< Otkrivenje 21 >

1 I vidjeh novo nebo i novu zemlju jer - prvo nebo i prva zemlja uminu; ni mora više nema.
Pagkatapos nakita ko ang isang bagong langit at isang bagong mundo, dahil ang unang langit at unang mundo ay lumipas na, at ang dagat ay wala na.
2 I Sveti grad, novi Jeruzalem, vidjeh: silazi s neba od Boga, opremljen kao zaručnica nakićena za svoga muža.
Nakita ko ang banal na lungsod, ang bagong Jerusalem, na bumamababa mula sa langit mula sa Diyos, inihanda tulad ng isang babaeng ikakasal na pinaganda para sa kaniyang asawa.
3 I začujem jak glas s prijestolja: “Evo Šatora Božjeg s ljudima! On će prebivati s njima: oni će biti narod njegov, a on će biti Bog s njima.
Narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa trono sinasabing: “Tingnan mo! Ang tirahan ng Diyos ay kasama ng mga tao, at siya ay naninirahan kasama nila. Sila ay magiging kaniyang bayan, at ang Diyos mismo ay makakasama nila at siya ay magiging kanilang Diyos.
4 I otrt će im svaku suzu s očiju te smrti više neće biti, ni tuge, ni jauka, ni boli više neće biti jer - prijašnje uminu.”
Papahirin niya ang bawat luha mula sa kanilang mga mata, wala nang kamatayan, o pagdadalamhati, o pag-iyak, o sakit. Ang naunang mga bagay ay lumipas na.
5 Tada Onaj što sjedi na prijestolju reče: “Evo, sve činim novo!” I doda: “Napiši: Ove su riječi vjerne i istinite.”
Siya na nakaupo sa trono ay sinabing, “Tingnan mo! Ginawa kong bago ang lahat ng mga bagay.” Sinabi niya, “Isulat mo ito dahil ang mga salitang ito ay mapagkakatiwalaan at totoo.
6 I još mi reče: “Svršeno je! Ja sam Alfa i Omega, Početak i Svršetak! Ja ću žednomu dati s izvora vode života zabadava.
Sinabi niya sa akin, “Ang mga bagay ng ito ay tapos na, Ako ang Alpa at ang Omega, ang simula at ang katapusan. Sa sinumang nauuhaw ay bibigyan ko ng inuming walang bayad mula sa bukal ng tubig ng buhay.
7 To će biti baština pobjednikova. I ja ću njemu biti Bog, a on meni sin.
Ang isa na manlulupig ay magmamana ng mga bagay na ito, at ako ay magiging kaniyang Diyos, at siya ay magiging anak ko.
8 Kukavicama pak, nevjernima i okaljanima, ubojicama, bludnicima, vračarima i idolopoklonicima i svim lažljivcima udio je u jezeru što gori ognjem i sumporom. To je druga smrt.” (Limnē Pyr g3041 g4442)
Pero para sa mga duwag, sa walang pananampalataya, sa mga kasuklam-suklam, sa mga mamamatay-tao, sa mga sekswal na imoralidad, sa mga mangkukulam, mga sumasamba sa diyus-diyosan, at sa mga sinungaling, ang kanilang lugar ay sa dagat-dagatang apoy ng nagniningas na asupre. Na siyang ikalawang kamatayan. (Limnē Pyr g3041 g4442)
9 I dođe jedan od sedam anđela što imaju sedam čaša punih zala konačnih te progovori sa mnom: “Dođi, pokazat ću ti Zaručnicu, Ženu Jaganjčevu!”
Lumapit sa akin ang isa sa pitong mga anghel, siyang may hawak ng pitong mangkok na puno ng pitong huling mga salot, at sinabi, “Halika rito. Ipakikita ko sa iyo ang babaeng ikakasal, ang asawa ng Kordero.”
10 I prenese me u duhu na goru veliku, visoku i pokaza mi sveti grad Jeruzalem: silazi s neba od Boga,
Pagkatapos dinala niya ako sa Espiritu sa isang malaki at mataas na bundok at ipinakita niya sa akin ang banal na lungsod, ang Jerusalem, na bumababa mula sa langit mula sa Diyos.
11 sav u slavi Božjoj, blistav poput dragoga kamena, kamena slična kristalnom jaspisu;
Mayroong kaluwalhatian ng Diyos ang Jerusalem, at ang kaningningan nito ay tulad ng isang pinakamamahaling hiyas, tulad ng isang batong kristal na malinaw na jaspe.
12 okružen zidinama velikim i visokim, sa dvanaest vrata: na vratima dvanaest anđela i napisana imena dvanaest plemena Izraelovih.
Mayroon itong isang kadakilaan, mataas na pader na may labingdalawang tarangkahan, na may labingdalawang anghel sa mga tarangkahan. Nakasulat sa mga tarangkahan ang mga pangalan ng labingdalawang lipi ng mga anak ng Israel.
13 Od istoka vrata troja, od sjevera vrata troja, od juga vrata troja, od zapada vrata troja.
Sa silangan ay may tatlong tarangkahan, sa hilaga ay may tatlong tarangkahan, sa timog ay may tatlong tarangkahan, sa kanluran ay may tatlong tarangkahan.
14 Gradske su zidine imale dvanaest temelja, a na njima dvanaest imena dvanaestorice apostola Jaganjčevih.
Ang pader ng lungsod ay may labingdalawang pundasyon, at doon ay may labingdalawang pangalan ng labindalawang apostol ng Kordero.
15 Moj subesjednik imaše mjeru, zlatnu trsku, da izmjeri grad, vrata njegova i zidine.
Ang siyang nagsalita sa akin ay may tungkod na panukat na gawa sa ginto para sukatin ang lungsod, ang mga tarangkahan at pader nito.
16 Grad se stere u četvorini: dužina mu jednaka širini. On izmjeri trskom grad: dvanaest tisuća stadija - dužina mu i širina i visina jednaka.
Ang pagkakatayo ng lungsod ay parisukat; magkatulad ang haba at ang lawak nito. Sinukat niya ang lungsod gamit ang tungkod na panukat, ang haba nito ay 12, 000 na mga estadio (ang haba, ang lawak, at ang taas ay magkakapareho).
17 Izmjeri i njegove zidine: sto četrdeset i četiri lakta po čovjekovoj mjeri kojom je mjerio anđeo.
Sinukat din niya ang pader nito, 144 na kubit ang kapal sa panukat ng tao (na ganoon din sa panukat ng anghel).
18 Zidine su gradske sagrađene od jaspisa, a sam grad od čistoga zlata, slična čistu staklu.
Ang pader ay itinayo sa jaspe, at ang lungsod sa purong ginto, tulad ng malinaw na salamin.
19 Temelji su gradskih zidina urešeni svakovrsnim dragim kamenjem: prvi je temelj od jaspisa, drugi od safira, treći od kalcedona, četvrti od smaragda,
Ang pundasyon ng pader ay pinaganda ng iba't ibang uri ng mamahaling bato. Ang una ay jaspe, ang ikalawa ay safiro, ang ikatlo ay agate, ang ikaapat ay esmeralda,
20 peti od sardoniksa, šesti od sarda, sedmi od krizolita, osmi od berila, deveti od topaza, deseti od krizopraza, jedanaesti od hijacinta, dvanaesti od ametista.
ang ikalima ay oniks, ang ikaanim ay kornalina, ang ikapito ay krisolito, ang ikawalo ay berilo, ang ikasiyam topaz, ang ikasampu ay krisopraso, ang ikalabing-isa ay jacinto, at ang ikalabingdalawa ay amatista.
21 Dvanaest vrata - dvanaest bisera: svaka od svoga bisera. A gradski trg - čisto zlato, kao prozirno staklo.
Ang labing dalawang tarangkahan ay labing dalawang perlas, ang bawat tarangkahan ay mula sa iisang perlas. Ang mga lansangan ng lungsod ay purong ginto, gaya ng malinaw na salamin.
22 Hrama u gradu ne vidjeh. Ta Gospod, Bog, Svevladar, hram je njegov - i Jaganjac!
Wala akong nakitang templo sa lungsod, dahil ang Panginoong Diyos, na siyang namumuno sa lahat, at ang Kordero ang kanilang templo.
23 I gradu ne treba ni sunca ni mjeseca da mu svijetle. Ta Slava ga Božja obasjala i svjetiljka mu Jaganjac!
Hindi na kailangan ng lungsod ang araw o ang buwan para liwanagan ito dahil ang kaluwalhatian ng Diyos ang nagliliwanag dito, at ang kaniyang ilawan ay ang Kordero.
24 Narodi će hoditi u svjetlosti njegovoj, a kraljevi zemaljski u nj donositi slavu svoju.
Ang mga bansa ay maglalakad sa pamamagitan ng ilaw ng lungsod na iyon. Dadalahin ng mga hari ng mundo ang karangyaan nila dito.
25 Vrata mu se ne zatvaraju obdan, a noći ondje i nema.
Hindi isasara ang tarangkahan nito sa araw, at hindi na magkakaroon ng gabi dito.
26 U nj će se donijeti slava i čast naroda.
Dadalhin nila ang karangyaan at ang karangalan ng mga bansa dito,
27 Ali u nj neće unići ništa nečisto i nijedan tko čini gadost i laž, nego samo oni koji su zapisani u Jaganjčevoj knjizi života.
at walang marurumi ang maaaring makapasok dito. Maging ang sinumang gumagawa ng anumang kahihiyan o panlilinlang ang makakapasok, pero ang mga nakasulat lamang ang pangalan sa aklat ng buhay ng Kordero.

< Otkrivenje 21 >