< Ivan 14 >
1 “Neka se ne uznemiruje srce vaše! Vjerujte u Boga i u mene vjerujte!
Huwag ninyong hayaan mabalisa ang inyong puso. Manampalataya kayo sa Diyos; manampalataya rin kayo sa akin.
2 U domu Oca mojega ima mnogo stanova. Da nema, zar bih vam rekao: 'Idem pripraviti vam mjesto'?
Sa tahanan ng aking Ama ay maraming mga tirahan; Kung hindi gayon, sinabi ko na sana sa inyo; sapagka't aalis ako upang maghanda ng tirahan para sa inyo.
3 Kad odem i pripravim vam mjesto, ponovno ću doći i uzeti vas k sebi da i vi budete gdje sam ja.
Kung aalis ako at maghanda ng matititrahan ninyo, ako ay muling babalik at tatanggapin kayo sa aking sarili, upang kung saan man ako, kayo ay naroon din.
4 A kamo ja odlazim, znate put.”
Alam ninyo ang daan kung saan ako pupunta.”
5 Reče mu Toma: “Gospodine, ne znamo kamo odlaziš. Kako onda možemo put znati?”
Sinabi ni Tomas kay Jesus, “Panginoon, hindi namin alam kung saan kayo pupunta, papaano namin malalaman ang daan?
6 Odgovori mu Isus: “Ja sam Put i Istina i Život: nitko ne dolazi Ocu osim po meni.
Sabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay; walang sinuman ang makararating sa Ama maliban sa pamamagitan ko.
7 Da ste upoznali mene, i Oca biste moga upoznali. Od sada ga i poznajete i vidjeli ste ga.”
Kung nakilala mo na ako, dapat kilala mo na rin ang aking Ama; mula ngayon kilala mo na siya at nakita mo na siya.”
8 Kaže mu Filip: “Gospodine, pokaži nam Oca i dosta nam je!”
Ang sabi ni Felipe kay Jesus, “Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama, at iyon ay sapat na sa amin”.
9 Nato će mu Isus: “Filipe, toliko sam vremena s vama i još me ne poznaš?” “Tko je vidio mene, vidio je i Oca. Kako ti onda kažeš: 'Pokaži nam Oca'?
Ang sabi ni Jesus sa kaniya, “Felipe, hindi ba matagal na akong kasama ninyo, at hindi mo pa rin ako nakikilala? Kung sinuman ang nakakita sa akin, nakakita sa Ama; paano mo nasasabi, 'Ipakita sa amin ang Ama'?
10 Ne vjeruješ li da sam ja u Ocu i Otac u meni? Riječi koje vam govorim, od sebe ne govorim: Otac koji prebiva u meni čini djela svoja.
Hindi ka ba naniniwala na ako ay nasa Ama at ang Ama ay nasa akin? Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay sinasabi ko hindi sa aking sariling kapasyahan; sa halip, ito ay ang Ama na nananahan sa akin na siyang gumagawa ng kaniyang gawain.
11 Vjerujte mi: ja sam u Ocu i Otac u meni. Ako ne inače, zbog samih djela vjerujte.
Maniwala kayo sa akin, na ako ay nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin; o kaya, maniwala kayo sa akin dahil sa mismo kong ginagawa.
12 Zaista, zaista, kažem vam: Tko vjeruje u mene, činit će djela koja ja činim; da veća će od njih činiti jer ja odlazim Ocu.
Tunay nga ang sinasabi ko sa inyo, sinuman ang sumasampalataya sa akin, sa mga gawain na ginagawa ko, gagawin niya rin itong mga ginagawa ko; at gagawa siya ng mas higit na dakilang mga gawain dahil ako ay pupunta sa Ama.
13 I što god zaištete u moje ime, učinit ću, da se proslavi Otac u Sinu.
Anuman ang inyong hingin sa aking pangalan, gagawin ko upang ang Ama ay maluluwalhati sa Anak.
14 Ako me što zaištete u moje ime, učinit ću.”
Kung anuman ang inyong hingin sa aking pangalan, iyon ay gagawin ko.
15 “Ako me ljubite, zapovijedi ćete moje čuvati.
Kung mahal ninyo ako, susundin ninyo ang aking mga kautusan.
16 I ja ću moliti Oca i on će vam dati drugoga Branitelja da bude s vama zauvijek: (aiōn )
At mananalangin ako sa Ama, at bibigyan niya kayo ng isa pang Manga-aliw upang siya ay sumainyo magpakailanman, (aiōn )
17 Duha Istine, kojega svijet ne može primiti jer ga ne vidi i ne poznaje. Vi ga poznajete jer kod vas ostaje i u vama je.
na ang Espiritu ng katotohanan. Hindi siya maaaring tanggapin ng mundo dahil hindi siya nakikita nito o nakikilala man. Subalit, kayo, kilala ninyo siya, dahil nanatili siya sa inyo at sasainyo.
18 Neću vas ostaviti kao siročad; doći ću k vama.
Hindi ko kayo iiwanan nang nag-iisa. Babalik ako sa inyo.
19 Još malo i svijet me više neće vidjeti, no vi ćete me vidjeti jer ja živim i vi ćete živjeti.
Sa sandaling panahon, hindi na ako makikita ng mundo, ngunit makikita ninyo ako. Sapagkat nabubuhay ako, mabubuhay din kayo.
20 U onaj ćete dan spoznati da sam ja u Ocu svom i vi u meni i ja u vama.
Sa araw na iyon, malalaman ninyo na ako ay nasa Ama, at kayo ay nasa akin, at ako ay nasa inyo.
21 Tko ima moje zapovijedi i čuva ih, taj me ljubi; a tko mene ljubi, njega će ljubiti Otac moj, i ja ću ljubiti njega i njemu se očitovati.”
Ang sinuman na mayroon ng aking mga kautusan at isinasagawa ang mga ito; siya ang nagmamahal sa akin; at siya na nagmamahal sa akin ay mamahalin ng aking Ama, at mamahalin ko rin siya, at ipakikita ko sa kaniya ang aking sarili.”
22 Kaže mu Juda, ne Iškariotski: “Gospodine, kako to da ćeš se očitovati nama, a ne svijetu?”
Sinabi ni Judas (hindi si Iscariote) kay Jesus, “Panginoon, ano ang nangyayari na inyong ipakikita ang iyong sarili sa amin at hindi sa mundo?”
23 Odgovori mu Isus: “Ako me tko ljubi, čuvat će moju riječ pa će i Otac moj ljubiti njega i k njemu ćemo doći i kod njega se nastaniti.
Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: “Kung sinuman ang magmamahal sa akin, isasagawa niya ang aking salita. Mamahalin siya ng aking Ama, at kami ay paparoon sa kaniya at gagawa kami ng aming tirahan kasama niya.
24 Tko mene ne ljubi, riječi mojih ne čuva. A riječ koju slušate nije moja, nego Oca koji me posla.
Ang sinumang hindi nagmamahal sa akin ay hindi isinasagawa ang aking mga salita. Ang salitang inyong naririnig ay hindi sa akin, ngunit sa Ama na nagsugo sa akin.
25 To sam vam govorio dok sam boravio s vama.
Sinabi ko na sa inyo ang mga bagay na ito, habang ako ay nabubuhay pa kasama ninyo.
26 Branitelj - Duh Sveti, koga će Otac poslati u moje ime, poučavat će vas o svemu i dozivati vam u pamet sve što vam ja rekoh.
Subalit, ang Manga-aliw na ang Banal na Espiritu na ipapadala ng Ama sa aking pangalan ay magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay at magpapaalala ng lahat ng aking sinabi sa inyo.
27 Mir vam ostavljam, mir vam svoj dajem. Dajem vam ga, ali ne kao što svijet daje. Neka se ne uznemiruje vaše srce i neka se ne straši.
Kapayapaan ang iiwan ko sa inyo; ibinibigay ko ang aking kapayapaan sa inyo. Hindi ko ito ibinibigay katulad ng pagbibigay ng mundo. Huwag hayaang mabalisa ang inyong puso, at huwag ito hayaang matakot.
28 Čuli ste, rekoh vam: 'Odlazim i vraćam se k vama.' Kad biste me ljubili, radovali biste se što idem Ocu jer Otac je veći od mene.
Narinig ninyo ang sinabi ko sa inyo, “Ako ay aalis, at babalik ako sa inyo'. Kung minahal ninyo ako, nagagalak na sana kayo dahil pupunta ako sa Ama, sapagkat ang Ama ay higit na dakila kaysa sa akin.
29 Kazao sam vam to sada, prije negoli se dogodi, da vjerujete kad se dogodi.
Ngayon nasabi ko na sa inyo bago pa ito mangyayari upang kung mangyari man ito, kayo ay maaring maniwala.
30 Neću više s vama mnogo govoriti jer dolazi knez svijeta. Protiv mene ne može on ništa.
Hindi na ako masyadong magsasalita sa inyo, dahil darating na ang prinsipe ng mundong ito. Wala siyang kapangyarihan sa akin,
31 Ali neka svijet upozna da ja ljubim Oca i da tako činim kako mi je zapovjedio Otac. Ustanite, pođimo odavde!”
ngunit upang malaman ng mundo na mahal ko ang Ama, ginagawa ko kung ano ang inuutos ng Ama sa akin, katulad lamang ng pagbigay niya sa akin ng kautusan. Magsitindig na kayo, umalis na tayo sa lugar na ito.”