< Filipljanima 2 >

1 Ima li dakle u Kristu kakve utjehe, ima li kakva ljubazna bodrenja, ima li kakva zajedništva Duha, ima li kakva srca i samilosti,
Kung gayon, kung mayroon man kasiglahan kay Cristo. Kung mayroon man kaginhawahan mula sa kaniyang pagmamahal. Kung mayroon man pakikiisa sa Espiritu. Kung mayroon man mga mahinahong awa at habag.
2 ispunite me radošću: složni budite, istu ljubav njegujte, jednodušni, jedne misli budite;
Gawing ganap ang aking kasiyahan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng iisang pag-iisip, pagkakaroon ng parehong pagmamahal, nagkaisa sa espiritu, at sa pagkakaroon ng parehong layunin.
3 nikakvo suparništvo ni umišljenost, nego - u poniznosti jedni druge smatrajte višima od sebe;
Huwag kayong gumawa ng kahit na ano dahil sa kasakiman o walang saysay na pagmamataas. Sa halip ay ituring ninyo nang may kababaang-loob ang iba na higit kaysa sa inyong sarili.
4 ne starajte se samo svaki za svoje, nego i za ono što se tiče drugih!
Huwag ninyong tingnan ang pansarili ninyong pangangailangan, ngunit pati na rin ang pangangailangan ng iba.
5 Neka u vama bude isto mišljenje kao i u Kristu Isusu:
Mag-isip kayo tulad ng kay Cristo Jesus.
6 On, trajni lik Božji, nije se kao plijena držao svoje jednakosti s Bogom,
Nabuhay siya sa anyo ng Diyos, ngunit hindi niya itinuring ang kaniyang pagkakapantay sa Diyos bilang isang bagay na dapat niyang panghawakan.
7 nego sam sebe “oplijeni” uzevši lik sluge, postavši ljudima sličan; obličjem čovjeku nalik,
Sa halip, tinanggalan niya ng kapakanan ang kaniyang sarili. Nag-anyo siya bilang isang tagapaglingkod. Nagpakita siyang kawangis ng mga tao. Nakita siya bilang anyong tao.
8 ponizi sam sebe, poslušan do smrti, smrti na križu.
Ibinaba niya ang kaniyang sarili at naging masunurin hanggang sa kamatayan, ang kamatayan sa krus.
9 Zato Bog njega preuzvisi i darova mu ime, ime nad svakim imenom,
Kung kaya't lubos siyang itinaas ng Diyos. Siya ay binigyan niya ng pangalan na nakahihigit sa lahat ng pangalan.
10 da se na ime Isusovo prigne svako koljeno nebesnika, zemnika i podzemnika.
Ginawa niya ito upang ang lahat ay luluhod sa pangalan ni Jesus, ang mga nasa langit at sa lupa, at ang mga nasa ilalim ng lupa.
11 I svaki će jezik priznati: “Isus Krist jest Gospodin!” - na slavu Boga Oca.
Ginawa niya ito upang ang lahat ng labi ay magsasabing si Jesu-Cristo ay Panginoon, sa kaluwalhatian ng Diyos Ama.
12 Tako, ljubljeni moji, poslušni kako uvijek bijaste, ne samo kao ono za moje nazočnosti nego mnogo više sada, za moje nenazočnosti, sa strahom i trepetom radite oko svoga spasenja!
Kaya, mga minamahal ko, tulad ng inyong palaging pagsunod, hindi lamang sa panahong kasama ninyo ako, ngunit mas higit pa ngayong hindi ninyo ako kasama, pagsikapan ninyo ang inyong kaligtasan nang may takot at panginginig.
13 Da, Bog u svojoj dobrohotnosti izvodi u vama i htjeti i djelovati.
Sapagkat ang Diyos na parehong kumikilos sa inyo upang naisin at gawin ninyo ang ipinagagawa niya alang-alang sa kaniyang ikasisiya.
14 Sve činite bez mrmljanja i oklijevanja
Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang pagrereklamo at pagtatalo.
15 da budete besprijekorni i čisti, djeca Božja neporočna posred poroda izopačena i lukava u kojem svijetlite kao svjetlila u svijetu
Kumilos kayo sa ganitong paraan upang kayo ay maging walang kapintasan at tapat na mga anak ng Diyos na walang dungis. Kumilos kayo sa ganitong paraan upang kayo ay magningning tulad ng mga liwanag sa mundo, sa gitna ng baluktot at bulok na salinlahi.
16 držeći riječ Života meni na ponos za Dan Kristov, što nisam zaludu trčao niti se zaludu trudio.
Ipahayag ninyo ang salita ng buhay nang sa gayon ay may dahilan ako upang magluwalhati sa araw ni Cristo. Doon ko malalaman na hindi ako tumatakbo ng walang kabuluhan o gumagawa ng walang kabuluhan.
17 Naprotiv, ako se ja i izlijevam za žrtvu i bogoslužje, za vjeru vašu, radostan sam i radujem se sa svima vama.
Ngunit kahit na ibinuhos ako bilang isang alay sa paghahandog at paglilingkod ng inyong pananampalataya, nagagalak ako, at nagagalak ako kasama ninyong lahat.
18 A tako i vi budite radosni i radujte se sa mnom.
Sa ganitong paraan nagagalak din kayo, at nagagalak kasama ko.
19 Nadam se u Gospodinu Isusu da ću vam uskoro poslati Timoteja da mi odlane kad saznam što je s vama.
Ngunit umaasa ako sa Panginoong Jesus na agad niyang ipadala si Timoteo sa inyo, nang sa gayon ay mapalakas din ang aking loob kapag nalaman ko ang mga bagay tungkol sa inyo.
20 Nikoga doista nemam tako srodne duše tko bi se kao on svojski za vas pobrinuo
Sapagkat walang ibang taong may katulad ng ugali niya, na tunay na sabik sa inyo.
21 jer svi traže svoje, a ne ono što je Isusa Krista.
Sapagkat lahat sila ay naghahanap ng kani-kaniyang kapakinabangan, hindi ang mga bagay na kay Jesu-Cristo.
22 A prokušanost vam je njegova poznata: kao dijete s ocem služio je sa mnom evanđelju.
Ngunit alam ninyo ang kaniyang halaga, dahil tulad ng isang anak na naglilingkod sa kaniyang ama, kaya naglingkod din siya kasama ko sa ebanghelyo.
23 Njega se dakle nadam poslati tek što razvidim što je sa mnom.
Kaya umaasa akong ipadadala siya sa oras na makita ko kung paano magaganap ang mga bagay sa akin.
24 A uvjeren sam u Gospodinu da ću i sam uskoro doći.
Ngunit nagtitiwala ako sa Panginoon na ako, sa aking sarili ay nalalapit na ring makarating.
25 Smatrao sam potrebnim poslati k vama Epafrodita, brata, suradnika i suborca moga kojega ste poslali da mi poslužuje u potrebi.
Ngunit sa tingin ko ay kinakailangang ipadala muli si Epafrodito pabalik sa inyo. Kapatid ko siya, kapwa manggagawa, at kapwa kawal, at inyong mensahero at lingkod para sa aking mga pangangailangan.
26 Jer je čeznuo za svima vama i bio zabrinut što ste saznali da je obolio.
Sapagkat labis siyang nabalisa, at ninais niyang makasama kayong lahat, dahil nalaman ninyo na siya ay may sakit.
27 I doista je gotovo na smrt bio obolio, ali Bog mu se smilovao, ne samo njemu nego i meni, da me ne zadesi žalost na žalost.
Sa katunayan, malubha ang kaniyang karamdaman na halos ikamatay niya. Ngunit naawa ang Diyos sa kaniya, at hindi lamang sa kaniya, ngunit pati na rin sa akin, nang sa gayon ay hindi na madagdagan pa ang aking kalungkutan ng isa pang kalungkutan.
28 Brže ga dakle poslah da se, pošto ga vidite, opet obradujete, i ja da budem manje žalostan.
Kung kaya mas nakasasabik na ipadadala ko siya, nang sa gayon kung makita ninyo siyang muli ay maaari kayong magalak at ako ay higit na makakalaya sa pagkabalisa.
29 Primite ga dakle u Gospodinu sa svom radosti i poštujte takve
Tanggapin ninyo si Epafrodito sa Panginoon ng may buong galak. Parangalan ninyo ang mga taong katulad niya.
30 jer se za djelo Kristovo smrti sasvim približio, životnoj se pogibli izložio da nadopuni ono u čemu me vi ne mogoste poslužiti.
Sapagkat dahil sa gawain para kay Cristo kaya siya nalapit sa bingit ng kamatayan. Itinaya niya ang kaniyang buhay upang mapaglingkuran ako at mapunuan ang hindi ninyo kayang gawin sa paglilingkod sa akin.

< Filipljanima 2 >