulan sila ng pagkawasak, bilang halimbawa kung ano ang darating sa mga hindi maka-diyos.
7 A spravedlivého Lota, ztrápeného těch nešlechetníků chlipným obcováním, vytrhl.
Ngunit nang kaniyang ginawa iyan ay, iniligtas niya si Lot na matuwid, na lubos na nagdalamhati dahil sa mga maruming gawain ng mga taong lumalabag sa batas.
8 Ten zajisté spravedlivý, bydliv mezi nimi, den ode dne hleděním i slyšením spravedlivou duši nešlechetnými jejich skutky trápil.
Dahil ang taong matuwid na iyon na araw-araw na naninirahan kasama nila ay pinahihirapan ang kaniyang matuwid na kaluluwa dahil sa nakita niya at narinig.
9 Umíť Pán zbožné z pokušení vytrhnouti, nepravých pak ke dni soudu potrestaných dochovati,
Kung gayon, alam ng Panginoon kung paano iligtas ang mga taong maka-diyos mula sa mga pagsubok at kung paano parusahan ang mga taong hindi maka-diyos sa araw ng paghuhukom.
10 A zvláště těch, jenž po těle v žádosti nečisté chodí, a vrchností pohrdají, jsou i smělí, sobě se zalibující, neostýchají se důstojnostem porouhati.
Ito ay totoo lalo na sa mga nagpapatuloy sa masasamang nasa ng laman at humahamak sa batas. Sila ay mapangahas at sumusunod sa sariling kalooban. Hindi sila natatakot na lapastanganin ang mga maluluwalhati.
11 Ješto andělé, jsouce větší v síle a v moci, nečiní proti nim přede Pánem potupného soudu.
Ang mga anghel ay may taglay na higit na lakas at kakayahan kaysa sa mga tao, ngunit hindi sila nagdala ng mapang-alipustang paghuhukom laban sa kanila sa Panginoon.
12 Tito pak jako nerozumná hovada, kteráž za přirozením jdou, zplozená k zjímání a k zahynutí, tomu, čemuž nerozumějí, rouhajíce se, v tom svém porušení zahynou,
Ngunit ang mga walang isip na mga hayop na ito ay likas na ginawa para hulihin at wasakin. Hindi nila alam kung ano ang kanilang inaalipusta. Sila ay mawawasak.
13 A tak odplatu nepravosti své ponesou, jakožto ti, kteřížto sobě za rozkoš položili, aby se na každý den v libostech svých kochali, nejsouce než poskvrny a mrzkosti, ti, kteříž s vámi hodujíce, v svých lstech se kochají,
Sila ay masasaktan sa gantimpala ng kanilang mga maling gawain. Namumuhay sila sa kasiyahan sa araw. Sila ay mga dumi at bahid. Nagsasaya sila sa kanilang mga mapanlinlang na kasiyahan habang sila ay nakikipagdiwang sa inyo.
14 Oči majíce plné cizoložstva, a bez přestání hřešící, přeluzujíce duše neustavičné, srdce majíce vycvičené v lakomství, synové zlořečenství.
May mga mata sila na puno ng mga mapangalunyang babae; hindi sila kailanman nakuntento sa pagkakasala. Inuudyukan nila ang mga mahihinang kaluluwa sa pagkakamali at ang kanilang puso ay sinanay sa pag-iimbot, mga batang isinumpa.
15 Kteříž opustivše cestu přímou, zbloudili, následujíce cesty Balámovy, syna Bozorova, kterýž mzdu nepravosti zamiloval.
Kanilang iniwan ang tamang daan. Naligaw sila at sinunod ang daan ni Balaam na anak ni Beor na nagnais na tumanggap ng kabayaran sa kawalang-katuwiran.
16 Ale měl, od koho by pokárán byl pro svůj výstupek. Nebo jhu poddaná oslice němá, člověčím hlasem promluvivši, zbránila nemoudrosti proroka.
Ngunit siya ay sinaway dahil sa kaniyang paglabag. Isang asno ang nagsalita sa tinig ng tao ang siyang tumapos sa kahibangan ng propeta.
17 Tiť jsou studnice bez vody, a mlhy vichrem zbouřené, jimžťo mrákota tmy chová se na věčnost. ()
Ang mga taong ito ay katulad ng mga bukal na walang tubig. Katulad sila ng mga ulap na tinatangay ng bagyo. May makapal na kadiliman ang sa kanila ay naghihintay.
18 Nebo přepyšně marné věci vypravujíce, žádostmi těla a chlipnostmi loudí ty, kteříž byli vpravdě utekli od těch, jenž bludu obcují,
Nagsasalita sila ng mga bagay na pawang walang kabuluhan at kayabangan lamang. Inuudyukan nila ang mga tao sa pamamagitan ng pita ng laman. Inuudyukan nila ang mga taong sumusubok na tumakas mula sa maling pamumuhay.
19 Slibujíce jim svobodu, ješto sami jsou služebníci porušení, poněvadž od kohož kdo jest přemožen, tomu jest i v službu podroben.
Nangangako sila ng kalayaan sa kanila ngunit sila ma'y alipin ng kasamaan. Sapagkat ang isang tao ay alipin ng kahit anong dumadaig sa kaniya.
20 Jestliže pak ti, jenž ušli poskvrn světa, skrze známost Pána a Spasitele Jezukrista, opět zase v to zapleteni jsouce, přemoženi byli, učiněn jest poslední způsob jejich horší nežli první.
Sino mang makatakas sa karumihan ng mundo sa pamamagitan ng kaalaman ng Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo at bumalik muli sa ganoong karumihan, sila ay naging mas malala pa kaysa noong una.
21 Lépe by zajisté jim bylo nepoznávati cesty spravedlnosti, nežli po nabytí známosti odvrátiti se od vydaného jim svatého přikázání.
Mas mabuti pang hindi nila nalaman ang daan ng katuwiran kaysa malaman ito at pagkatapos ay tumalikod sa banal na kautusang ibinigay sa kanila.
22 Ale přihodilo se jim to, což se v přísloví pravém říkává: Pes navrátil se k vývratku svému, a svině umytá do kaliště bláta.
Ang kawikaang ito ay totoo para sa kanila: “Ang aso ay bumabalik sa sariling suka nito. Ang bagong paligong baboy ay bumabalik sa putik.”