< 列王紀下 8 >

1 厄里叟對自己曾復活其子的婦人說:「你和你的家人,應動身往你能居住的地方去僑居,因為上主已決定,這地快要遭受七年饑荒」
Ngayon nagsalita si Eliseo sa babae na ang anak ay kaniyang binuhay. Sinabi niya sa kaniya, “Bumangon ka, at pumunta sa iyong sambahayan, at manatili ka sa ibang lupain kung saan maaari, dahil magpapadala si Yahweh ng taggutom na darating sa lupaing ito ng pitong taon.”
2 那婦人就立即照天主的人所說的話作了;她和她的家人動身走了,在培肋舍特人的地方,僑居了七年。
Kaya bumangon ang babae at sinunod niya ang salita ng lingkod ng Diyos. Nagpunta siya sa kaniyang sambahayan at nanirahan sa lupain ng Filisteo ng pitong taon.
3 過了七年,這婦人從培肋舍特地方回來,便去求君王,要收回自己的房屋和田地。
Pagkatapos ng pitong taon bumalik ang babae mula sa lupain ng mga Filisteo, at siya ay pumunta sa hari para magmakaawa sa kaniya para sa kaniyang bahay at lupain.
4 那時,君王正與天主的人僕人革哈齊談話,說:「請你將厄里叟作的一切大事,講給我聽! 」
Ngayon ang hari ay nakikipag-usap kay Gehazi na lingkod ng Diyos, sinasabing, “Pakiusap sabihin sa akin ang lahat ng dakilang bagay na nagawa ni Eliseo.”
5 當革哈齊正向君王講述先知如何復活死人的時候,恰好厄里叟曾復活其子的那婦人,前來求君王,要收回自己的房屋和田地,革哈齊就說:「我主,大王! 這就是那婦人,這就是厄里叟所復活的那兒子。」
Pagkatapos habang sinasabi niya sa hari kung paano binuhay ni Eliseo ang patay na anak, dumating ang babaeng ang anak ay kaniyang binuhay na nagmakaawa sa hari para sa kaniyang bahay at lupain. Sinabi ni Gehazi, “Aking panginoong, hari, ito ang babae, at ito ang kaniyang anak na lalaki, na binuhay ni Eliseo.”
6 君王問那婦人,婦人便將那件事告訴了君王;君王於是將她的事,委託給一個宦官,吩咐他說:「凡這婦人的一切,和自從她離開此地直到今日,田地裏的一切出產,都應歸還給她。」
Nang tanungin ng hari ang babae tungkol sa kaniyang anak, ipinaliwanag niya ito sa kaniya. Kaya iniutos ng hari sa isang opisyal para sa kaniya, sinasabing, “Ibalik sa kaniya ang lahat ng pag-aari niya at lahat ng mga ani ng kaniyang bukid mula nang araw na iniwan niya ang lupain hanggang ngayon.”
7 厄里叟來到大馬士革時,阿蘭王本哈達得正在患病,有人告訴君王說:「天主的人到這裏來了。」
Nagpunta si Eliseo sa Damasco kung saan si Ben-Hadad ang hari ng Aram ay may sakit. Sinabi sa hari, “Ang lingkod ng Diyos ay naparito.”
8 君王對哈匝耳說:「你隨身帶些禮物,去拜見天主的人,託他求問上主,我這病還能好嗎﹖」
Sinabi ng hari kay Hazael, “Magdala ka ng isang regalo at salubungin ang lingkod ng Diyos, at sumangguni kay Yahweh sa pamamagitan niya, sinasabing, 'Gagaling ba ako mula sa sakit na ito?”
9 哈匝耳就帶了四十匹駱駝,滿載著大馬士革出產的上等禮品,前去拜見先知;到了以後,就站在先知面前說:「你的弟子阿蘭王本哈達得打發我來問你:我這病還能好嗎﹖」
Kaya nagpunta si Hazael para salubungin siya at dala niya ang isang regalo ng bawat uri ng mabubuting bagay sa Damasco, na dala ng apatnapung kamelyo. Kaya nagpunta si Hazael at tumayo sa harap ni Eliseo at sinabi, “Ipinadala ako sa iyo ng iyong anak na si Ben-Hadad hari ng Aram, tinatanong kung, 'Gagaling ba ako mula sa sakit na ito?”
10 厄里叟對他說:「你去告訴他:一定會好;但上主指示我:他一定要死。」
Sinabi ni Eliseo sa kaniya, “Lumakad ka, sabihin kay Ben-Hadad, 'Siguradong gagaling ka,' pero ipinakita sa akin ni Yahweh na siya ay siguradong mamamatay.”
11 厄里叟定睛凝視哈匝耳,直使哈匝耳感到慚愧。這時天主的人就哭了。
Pagkatapos tumitig si Eliseo kay Hazael hanggang siya ay mapahiya, at ang lingkod ng Diyos ay umiyak.
12 哈匝耳問說:「我主,你為什麼哭﹖」先知回答說:「因為我已知道你將要加於以色列子民的惡行:你要放火焚毀他們的堡壘,用刀殺死他們的青年,摔死他們的兒童,剖開他們的孕婦。」
Tinanong ni Hazael, “Bakit ka umiiyak, aking panginoon?” Kaniyang sinagot, “Dahil nalalaman ko ang kasamaan na iyong gagawin sa bayan ng Israel. Susunugin mo ang kanilang mga kutang tanggulan, at papatayin mo ang kanilang mga kabataang lalaki gamit ang espada, dudurugin ang kanilang mga maliliit na bata, at bibiyakin ang tiyan ng kanilang babaeng buntis.”
13 哈匝耳說:「你的僕人算什麼﹖只不過是一條狗,他如何能作出這樣的大事﹖」厄里叟回答說:「上主已指示給我,你要作阿蘭王。」
Tumugon si Hazael, “Sino ang iyong lingkod, na dapat gumawa nitong dakilang bagay? Siya ay isang aso lamang.” Sumagot si Eliseo, “Ipinakita sa akin ni Yahweh na ikaw ang maghahari sa Aram,”
14 哈匝耳就離開厄里叟,回去見他的主上;君王問他說:「厄里叟對你說了些什麼﹖」他回答說:「他告訴我:你一定會好。」
Pagkatapos iniwan ni Hazael si Eliseo at nagpunta sa kaniyang panginoon, na sinabi sa kaniya, “Ano ang sinabi ni Eliseo sa iyo?” Sumagot siya, “Sinabi niya sa akin na ikaw ay tiyak na gagaling.”
15 到了第二天,哈匝耳拿了被衾浸在水中蒙在君王的臉上,君王就這樣死了;哈匝耳就篡位為王。
Nang sumunod na araw kinuha Hazael ang kumot at nilublob ito sa tubig, at inilatag ito sa mukha ni Ben-Hadad kaya siya ay namatay. Pagkatapos si Hazael ay naging hari na kapalit niya.
16 以色列王阿哈布的兒子耶曷蘭五年,猶大王約沙法特的兒子約蘭登極為猶大王。
Sa ikalimang taon ni Joram anak ni Ahab, hari ng Israel, nagsimulang maghari si Jehoram. Siya ang anak ni Jehosafat hari ng Juda. Nagsimula siyang maghari nang si Jehoshafat ay hari ng Juda.
17 他即位時年三十二歲,在耶路撒冷為王八年。
Si Jehoram ay tatlumput-dalawang taong gulang nang siya ay magsimulang maghari, at naghari siya ng walong taon sa Jerusalem.
18 他走了以色列王所走的道路,像阿哈布家所行的一樣,因為他娶了阿哈布的女兒為妻,行了上主視為惡的事。
Lumakad si Jehoram sa mga pamamaraan ng mga hari ng Israel, tulad ng ginawa ng sambahayan ni Ahab; dahil ang anak na babae ni Ahab ay kaniyang asawa, at ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh.
19 但是,上主為了他僕人達味的緣故,不願消滅猶大,因為他曾向達味應許過,他的子孫中,要永遠給他留下一盞明燈。
Gayunman, dahil sa kaniyang lingkod na si David, hindi nais ni Yahweh na wasakin ang Juda, dahil sinabi niya sa kaniya na bibigyan siya lagi ng mga kaapu-apuhan.
20 約蘭年間,厄東人脫離了猶大的統治,自立為王;
Sa mga panahon ni Jehoram, naghimagsik ang Edom mula sa ilalim ng kamay ng Juda, at nagtayo sila ng isang hari para manguna sa kanila.
21 那時,約蘭率領自己所有的戰車,到了匝依爾,乘夜間起來,衝出了包圍他和那些戰車長的厄東人,軍民纔得逃回自己的帳幕。
Pagkatapos tumawid si Jehoram kasama ang kaniyang mga pinuno at lahat ng kaniyang mga karwahe. Nangyari ito nang siya ay nagising sa gabi at sinalakay at tinalo ang mga Edomita, na pumaligid sa kaniya at ang mga pinuno ng mga karwahe. Pagkatapos tumakas ang hukbo ni Jehoram papunta sa kanilang mga tahanan.
22 這樣,厄東人脫離了猶大的統治,直到今日。同時,里貝納也背叛了猶大。
Kaya naghihimagsik ang Edom mula sa kapangyarihan ng Juda hanggang sa araw na ito. Naghihimagsik din ang Libna sa panahon ding iyon.
23 約蘭其餘的事蹟,他的一切作為,都記載在猶大列王實錄上。
Gaya ng ibang mga bagay tungkol kay Jehoram, ang lahat niyang ginawa, hindi ba nakasulat ang mga ito sa Ang Aklat ng mga Kaganapan sa buhay ng mga Hari ng Juda?
24 約蘭與列祖同眠後,與他的列祖葬在達味城;他的兒子阿哈齊雅繼位為王。
Namatay si Jehoram at nahimlay kasama ang kaniyang mga ninuno, at inilibing kasama ang kaniyang mga ninuno sa lungsod ni David. Pagkatapos ang anak ni Ahazias ang naging hari na kapalit niya.
25 以色列王阿哈布的兒子耶曷蘭十二年,猶大王約蘭的兒子阿哈齊雅登極為王。
Nang ikalabindalawang taon ni Joram anak ni Ahab, hari ng Israel, si Ahazias anak ni Jehoram, hari ng Juda, ay nagsimulang maghari.
26 他即位時,年二十二歲,在耶路撒冷作王一年。他的母親名叫阿塔里雅,是以色列王敖默黎的孫女。
Si Ahazias ay dalawamput-dalawang taong gulang nang magsimulang maghari; naghari siya ng isang taon sa Jerusalem. Ang pangalan ng kaniyang ina ay si Atalia; siya ay anak na babae ni Omri, hari ng Israel.
27 阿哈齊雅走了阿哈布的道路,行了上主視為惡的事,同阿哈布家一樣,因為他是阿哈布家的女婿。
Lumakad si Ahazias sa pamamaraan ng sambahayan ni Ahab; ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh, gaya ng ginagawa ng sambahayan ni Ahab, dahil si Ahazias ay isang manugang na lalaki sa sambahayan ni Ahab.
28 他同阿哈布的兒子耶曷蘭往辣摩特基肋阿得去,與阿蘭王哈匝耳交戰。阿蘭人擊傷了耶曷蘭,
Pumunta si Ahazias kasama si Joram anak ni Ahab, para makipaglaban kay Hazael, hari ng Aram, sa Ramoth-galaad. Sinugatan ng mga Aramean si Joram.
29 耶曷蘭就回到依次勒耳,治療他在辣摩特與阿蘭人交戰時所受的傷。猶大王約蘭的兒子阿哈齊雅,由於阿哈布的兒子耶曷蘭患病,就下到依次勒耳去探望他。
Nagbalik si Haring Joram para magpagaling sa Jezreel sa mga sugat na ginawa ng mga Aramean sa kaniya sa Rama, nang nakipaglaban siya kay Hazael hari ng Aram. Kaya si Ahazias anak ni Jehoram, hari ng Juda, ay bumababa sa Jezreel para makita si Joram anak ni Ahab, dahil siya ay nasugatan.

< 列王紀下 8 >